That familiar wave of concern and scare got me. Pati ba naman dito?
Kumunot ang noo ko sa aking nabasa. Bago pa man ako makapagsalita ay nanlaki ang mga mata ko nang lumabas si Isaac ng cafe at tinakbo ang pagitan nila ng binatang nagbigay sa akin ng bulaklak. Bago pa man ako makalapit ay nasuntok na ni Isaac ang binata. Gulat na gulat ako sa pangyayari.
I never imagined Isaac would hit someone or rather a teenager that is innocent. I mean oo siya nga ang nagbigay ng bulaklak at sulat pero mukhang hindi naman siya kasabwat dito at isa pa sabi nga niya, pinabigay lang sakanya.
"Isaac tama na!" Hinila ko ang braso niya upang mabitawan niya ang binata ngunit hinawi niya ito.
I can see rage in his eyes. Seryosong seryoso siya na kahit ako ay naiintimidate rin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Kahit natatakot ako ay parang walang nangyari dahil sa gulat ko sa ginawa niya.
Kinwelyuhan niya ang binata. Napatingin ako sa paligid para humingi ng tulong na awatin silang dalawa ngunit halos mga babae lang ang naroon na takot na nakatingin sa amin.
"Sabihin mo kung sino ang nagbigay sayo nito!" Singhal niya
"H-Hindi k-k-ko po al-am! Wala na po ang sasakya-n niya dito!" Dahilan ng bata.
Naawa ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at mukha nga siyang inosente. Wala siyang kaalam alam kung bakit siya sinuntok ni Isaac.
"Isaac tama na sabi! Wala siyang alam kaya wag mo siyang sisihin!"
"Go back inside Monique! Sabihin mo kasabwat ka ng nagbigay nito ano! Asan ang amo mo? Saan siya nagtatago?"
"Hindi ko po talaga alam! Binayaran lang po ako. Kinuha ko ang pera para mapakain ko ang mga kapatid ko." Aniya.
"I don't believe you! Just tell me who the fuck gave you this or I'm gonna send you to jail!" Ambang susuntokin niya ulit ang binata nang hinarang nito ang dalawang braso sa kanyang mukha.
Naghanap ako ng pwedeng paghingan ng tulong. Sa guard o sa kahit sinong lalaki sa paligid ngunit iba ang nahagip ng mga mata ko. She's wearing a bkack dress, black hat, black gloves and a black heels. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko si Ciara na nakangiting nakatayo sa amin sa malayong poste. Nakangiti siya na para bang kanina niya pa kami pinagmamasdan.
Wala sa sarili ko siyang sinundan. Nakita kong mas lumaki ang nakakapanindig balahibo niyang ngisi ng nakitang sinundan ko siya. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Mas binilisan ko ang aking lakad upang maabutan siya.
"Wala po talaga akong alam maawa kayo malilit pa ang mga kapatid ko. Dadalhan ko pa sila ng pagkain." Narinig kong sigaw ng binata sa likod ngunit hindi ko ito pinansin at wala sa sariling sinundan si Ciara.
Lumiko siya sa isang block kaya lumiko rin ako. Naglalakad siya sa palapit sa isang dead end na malapit sa isang restaurant di kalayuan. Tumawid siya ng kalsada ngunit naabutan ako ng traffic light sa pedestrian lane. Umilaw ang red light ibig sabihin ay ang mga sasakyan naman ngayon ang dapat tumawid. Tinaasan ko ang aking leeg upang makita kung saan papunta si Ciara.
"Ciara sanadali!" Sigaw ko. Lumingon siya sa akin at kumaway habang malawak na nakangisi. Tinalikuran na niya ako bago pa mag green ulit ang ilaw.
Nang nakatawid na ako ay lumiko ako sa isang block at luminga linga sa paligid, nagbabakasakaling mahagip ng tingin ko kahit anino ni Ciara. Nanlumo ako ng wala akong nakita.
I need answers from her! Kung hindi nga siya ang nagpapadala ng mga banta na iyon ay bakit niya ako iniiwasan, bakit ayaw niya ang kausapin at bakit sa buong lnggo na nakalipas ay hindi siya nagpakita sa amin!