Chapter 6 - HP

9.8K 240 1
                                    

Pagkagising ko ay agad kong hinanda ang sarili para sa panibagong araw.

Ngayon ko napagdesisyonan na puntahan si Ynigo. Ayaw ko nang sayangin ang mga araw na dapat ay magkasama kami. Gusto kong mabuo nalang pamilya namin sa mas lalong madaling panahon.

Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Ynigo mamaya pag sinabi kong may anak na kami. Sa tingin ko may yayakapin niya ako ng sobrang higpit at papakiusapan akong dalhin ko siya sa bahay kung saan si Kobe. Noon pa man ay siya na talaga ang may plano para sa kinabukasan namin. May kaya ang pamilya niya. May kaya rin ang pamilya ko. Kaya kahit hindi na kami mag aral ay matutustusan parin ang mga pangangailangan namin. Ngunit ayaw ko namang maging walang silbi kaya palagi ko siyang sinasabihan na kailangan muna namin makapagtapos ng pag aaral ng sa gayon ay may ipagmamalaki kami sa mga tao. May ipagmamalaki ako kay mommy na namatay noong bata palang ako.

Nagbihis ako ng blazer dress at black pumps. Pagkatapos kong pumunta kina Ynigo ay didiretso ako sa opisina para makapagtrabaho.

Sinamantala ko ang oras na hindi pa gising si Kobe dahil kung gising siya ngayon ay paniguradong magpupumilit siyang sumama na hindi ko matatangghian.

Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng kanilang malaking bahay. Dito pa kaya nakatira sina Tito at Tita? Nagdoorbell ako at maya maya pa ay may binuksan ito ng medyo may katandaang guard. Bago ang guard nato kaya panigurado ay hindi niya ako kilala.

"Uhmm. Manong nandyan po ba si Silver Ynigo Zamora?"

"Opo ma'am. Anong kailangan niyo?"

"Kaibigan ako ni Ynigo. Kailangan ko po kasi siyang makausap." Magalang kong sabi.

"Ahh ano ba ang pangalan mo?"

"I'm Xandra Monique Clavel. Kaibigan niya po."

"Ahh sorry ma'am wala kasi ang pangalan mo sa mga kaibigan na pinapapasok ni Sir Silver."

"Ha?! Baka pwede niyo po siyang sabihan. Kailangan ko po talaga siyang makausap." Ang pagasa kong makausap siya ay naglaho na parang isang bula.

"Hindi talaga pupwede ma'am. Baka masisante ako pagnagkataon." Napakamot siya sa ulo

"Manong please naman oh. Pag nalaman niyang hinahanap ko siya baka diyan kayo masisante."

"Wag ka nang magpalusot ma'am. Bawal po tala----" hindi niya na natuloy ang sasabihin nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Juan! Sino yan?" Pasigaw na tanong ng isang tao na sobrang pamilyar ang boses. Nang lumabas siya ng gate ay agad ko siyang nakilala. Siya si Manang Siling. Ang nag alaga kay Ynigo mula ng bata pa siya.

Ang kaninang naglahong pag asa ay muling nabuhay.

"Oh. Hija! Monique ikaw na ba yan?" Sobrang saya ko dahil nakilala ako nito.

"Opo manang siling! Ako po ito!"

"Ang laki ng pinagbago mo hija! Mas lalo kang gumanda at sumexy!" Ngiti ngiti  niya.

"Salamat po. Manang nandyan po ba si Ynigo?"

"Ahh nako oo! Nandyan siya sa taas. Halika pasok ka!" Binigyan daan naman ako ni Manong Juan. Pumasok kami sa kanilang malaking bahay.

Halos walang pinagkaiba ang pisikal na anyo ng bahay. Kung nagbago man ito ay siguro may umaliwalas ang loob nito.

Dinala ako ni Manang Siling sa sala.

"Bababa na iyong batang iyon mamaya. Hintayin mo nalang. Anong gusto mo hija? Tubig, juice, kape?"

"Kape nalang po. Sige po. Salamat Manang Siling." Binigyan niya ako ng ngiti bago ako tinalikuran.

Napatingin ako sa mga litrato sa mesa malapit sa hagdan. Nilapitan ko ito. Nadagdagan pa ang mga litrato dito na noon ay kaonti lang. Nakita ko ang isang litrato ay nung 5th birthday pa ni Ynigo habang may hawak na Ice Cream. Ang pangalawa ay nung graduation niya nung high school at ang pangatlo ay ang litrato niya nung prom na halatang ginupit. Ang alam ko ay ako ang kasama niya sa litratong ito, bakit siya nalang ang naiwan? Sinong gumupit nito?

Napatigil ako sa pagtingin ng mga litrato ng may marinig akong mga yapak mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nag angat ako ng tingin at agad pinagsisihan iyon ng nakita ko si Ynigo na nakahawak sg bewang ng isang morena, makinis, may kurba ang katawan at may maiksing buhok na babae na nakasuot ng bathrobe. Napaawang ang bibig ko ng nakita kong hinalikan ni Ynigo ang tainga ng babae habang ang matatalim niyang tingin ay nasa akin.

"Y-ynigo." Panigurado ay hindi nila ito narinig dahil halos pa bulong ko nalang iyon sinabi. May barang hindi ko malunok sa aking lalamunan. Pilit akong lumunok para mawala ito ngunit kahit anong gawin ko ay nandyan parin ito. Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Do you know who is she, babe?" Malagkit ang tono ng babae sa pagtatanong nito.

"No. Maybe just some whore who's chasing me." Kibit balikat niyang sabi.

Hindi. Hindi siya ang Ynigo ko. Noong highschool palang kami, sino mang tumawag sakin sa hindi kanaisnais na pangalan ay mapapatay ni Ynigo. Ngunit ngayon siya pa mismo ang tumawag sakin non. Masakit lang sa pakiramdam na ang taong pinakamamahal mo noong ay nagbago na ngayon.

"Ohmygosh! Baka nandito siya dahil sasabihin niyang buntis siya!" Maarte niyang sabi.

"Impossible babe. Sayo lang naman ako hindi gumagamit ng condom." Ani Ynigo. Hinalikan niya ang babae sa mismong harap ko. Nakita kong hinaplos niya ang hita ng babae. God!

Naguunahan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi na siya ang Ynigo ko. Totoo ba talaga na walang bagay sa mundo na hindi nagbabago?! Kumikirot ang puso ko sa nakikita ko. Parang ilang beses na sinaksak ang puso ko dahil sa imaheng iba ang hinahawakan, iba ang hinahalikan na babae ni Ynigo.

Gusto kong sumuka sa nakikita ko ngayon. So marami na palang nakakama si Ynigo ngayon? Gusto kong sumuka tuwing naiisip ko na hindi lang isang beses nilang ginagawa iyon na wala pang condom! Fck it!

"Oh. Get out of here, Pathetic bitch!" Sabi ng babae. I suddenly just want to kill her! Paano nagawa ni Ynigo na ipagpalit ako sa babeng mas masahol sa pa sa dumi ng kalabaw! Isa lang ang rason. Dahil nagbago na ang pinakamamahal ko.

Bago pa mandilim ang paningin ko ay tumakbo na ako ang palabas ng bahay. I just wanna run from here. I just wanna forget this and move on with my baby. Hinding hindi ko sasabihin kay Ynigo na may anak kami. Hindi niya nga maipaglaban ako paano pa kaya kung malaman niyang may anak kami. Baka itaboy niya lang ito. Hindi ko masisikmura na makitang sinasaktan niya ang anak ko. Mabubuhay kami ng wala si Ynigo!

His PropertyWhere stories live. Discover now