"Mommy ang init!" Reklamo ni Kobe nang lumabas kami ng NAIA. It's 2 in the afternoon here in the philippines kaya tirik na tirik ang araw.
Pinagmasdan ko si Kobe na nakakunot noong nakatingin sa araw habang tumutulo ang pawis. Ang cute niyang tignan. Namumula ang kaniyang pisngi sa init.
"Ganyan talaga baby. You'll stay here na kaya dapat ay masanay kana." Bitbit bitbit niya ang kaniyang maliit na napsack.
Lumapit ako sakanya at kinuha ang bimpo niya sa kaniyang bag. Pinunasan ko ang kaniyang likod hanggang sa leeg. Natigil ako sa pagpupunas sa kanya ng tumakbo siya.
"Uncle Isaac!" Sigaw niya at tumakbo kay Isaac na kakababa lang ng sasakyan niya.
"Kobe! I'm not yet done!" Sigaw ko. Tumayo ako sa pagkakaluhod at sinundan sila.
"Kobe hindi pa tapos ang mommy mo." Padabog na binalikan ako ni kobe at tinapos ko ang papunas sa pawis niya.
Nang sumakay kami ng sasakyan ay nagrereklamo parin si Kobe sa init. Hindi siya sanay sa maiiinit na lugar.
"Ang iniiit. Hayy!" Napabuntong hininga nalang siya.
"Mommy Im hungry."
Mag aalas tres na pala ng hapon at hindi pa kami kumakain.
"Oh sorry. Sige kakain muna tayo bago umuwi."
Si Isaac ang nagdadrive, ako ang nasa front seat at si Kobe naman aya sa likod nakaupo ngunit nakadungaw siya sa gitna namin ni Isaac at tinitignan ang Metro Manila.
Dumaan muna kami ng Ocean City bago umuwi. Agad na umikot si Isaac para pagbuksan ako ng pinto.
"Thank you." Ngiti ko. Nang nakababa na ako ay pinagbuksan niya rin ng pinto si Kobe. Tinaas ni Kobe ang kanyang mga kamay na nagpapahiwatig na gusto niyang magpakarga.
"I thought you're already a big boy? Hindi nagpapakarga ang mga big boy."
"I know." Binaba niya ang kaniyang nakataas na mga kamay at bumaba na ng kotse. Nauna pa siyang pumasok sa Restaurant.
Napailing nalang kami sa inasta niya.
"Hayaan mo nalang."
Naglalakad kami patungo kay Kobe. Nakita naming kinakausap siya ng isang waitress na mukhang nacu cute'an sakanya dahil lumuhod pa siya at pinindot pindot ang pisngi ni Kobe. Narinig namin ang kanilang pinaguusapan.
"Hmm. Table for how many little boy?"
"Table for three. Get off me. Your hand might be dirty! And dont call me little boy because I'm not and I dont even know you!" Sigaw niya. Napatingin ang ibang mga guests sa kanila.
Mas nacute'an siguro anv babae kaya nakita kong kinurot niya ang mapulang pisngi ni Kobe. Nagulat nalang kami ng kinagat ni Kobe ang kamay ng babe dahilan para mapatili ito.
"Ahhhhh!" Agad kaming lumapit sa kanilang kinaroroonan.
"Oh my god! Miss I'm so sorry. Sorry sa ginawa ng anak ko!"
"Mommy don't be sorry! Kasalanan niya iyon at hindi sayo!"
"Kobe!" Pinandilatan siya ni Isaac.
Nagiging masama talaga ang ugali ni Kobe sa tuwing mainit ang ulo niya.
"Sorry talaga miss. Kobe say sorry" Paumanhin ko. Hinintay namin si Kobe na magsalita ngunit tinitigan lang niya ako. Ang tigas talaga ng ulo. Manang mana sa tatay. Tsssk
"KOBE!" Marahan kong tawag na halos maubos na ang pasensya.
"Fine. Sorry!" Aniya bago kami tinalikuran. Siya na mismo ang naghanap ng upuan.
"Miss, I apologize for what he done." Napatingin ako sakanila ng nagsalita si Isaac. Kitang kita sa mga mata niya ang sinseridad. Napatulala ang babae sa kanya. Nakabukas ang bibig niya at parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sabi.
"O-Okay l-lang."
"Sorry talaga. Gutom lang siguro ang bata." Ngiti ni Isaac. Nanlambot ang tingin ng babae.
Tinalikuran na namin siya pero bago pa mangyari iyon ay may pahabol siyang sinabi.
"Enjoy your meal ma'am sir!"
Pumunta kami sa table kung saan nakaupo si Kobe. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa mga taong dumadaan sa labas.
"Kobe what was that?" Medyo galit kong bulong. Ayaw kong i'spoil si Kobe kaya kung may kasalan siya ay dapat sermonan ng sa gayon ay matuto.
"What? I didn't do anything bad! Pinisil niya ang pisngi ko kaya nagalit ako!"
"Oo nga. Pero dapat hindi mo siya kinagat. Pwede mo namang sabihan."
"K." masungit niyang sabi. Why so stubborn? Paninindigan niya talaga ang mga gusto niya.
"Kobe." Malalim na tawag ni Isaac.
"Fine! I'm sorry! I'm sorry it's my fault. It's just that I'm already hungry."
"O sige. Basta wag mo nang uulitin!"
"Yeah sure. C'mon let's just eat. I'm starving."
Nagorder na kami. Masasabi kong gutom nga talaga ang baby ko dahil sobrang gana niyang kumain.