"Monique!!" Agad lumapit si Ynigo sa amin at niyakap kami. Nakita kong lumingon siya sa daga at kung paano napalitan ang kanyang nandidiring ekspresyon sa isang galit na ekspresyon.
"Ynigo..." napapikit ako nang pumiyok ang boses ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Parang mahihimatay ako sa amoy.
"Damn it! Baby, hush down. I'll take care of this, okay? Magpahinga ka muna."
Umiling ako. I want him near me.
"Kailangan mong magpahinga, Monique. Don't stress yourself too much." Aniya.
Nakita kong natigilan ang mga kasambahay, guard at ang driver sa pinto. Kahit sila ay gulat na gulat sa nakita.
"Please check all the cctv's at sabihin niyo sakin kung may mapansin kayong kakaiba. Make sure all the gates are lock at may nagbabantay." Narinig kong sambit ni Ynigo sa guard. Tumango ang guard at mabilis na umalis.
"Mom let's go. We'll stay in my room for a while." Hindi ko inaasahang bubuhatin ako ni Ynigo kaya sandaling nawala sa isip ko ang takot.
Nilapag niya ako sa malambot na higaan ni Kobe at tumabi naman ang anak ko sa akin. Naramdaman ko ang pagbaba ng higaan dahil sa pag upo ni Ynigo.
"Baby, don't worry. Pinapatrace ko na kung saan si Ciara. But we can't file a case against her because we don't have a proof na siya nga ang nagpapadala ng mga threats. As for now, kailangan mong magpahinga. Think about the our twins, baka may mangyaring masama sa kanila kung hindi mo aalagaan ang sarili mo." Sinuklay niya ang buhok ko. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko sa pagdampi ng mainit niyang palad sa noo ko
"I-I'm sorry."
"Don't be. You just need you to rest, okay? Love you." Bulong niya sabay halik sa noo ko. Tumango ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti dahil hindi ko na kayang magsalita pa.
I need to rest, para sa mga anak ko.
Naramdaman ko ang maliit na braso ni Kobe na bumalot sa akin. He assured me na walang mangyayaring hindi maganda. I smiled, thanking him for everything. Hindi ko alam kung paano ko naituwid ang gabi ko. Nagising ako nang tawagin kami ni Ynigo para maghapunan. At kahit may bakas parin ng takot sa sistema ko ay tinatagan ko ang aking sarili at kumain ng madami, para rin naman to sa mga baby ko.
Ilang ulit kong sinabihan ang sarili ko na kung natatakot ako wag kong idamay ang mga anak ko. Wala silang kamalay malay sa mga nangyayari dito kaya dapat hindi sila madamay. Kailangan kong kumain ng marami at ipagpatuloy ang buhay.
Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda para sa panibagong araw na ito.
Maingat akong bumangon upang hindi magising si Kobe na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang aking mga daliri at nagulat ako sa aking nakita.
Hindi ko inaasahang makikita ko si Ynigo na natutulog sa couch ni Kobe. Mukhang mahimbing ang tulog niya dahil malalim ang kanyang paghinga kahit halatang pilit niyang sinisiksik ang kanyang malaking katawan sa isang couch. Nilapitan ko siya at umupo sa sahig para lumebel sa kanyang gwapong mukha.
Nandyan siya para sakin sa mga oras na kinailangan ko siya. Nagpapakatatag siya sa tuwing nanghihina ako. Alam ko lahat ng tao nagkakamali. Maybe all of the unwanted things that happened in the past was just trials in our relationship. Lahat ng mga relasyon ay binibigyan ng problema upang maging matatag ito. It's my time to fight for this relationship. I will be strong for Kobe, for our twins and of course for Ynigo.
Sinuklay ko ang malambot niyang buhok gamit ang aking mga daliri habang buong pusong nakatingin sa mukha niya. Until the moon and back, Ynigo. Until the moon and back.
