Chapter 34 - HP

8.1K 163 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa loob ng mall, hinihintay si Isaac. Kailangan ko ng kaibigan ngayon at dahil si Isaac lang ang matalik na kaibigan ko, siya ang pinakiusapan kong puntahan ako. Nagulat nga siya ng inaya ko siya dahil hindi naman ako mahilig lumabas except nalang kung pinapasyal ko si Kobe.

Pagkatapos ng insidenteng iyon kanina sa ospital ay ilang saglit akong natulala sa sasakyan. Nagtataka na nga ang driver kung may ba problema ako.

Hinintay ko si Ciara na lumabas ng ospital. Sinundan ko siya ng hindi niya namamalayan, hopefully. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at pumunta sa isang restaurant. Pinahinto ko ang sasakyan sa labas ng restaurant na iyon. Nakita kong ni meet niya si Ynigo.

Kumirot ang dibdib ko ng sinalubong ni Ynigo si Ciara ng halik. Kahit mukhang walang gana si Ynigo habang kasama niya si Ciara ay naiinggit parin ako. Dapat ako sana ang kasama niya at hindi ang babaeng iyan. Nagsasalita si Ciara at mukhang masayang masaya siya.

Hindi kaya masaya siya dahil nalamam niyang buntis siya? Eh bakit hindi masaya si Ynigo? Pinagdasal ko sa panahong iyon na sana hindi buntis si Ciara.

Hanggang sa nagpasya akong magpahatid nalang sa isang mall para imeet si Isaac.

Makalipas ang halos labing limang minuto ay dumating si Isaac. Ngumiti siya sakin ng namataan niya ako kahit hindi pa siya nakakapasok ng coffee shop. Hinalikan niya ako sa noo ng siya ay nakalapit.

"So what's wrong?" Pinagsiklop niya ang kanyang mga daliri at nilapag iyon sa mesa.

"Problema agad? Hindi ba pwedeng inimbita kita kasi na miss kita?" Tumawa ako

"Oh. Kung inimbita mo ako dahil na miss mo ako then I miss you too  monique." Ngumiti siya. Haay bakit ba hindi nalang siya ang minahal ko? Kung siya ang mahal ko, hindi sana magiging ganito ka komplikado ang lahat.

Kahit anong gusto natin na mangyari ito o sana ganito nalang, hindi naman mangyayari dahil may nakalaan na para sa atin. Kumbaga planado na lahat sa buhay, tayo nalang ang pipili kung saang daan ang gusto nating tahakin.

"Okay seriously speaking, monique. Anong problema? Alam ko namang hindi mo ako tatawagan ng basta basta lang. Alam kong kailangan mo ng kausap kaya tinawagan mo ako. Now spill it."

"Kilalang kilala mo talaga ako." Tawa ko. Almost 6 years palang kaming magkakilala pero lahat ng sekreto ko alam niya, parang kasama ko na siya pagkabata.

Tinignan niya ako na para bang hinihintay ang idudugtong ko.

"Umm kasi nakita ko si Ciara kanina sa Saviors Hospital, sa clinic ni Dra. Tiamzon." Panimula ko.

"Ciara Corpuz? Bakita siya nasa clinic ni Dra. Tiamzon?"

"I..I have no idea. Nagtataka nga rin ako kung bakit siya nandon." Kibit balikat ko.

"So what about her? Anong problema mo sakanya?" Takhang tanong niya.

"Isaac, OB si Dra. Tiamzon! Nakita kong pumasok si Ciara sa clinic niya!  Does it mean... does it mean Ciara is pregnant at si Ynigo ang ama?"

"Baka kaibigan niya lang ang tao, monique. Pwede ring pumunta si Ciara sa clinic ni Dra. Tiamzon dahil may tinanong lang. You're just over thinking monique. But.... if she's pregnant, ano naman?"

"H-Hindi pwede....." may bahid na pagtataka ang kanyang mukha sa aking sinabi. Yumuko ako.

"Bakit hindi pwede? She's not getting any younger. At kung si Ynigo ang ama edi----"

"I'm pregnant." Halos pabulong kong sabi ngunit alam kong narinig niya dahil hindi niya natapos ang sasabihin.

"What?!" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Alam kong magugulat talaga siya. Baka sermonan na naman niya ako, na ng tanga ko at naging padalos dalos ako sa aking mga desisyon.

His PropertyWhere stories live. Discover now