Chapter 12 - HP

8.7K 158 1
                                    

12:40 ng hinatid niya ako sa floor ko. Umalis din agad siya dahil may aasikasuhin rin daw siya. Binasa ko lahat ng mga papeles at pinirmahan ang mga papeles na sang ayon ako.

Nagring ang telepono sa tabi ng mga folder na napirmahan ko na.

"Yes Maria?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ma'am, nandito po si Attorney Diaz kasama niya si Mr. Lee at Mr. Lao." Aniya sa kabilang linya

"Sige papasukin mo. Thank you."

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at unang pumasok si Attorney Diaz, my lawyer, kasunod si Mr. Lee at Mr. Lao. Inilahad ko ang daan papunta sa sala ng nakangiti. Please. Sana pumayag sila na bilhin ko. Kung kailangang doblehin ko ang halaga ay gagawin ko.

"Good afternoon Ms. Clavel." Ani Mr. Lee

"Good Afternoon." Ani Mr. Lao at bahagyang nagbow.

"Good Afternoon Mr. Lee and Mr. Lao. It's nice to meet you." Naglahad ako ng kamay sa kanila at tinanggap naman nila iyon.

His PropertyWhere stories live. Discover now