"I'm pregnant Ynigo! At ikaw ang ama!" Sigaw niya.
Ramdam na ramdam ko ang pag kirot sa puso dahil sa sinabi niya. Umiling ako. Hindi ako naniniwala. Hindi naman ako lolokohin ni Ynigo eh. May tiwala ako sakanya. Imposibleng mabuntis siya dahil nangako si Ynigo na ako lang ang babae sa buhay niya mula nung nagkita kami!
I don't know what to react. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o iiyak. Ni walang luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Nakatayo lang ako, stunned. Napatingin ako kay Ynigo at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko alam kung bakit siya gulat. I was waiting for his explanation pero wala akong narinig!
"No that's not true." Mahinang sabi ko. Umiling ako. I trust Ynigo! Hindi niya magagaw sakin yon!
"It's true! I'm pregnant! He left you at that damn business trip for me! Oh I remember how we became one that night habang ikaw...." aniya. Sinadya niya talagang ibitin para magmukha akong kawawa.
Namutla si Ynigo at nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Nanlumo ako. Base palang sa reaksyon niya ay totoo ang mga sinasabi ni Ciara. Gusto kong mahiga sa sahig dahil pakiramdam ko any time mawawalan na ako ng lakas.
But shit! Ang tanga tanga ko. Halos mamatay ako doon sa kakaiyak tapos malalaman kong nagpapakasaya siya dito? Shit ang sakit sakit. Mas masakit pa kaysa maiwan. Yung mismong lalaking pinagkatiwalaan mo, malalaman mong nagsisinungaling sayo?
Gusto kong sumuka sa tuwing naiisip ko na ang pinasok ni Ynigo sa akin ay pinasok niya sa babaeng yan! Ugh fuck! Alam kong nakikipagsex si Ynigo sa ibang babae pero damn! Hindi pa ba ako sapat? Kailangan niya pang humanap ng ibang butas na mapapasukan? Umaasa akong itong relasyon na to ang makakapagpasaya sa akin pero hindi ko alam habang nakahiga ako sa harap niya, pinapasok niya rin pala sa ibang babae! And what's worst is si Ciara pa!
"M-Monique." Nilapitan ako ng Ynigo ngunit hinawi ko ang kamay niya. Pilit siyang lumapit sa akin ngunit tinaas ko ang kamay ko sa harap niya. I wanna hear him explain. Pero ni isa wala akong narinig! Shit!
"Monique I'm sorry. I was depressed that night----" paliwanav ni Ynigo ngunit pinutol ni Ciara ang sasabihin niya.
"No you're not! I remember how amazing you were that night! Nag i love you ka pa nga sakin!" Sigaw niya. Walang pakealam sa mga taong nakatingin.
I don't care! Alam kong nagmumukha akong kawawa sa harap nilang lahat. Imagine. I was betrayed by my love at pinahiya pa ako sa harap ng mga taong nagbibigay ng nakakaawang tingin sakin.
"No Ciara! Shut the fuck up! Magpapakasal na kami ni Monique and we're havings twins! Please wag mo nang sirain!" Lumapit si Ynigo sakin ngunit lumayo ako. I can't be with him.
I wanna cry! Gusto kong umiyak sa harap nilang lahat but I can't! Walang lumalabas sa mga mata ko. I'm still processing all of this bullshits! At hindi ako pwedeng umiyak sa harap nilang lahat. Hindi pwedeng nagmumukha na nga akong kawawa, matatalo pa ako!
"What? Magpapakasal, really? How about me? Magkaka anak na rin tayo! Don't tell me papanagutan mo siya at ako hindi? Who knows? Baka hindi mo anak yang dinadala niya! Ikaw na mismo ang nagsabi na nakita mong pumasok siya sa kwartong pinasukan ni Isaac! That bitch! Hindi mo yan anak Ynigo!" Sigaw ni Ciara.
Oh my God! Kaya ba nagalit si Ynigo sa akin dahil nakita niyang pumasok ako sa room kung saan pumasok rin si Isaac? Nagkakamali sila!
Gusto kong sigawan si Ciara! Fuck her! Anak ni Ynigo ang dinadala ko at kailanman hindi ako natulog o humiga man lang sa tabi ng ibang lalaki! Si Ynigo lang! Pero walang lumalabas sa bibig ko. I may look pathetic right now!
Parang wala ako sa sarili. I wanna shout! Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko! What's happening to me! Mabilis akong umiling.
"Shut up Ciara!" Mariing sabi ni Ynigo. His jaw clenched. Seryoso at mariin ang kanyang titig.