Nagpaalam ako kay Isaac nang pumatak ang alas onse. Nag taxi ulit ako pauwi. Hinalungkat ko ang dala kong bag para hanapin ang aking cellphone nang napagtanto kong naiwan ko pala ito sa bedside table kanina.
Pag dating ko ng bahay ay napansin kong maraming guard sa labas. Napalingon sila lahat sa akin nang dumating ako. Nagtataka ako kung bakit mas dumoble ang mga guard na nagbabantay. Pumasok ako ng bahay at doon ko lang napagtanto ang nangyayari. Nahuli kong pabalik balik na naglalakad si Ynigo sa sala. Ang palad niya ay nasa noo at hindi ko mawari kung galit ba siya o frustrated.
May dalawang cheif na nakasuot ng uniform ng pulis na nakaupo sa sofa. May isa ring lalaking nakasuot ng polo shirt at ang telepono ay nasa tainga.
"What's happening?" Tanong ko na nakapabaling ng atensyon nilang lahat sa akin. Nanlaki ang mgamata ni Ynigo at rinig na rinig ko ang matalim niyang pagsinghap bago tinakbo ang distansya namin ay niyakap ako.
"God! Monique where have you been?!" Pasigaw na tanong ni Ynigo. Nabigla ako sa kanyang pagaalburoto kaya tumaas ang altapresyon ko.
"Pwede ba wag dito!" Inis kong bulong at tinalikuran siya. Pumasok ako nang kusina at kumuha ng isang baso. Naririnig ko ang kanyang mabibigat na mga yapak na sumusunod.
"Don't turn your back on me Monique! Nagtatanong ako kung saan ka galing! I cancelled all my urgent appointments just to come home dahil sabi nila lumabas ka ng walang paalam!" Singhal niya.
Nag tiim bagang ako at hinayaan siya. Binuksan ko ang ref at nagsaln ng tubig sa baso.
"Answer me Monique! Saan ka pumunta! Paano kung may nangyari sayo huh?"
Nagbingibingihan ako at nilahad ang baso sa bibig ko para uminom nang bigla niya itong bawiin at marahas na nilapag sa kitchen counter dahilan para matapos ang kalahati ng tubig. Nakita ko ang mga ugat niyang bakas na bakas dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa baso. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at hindi ko na napigilang magreact.
"Look, I'm fine! Buo pa ako kaya wag kang nang mag alala! Ituloy mo na ang lahat ng meeting mo dahil istorbo lang naman ako!" Sarkastiko kong sabi. Kumunot ang noo niya.
"At sana hindi ka nalang umuwi kung sisigawan mo lang ako! This is still my house and were not yet married kaya wala kang karapatan na sigawan ako! You may leave my house anytime you want!" Galit kong bulong, takot na baka marinig kami ng mga tao sa labas.
Kumikirot ang puso ko. If this is just the way para tumigil si Ynigo sa pagmamahal sa akin then I would do this everyday, kaya lang dalawang araw nalang ang natitira. Minsan lang ako pinagtataasan ng boses ni Ynigo kaya gusto kong umiyak sa lakas ng sigaw niya ngayon pero nilunok ko ang barang namumuo sa lalamunan ko.
Tinalikuran ko siya bago pa bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko nilingon ang tatlong tahimik na mga lalaki sa living room na halatang narinig ang pinagawayan namin bago umakyat sa kwarto.
Mabilis akong humiga sa kama at tinakpan ang sarili ng makapal na kumot. Alam kong susundan ako ni Ynigo. Of course hindi ko sadya ang mga sinabi ko. Taliwas ng lahat ng iyon ang mga gusto ko. Iyon lang ang sinabi ko dahil alam kong frustrated na si Ynigo tuwing pinaguusapan ang kasal dahil noon pa niya ako pinipilit.
Nang narinig kong pumihit ang doorknob ay mas hinigpitan lo ang hawak sa kumot at umaktong natutulog. Naramdaman ko ang paglubog ng parte ng kama sa tabi ko.
"I'm sorry. Nagalala lang ako. Those bastards told me that you went somewhere, kaya ako nagalit. I didn't mean to lock you here pero gusto ko lang na maging ligtas ka. And that's the only way I thought to make you safe. I'm sorry baby." Aniya at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa buhok ko.