5:30 ng umaga nang nagising ako.
Maaga pa naman kaya sinubukan kong matulog ulit. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi parin ako makatulog kaya napagpasyahan kong maligo na. Hindi muna ako nagbihis dahil sobrang aga pa naman kaya pang bahay nalang muna ang soot ko. Racerback at maikling shorts.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako at nakitang kakagising lang nina manang Trinidad. Tinulungan ko sila sa pagluto. Nagluto ako ng hotdogs, bacon at garlic bread. Nilabas ko mula sa refrigerator ang oatmeal, freshmilk at cereals. Malakas ng kumain ang anak ko ngayon kaya dapat umaga palang ay busog na siya.
Sabi nga ng mga scientist ay mainam sa katawan kung ikaw ay kakain ng marami sa umaga kaysa sa tanghali at gabi. Dahil dito ka kumukuha ng lakas para simulan ang iyong araw.
Umakyat ako sa kwarto ng anak ko para gisingin siya. Halong kulay light blue at black ang kulay ng kwarto niya. May isa siyang frame na nasa dingding papunta sa kaniyang cr. May sarili siyang flatscreen na nakasabit sa dingding sa harap ng higaan niya. Kompleto siya sa gaming set. Kompleto rin siya sa mga gadgets, Dslr, Pc, Laptop, Itouch, Mp3 ata marami pa. Hindi naman niya hinihingi iyon. Madalas ay gadgets ang mga regalo ko sa kaarawan at Christmas sakanya. May sarili rin siyang walk in closet at sala sa kwarto.
Nang buksan ko ang kwarto niya ay agad akong napangiwi sa lamig ng aircon. Hindi talaga sanay ang baby ko sa mainit. Hininaan ko ang aircon bago ko nilapitan ang anak ko na payapang natutulog sa kanyang higaan. Ang kanyang bibig ay bahagyang nakabukas at maririnig mo talaga ang kaniyang hininga.
Sinamantala ko ang oras na hindi pa siya tulog para suriin ang mukha niya. He really looks like Ynigo. Katamtaman ang kutis, manipis na labi, matangos na ilong, tamang laki at mapanuring mga mata, emphasized jawline. At pati na rin ang kaniyang buhok. Manipis, malambot na kulay brown ang buhok.
Sinuklay ko ang buhok ng anak ko gamit ang aking mga daliri. Masasayahan kaya si Ynigo pag nalaman niyang may anak na kami? O baka takbuhan niya ito dahil ayaw niya ng responsibilidad. Ang Ynigo ko noon ay bata palang kami ay gusto na niyang bumuo ng pamilya. Hindi ko alam kung iyon parin ang kanyang pananaw dahil ngayo ay nagbago na siya.
Bahagyang gumalaw ang mga mata ng anak ko. Nagpapahiwatig na na alimpungatan na siya.
"Baby wake up." Bulong ko sa malambing na boses. Parang kailan lang hindi ko pa ginigising ang anak ko sa umaga dahil wala siyang pupuntahan. Ngayon, araw araw na siyang gumigising ng maaga para mag aral.
"Mmmmm." Gumalaw siya papunta sa ibang dereksyon ng kama. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya mula sa likuran. Ang liit pa ng anak ko. Baka hindi ko mamalayang lumaki na pala ang anak ko at iba na ang niyayakap niya mula sa likuran. Nooooo!
"Wake up, sleepyhead!" Siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya.
"Mmmmomm!" Lumayo siya ng konti sakin pero dahil makulit ako ay siniksik ko pa lalo ang ulo ko sa leeg niya. Napakurap siya sa ginawa ko. Ang kiliti niya kasi ay nasa balikat.
"Mommy!!!" Agad siyang humarap sakin. Nakakunot noo niya akong tinignan.
"What?" Pa inosente kong tanong. Fake it until you make it.
"Haaay. Good morning." Mabilis niya akong hinalikan sa noo. Mabilis dahil alam kong alam niya na sa tuwing hinahalikan niya ako ng matagal sa noo ay sasamantalahin ko ang oras na iyon para yakapin siya. My baaaby!
"Morning baby! Maligo kana at para makakain kana."
"Kay." Tipid niyang sagot. Umalis siya sa kama at dumiretso sa cr.
Bumaba na rin ako ng kama at lumabas ng kwarto niya. Pumasok ako sa kwarto ko at para makapagbihis na.
"Mommy please pass the hotdog." Ani Kobe
"Kay." Tipid kong sagot. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Nagpeace sign naman ako at pinasa ang hotdog. Minsan talaga hindi ko maintidihan ang anak ko. Parang babae! Ang moody. Ang strikto, ang suplado, minsan naman ang kulit, masiyahin! Hays.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahatid kami papunta sa kanyang eskwelahan. Hindi ko trip magdrive eh.
"Bye mom!" Aniya at hinalikan ako sa noo bago binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. Pinagmasdan ko siyang pumasok sa school niya. Hindi kalayuan ay nakita niya ang mga kaibigan niya at nagfist to fist sila. Ang iba naman ay nag high five. Parang matanda talaga kung umasta.
"Please review my schedule." Sabi ko habang naglalakad papuntang elevator. Sinalubong ako ni Maria sa lobby kanina.
"2 pm meeting with the manager of Silva Resorts and Casino. Dinner meeting with the CEO of Zamora Group Of Companies. Yun lang po ma----" hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ng nagtaka ako.
"Wait! What? Meeting with the CEO of ZGOC?"
"Yes ma'am." Tila huminto ang pagtibok ng aking puso. We will be having an alone meeting! It will be a date! Well kahit hindi date iyon, kami lang dalawa ang magkasama kaya parang ganon na rin iyon!
"What for? Bakit ngayon ko lang nalaman yan?"
"Kasi po ma'am tinawagan ako ng secretary ng CEO ng ZGOC. Sabi niya gusto ng CEO na makilala ang bagong stockholder."
My gosh! I should look presentable! No. I should look gorgeous!
