Chapter 47 - HP

8.1K 185 5
                                    

"Tama na yan monique. Twice is enough! Please stop hurting yourself. Ako nalang monique. Hinding hindi kita sasaktan. Please, ako nalang."

Iniwas ko ang tingin ko kay Ynigo. Hindi ko kayang makita ang mga mata niyang punong puno ng emosyon na hindi ko naman alam kung ano! Mababaliw na ako sa kakaisip sa mga ginagawa niya!

"I-I'm sorry. I c-can't." Bulong ko. Alam kong hindi ko mabibigay ang gusto niya.

Tumingala ako para makita ang reaksyon niya. I can see hurt in his eyes. Pumikit siya at pilit na ngumiti. Nasasaktan ako tuwing nakikita kong nasasaktan ang kaibigan ko at ako ang dahilan.

"I'm sorry. I know you can't and I know that you're still recovering from the pain but monique I'm willing to be your rebound. I really love you and it hurts to see you crying for that asshole." May diin niyang sabi. Hindi ko alam ang sasabihin. I want to give him a chance pero hindi ko ata kaya. Mahal na mahal ko si Ynigo at pakiramdam ko hinding hindi siya mapapalitan sa puso ko. But maybe I can consider Isaac. Sa tamang panahon.

Bago pa man ako makasagot ay naramdaman ko nalang na inangat ni Isaac ang ulo ko. Naramdaman kong dumampi ang malambot niyang labi sa gilid lang ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya ngunit nakapikit lang siya. Hindi pa nakaka limang segundo ay bigla siyang napahiwalay sakin dahil sa marahas na pagtulak sakanya. Bago pa man maproseso ng utak ko ay nakahiga na si Isaac sa sahig, may dugo sa gilid ng labi niya. Nalaglag ang panga ko at napasigaw ng suntokin ulit ni Ynigo si Isaac. Nakapatong ito sakanya at paulit ulit na sinuntok. Kitang kita ko ang pagputok ng labi ni Isaac at pagdugo ng makinis niyang mukha! No!

"Isaac!!" Napasigaw ako sa takot ma baka kung saan umabot ang ginagawa ni Ynigo!

Sumigaw ako ng tulong ngunit ang mga tao ay takot na nakatingin lang. Hindi pa dumadating ang guards! Sinipa ni Isaac ang paa ni Ynigo dahilan para matumba siya at matamaan ang isang rack na puno ng lotion. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, natataranta na ako. Gayon din si Ciara. Napaoatingin siya sa iba ibang direksyon at hindi alam ang gagawin.

Umiling ako at buong lakas na lumapit sakanila. Hinawakan ko ang kamay ni Ynigo na bumebwelo dahil sasapakin niya si Isaac.

"Tumabi ka monique! Away lalaki to!" Sigaw ni Ynigo at marahang tinulak ako. Tinuloy niya ang pagsuntok kay Isaac sa sikmura. Halos umiyak ako ng narinig kong malakas na dumaing si Isaac dahil sa sakit.

"Shit! Wag mong ma hawak hawakan si Monique!" Sigaw ni Isaac at sinapak si Ynigo.

"Isaac! Tama na Ynigo!" Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ynigo at pilit siyang nilayo kay Isaac. Ngunit malakas niya akong tinabig dahilan para mapa atras ako. Tumama ang balakang ko sa stand ng mga tali sa buhok. Agad kong naramdaman ang sakit sa buto ko dahil sa pagkakatama. Nanlaki ang mga mata nila at agad na lumapit sakin.

"Monique! Are you alright?!" Tanong ni Isaac kasabay ng pagsalita ni Ynigo.

"Monique! Shit! I'm sorry!" Kinakabahang paumanhin ni Ynigo. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya. Hinawakan niya pa ang kamay kong nakahawak sa balakang ko. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa mainit niyang palad. Hinawi ko ang kamay niya sa gulat.

"Mabuti naman at tumigil na kayo!"

"He started it first!" Turo ni Isaac kay Ynigo.

"So what? I don't share what's mine and I don't give a fuck who goes my way to protect my girl!" Galit na utas ni Ynigo.

"She's not your girl! Baka nakakalimutan mong may kasama kang babae at ako ang kasama ng sinasabi mong sayo!" Balik ni Isaac sakanya. Nag igting ang panga ni Ynigo at nakita kong kinuyom niya ang kamay niya. Kaya bago pa sila ulit magsuntokan ay nagsalita na ako.

His PropertyWhere stories live. Discover now