Chapter 15 - HP

9K 191 0
                                    

Naramdam kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bag ko. Tumatawag ang anak ko. Sinagot ko agad ito.

"Yes baby?"

"Mom! Gabi na. Where are you?" Narinig ko mula sa kabilang linya ang ingay mula sa tv yata.

"Uhm. Pauwi na ako baby. Wag mo na akong hintayin. Matulog ka na."

"Okay mommy. I love you."

"I love you too baby."

Pinatay ko ang tawag at narinig ko na papalayo na ang mga yapak ng paa niya ni Ynigo. Habang ako naman, ito naghihintay ng taxi sa labas.

Papara na sana ako ng taxi nang biglang pumarada sa harapan ko ang toyota fj cruiser ni Ynigo. Binaba niya ang salamin sa front seat at tinignan ako.

Nahihiya ako! Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng sasakyan!

"Hop in. Ihahatid na kita." Aniya ng nakatingin sa kalsada.

"Hindi na. Uhmm magtataxi nalang ako."

"Bakit ka pa magtataxi kung pwede naman kitang ihatid?" Napatingin siya sakin.

"H-Hindi na talaga. Kaya ko namang mag isa."

Kahit gustong gusto kong magpahatid, wag nalang dahil baka pineperwisyo ko siya. Hindi ko alam baka may naghihintay pa pala sakanya.

"C'mon monique." Bumuntong hininga siya.

Tinawag niya ako sa pangalan ko!!! Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang saya. Ito ang una niyang pagtawag sa pangalan ko mula nung iniwan ko siya.

"Ah. H-Hindi na talaga Y-Ynigo."

"Do I still have to drag you?" Nanliit ang mga mata niya.

"Okay s-sige." Agad akong pumasok sa kanyang sasakyan.

"Doon ka pa rin ba nakatira?" Tanong niya mula sa mahabang katahimikan. Hindi ako agad nakasagot dahil tinetext ko pa si Rose, ang nanny ni Kobe.

To: Rose

Rose wag mo nang palabasin si Kobe sa kwarto niya. Patulogin mo na siya. Pauwi na ko.

Nabigla ako nang biglang kinuha ni Ynigo ang cellphone ko mula sakin. Nilipat niya iyon sa isa niyang kamay habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.

"Stop texting other people while you're with me monique. My time, my attention." Sinulyapan niya ako.

Suminghap ako. He's jealous! I know he is jealous! Hindi ko pa nga ginagawa ang plano ko bumibigay na siya. Alam kong mahal pa niya ako!

Tinignan ko siya. Naka tiim ang kanyang panga. Ang ilaw mula sa street lights na dumadaan lang ang nagbibigay liwanag para makita ko ang mukha niya. Malalim ang mga mata niya. Parang puno iyon ng emosyon.

"S-Sorry. Importante lang talaga."

Baka magreply si Rose doon, at makita niya ang massage bago iyon!

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang umilaw ang screen ng cellphone ko! Oh my God! Nagreply si Rose! Baka makita ni Ynigo!

"One message. Anong password mo?" Naka dungaw siya sa cellphone ko. Naka red ang traffic light kaya huminto siya.

Sobrang natatakot ako! Malaki ang chansa na makita niya ang mensahe ko bago iyon. Alam kong gusto kong sabihin kay Ynigo na maya anak na kami ngunit hindi ngayon. Hindi ngayon na hindi pa bumabalik ang nararamdaman niya para sakin dahil baka kunin niya ang anak ko.

"Ako na!" Inabot ko ang cellphone ko ngunit inilayo niya naman sakin iyon.

"No. What's your password monique?" Seryoso niyang tanong.

Alangan namang magsinungaling ako! Bahala na. Wala naman siguro siyang pakialam. Sasabihin ko nalang sakanya na pamangkin ko si kobe at hindi siya sanay makihalubiho sa ibang tano kaya ko siya pinapasok sa kwarto niya. Bahala na!

"2182." Nakita kong tinype niya ang password ko. Naka kunot noo niyang binasa iyon. Oh no. Ready for your explanation, monique.

"Sana na miss mo rin ako?! What the hell? This is so gay! Just... just what the hell."

"Huh?" Takang tanong ko. Sana na miss mo rin ako?! Ano yun?

Binalik niya agad sakin ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya.

From: Isaac Grande

I miss you. Hindi kita nakita ngayong araw. Sana namiss mo rin ako. Goodnight, missy. Dream of me. :)

Nanlaki ang mga mata ko. Buong akala ko ay si Rose ang nagtext. Kanina ko pa pinaulit ulit ang explanation ko ngunit si Isaac naman pala ang nagtext. Hindi ko inaasahang magtetext siya.

"Uhm oo doon parin ako nakatira."

"Mabuti naman at naisipan mo pang sagutin ang tanong ko. I miss you huh?! Tss." Bulong bulong niya. Narinig ko pa siyang nagmumura ng ingles.

Why so moody all of a sudden? Masasabi kong sakanya namana ni Kobe ang pagiging masungit at moody.

Dumaan kami sa pamilyar na daan papuntang bahay. Pumasok kami sa subdivision kung saan ang bahay ko, tinanguan niya ang guard.

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Ilang minuto kqming nakaupo hanggang sa napagpasyahan kong basagin ang katahimikan.

"Salamat sa pag hatid." Ngiti ko. Tinignan ko siya at ganon din ang ginawa niya.

Tinanguan niya ako at seryoso parin ang mukha. Aalis na sana ako kung hindi lang ako nahirapan sa seatbelt. Pilit ko ito kinakalas ngunit parang may kung anong bagay na nakaipit dito kaya ayaw niyang lumabas.

Napansin yata ni Ynigo na nahihirapan ako sa pagkalas kaya humilig siya palapit sakin.

Hmm. His scent. Ang bango bango. Alam niyo yung bango na lalaking lalaki ngunit hindi masakit sa ilong, eto yun eh. We're inches away! Kung hihilig pa siya lalo ay magdidikit na ang aming mga katawan.

Kasabay ng malakas na pagkalas ni Ynigo ang pagawang ng aking bibig. Lumingon siya sakin kaya sobrang lapit ng mga labi namin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa bibig ko. Napaawang din ang bibig niya. Nakatingin ako sa mga mata niya habang siya naman ay bumaba ang tingin sa aking nakaawang na labi.

Gusto kong ituloy ang pagitan ng aming mga labi. Ngunit nangangangamba ako dahil baka hindi parehas ang aming nararamdaman.

Suminghap siya bago bumalik sa sariling upuan. Oo nga naman monique! Ikaw lang dito ang umaasa! Walang kasiguradohang may nararamdaman siya para sakin, kung meron man baka galit, poot o kung ano lang iyon.

Wag mag assume dahil ikaw lang rin ang masasaktan.

His PropertyWhere stories live. Discover now