Chapter 3 - HP

10.9K 256 0
                                    

Papunta na kami ng ngayon sa bahay. Nasa isang private subdivision iyon. Halos trenta minutos pa ang byahe papunta don.

Tulog si Kobe sa likod. Hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako. Nagising nalang ako ng maramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan.

"How's your sleep missy?" Malambing na tanong ni Isaac. Napangiti nalang ako. Bakas sa mga mata niya ang pagod.

"Mabuti naman. Salamat sa paghatid Isaac."

"It's my pleasure." Ngiti niya. Haay Isaac.

"Tara pasok ka muna. Kumain o magpahinga ka muna sa loob."

"Ah nako hindi na. Uuwi na ako. Miss na miss na daw ako ni mom at dad." Kibit balikat niya. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nasa tapat na kami ng bahay namin. Hindi na kami pumasok pa sa garage dahil aalis rin naman si Isaac at alam kong pagod na pagod na siya.Niyugyog ko ang anak ko sa likod dahilan para magising siya.

"Baby were here." Minulat niya ng dahan dahan ang kaniyang malilit na mga mata. Tumingin tingin sa sa iba't ibang bahay na nakapaligid dito.

"Saan yung sa atin mommy?" Tanong niya. Tinuro ko ang malaking moderno na bahay na nasa harap namin. Black and white ang kulay nito at halos glass lahat ang makikita mo. One way glass window iyan. Kaya makikita ng mga nasa luob ang nasa labas ngunit hindi makikita ng mga nasalabas ang nasa loob.

"Wow. That's big!" Aniya. Totoong ngang mas malaki ang bahay namin dito. Sa US kasi kami lang ni Kobe ang nakatira kaya katamtaman lang ang laki non. Ditk kasi nung buhay pa sina mama at papa ay maraming nakatira dito.

Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa gate. Nagdoorbell kami. Binuksan ng isang matandang guard na nakilala ko bilang si Mang Juan.

"Good morning po ma'am, sir, . Welcome home!"

"Nako manong! Monique nalang po ang itawag niyo sakin!"

"Isaac nalang po sakin."

"At kobe nalang sakiiin!" Maligayang sabi ni kobe.

"Ahh sige po maam ah este monique, Isaac at kobe"

"Manong pakikuha nalang po ng mga gamit namin sa sasakyan." Agad pinuntahan ni manong ang sasakyan.

Pumasok kami ng bahay at sumalubong samin ang limang katulong namin noon.

Bati nila. It feels so good to be back. Halos hindi nagbago ang bahay namin. Parehong kulay ng dingding, parehong gamit parin ang nakikita ko. Talagang inaalagaan ang buong bahay. Wala akong nakita ni isang alikabok. Laking pasasalamat ko na nandyan sila.

"Good morning ma'am, sir!"

"Welcome back po ma'am, sir!"

"Magandang umaga po maam, sir!"

"Invisible na ba ako ngayon? Bakit hindi nila ako binabati?" Bulong ni kobe sa sarili na narinig ko naman. Napakamot pa siya sa ulo.

"Magandang umaga ma'am, sir. Mabuti naman po at nakabalik na kayo!" Ani Manang Trinidad. Siya ang pinaka matandang naging katulong dito. Hindi pa ako nakakatapak sa mundo ay nandito na siya. Siya na ang naging nanay ko ng namatay si mommy.

"Yuhoo? Nandito pa kaya ako." Napabuntong hininga si kobe.

"Magandang umaga rin po. Masaya po ako at nakabalik na kami. So ito pala si Isaac, kaibigan ko po. And my son, Bronze Kobe." Pagpapakilala ko. Bigla namang sumaya ang mukha ni kobe ng pinakilala ko siya.

"Hi po!" Ngiti ni Kobe.

"Kay gwapong bata!" Ani manang trinidad.

"Hala kaaa. Ang gwapo naman ng batang iyan." Sabi ng anak ata ni manang trinidad.

"Grabe. Daw artista. Ka gwapo sang bata nga na." Puri nila.

"Diba po gwapo is handsome?" Tanong ng nagtatakang si Kobe.

"Yes baby."

"Salamat po. Alam ko po na gwapo ako, maganda kasi ang lahi namin." Aba kumindat pa siya! Nagiging mayabang na ang anak ko.

Ang laki talaga lumaki ng anak ko. Baka maya maya ay malaman kong may girlfriend na siya.

Umakyat na kami sa taas. Hinatid na namin ni Isaac si kobe sa kwarto niya. Hinatid rin ako ni Isaac.

"So papasok ka na ba bukas sa office?"

Malaki ang kompanya namin dito. Meron kaming mga branch sa ibat ibang parte ng mundo. Ang negosyo namin ay tungkol sa mga restaurant, food chains, resorts, hotel and casinos, malls na pinatayo ni daddy at mommy. Ako ang natitirang anak kaya sakin pinamana ang lahat. Hindi naman sa lahat ng oras ay nasa kompanya ako, sa katunayan ay sa tuwing gusto ko lang ako pumupunta ng kompanya. May namamahala rin kasi don kahit wala ako. Matalik na kaibigan ni daddy at pinagkakatiwalaan namin.

"Ofcourse. I miss the company."

"Good to hear that. See you tomorrow then." Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.

His PropertyWhere stories live. Discover now