Chapter 52 - HP

7.6K 171 7
                                        

Nakailang ring bago sinagot ang mahal ko ang telepono. I already missed his voice. Ngayong kalangang kailangan ko siya.

"Hello? Sino to?" Aniya sakailang linya.

"Y-Ynigo." Nabasag ang boses ko.

"M-Monique is this you? Why are you crying? Kanina pa kita tinatawagan out of coverage area ang phone mo! Tell me where are you, pupuntahan kita." May narinig akong tumunog na parang car alarm sa background.

"Nasa ospital ako. I need you here, Ynigo." Hikbi ko. Pilit kong pinunasan ang umaagos kong luha.

"Okay okay I'll be there. Please don't cry and wait for me." Sinabi ko sakanya ang pangalan ng ospital bago ko binaba.

Hinang hina akong napaupo sa mga bakanteng upuan sa labas ng ICU.

Yes alam kong duwag ako. Pero kung

ikaw ang nasa posisyon ko, alam mo ba ang tamang gawin? Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka kunin ni Ynigo sakin ang anak ko, kahit pinakita niya sakin na mahal niya ako, hindi maaalis ang takot sa isang ina na paano kung nalaman niyang tinago ko ang anak namin sakanya dahilan para iwan niya ako at talikuran niya kami? Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko rin to para sa anak ko. Ayaw kong siya mismo ang talikuran ng kanyang ama sa galit. Ayaw ko maramdaman niya ang sakit ng maiwan kaya as much as possible ginagawa ko ang lahat para maging sapat ako sakanya.

Kung ikaw ang nasa mga paa ko, anong mas pipiliin mong sundin? Ang mahal mo na pinakita sayo na mahal na mahal ka niya kahit marami na siyang nagawang mali? Na gusto mong pagkatiwalaan mo siya dahil mahal mo siya at ayaw mong magtago ng sekreto o ang anak niyo na sobrang mahal ka. Sobrang mahal ka to the point na kahit sarili niyang ama tatalikuran niya dahil nalaman niyag sinaktan ka niya? Ang tanging gusto lang naman ni Kobe ay lumayo sa kanyang ama para maiwasan ang sakit eh pero dahil mahal ko ang anak ko, siya parin ang susundin ko. Ayaw ko pang ipakilala si Kobe kay Ynigo dahil hindi pa ito ang tamang oras. Ayaw kong pilitin si Kobe na makipagbati sa kanyang ama when the truth is galit siya rito. Ano, pipilitin ko silang magkaayos dahil gusto kong mabuo ang pamilya ko? Ganyan na ba ako ka selfish para sarili ko lang ang intindihin ko at hindi ang feelings ng anak ko? Kung ikaw nasa posisyon ko, siguradong sigurado akong hindi mo matitiis ang anak mo dahil nga anak mo. Ikaw mismo ang nagluwa at pakiramdam mo kilalang kilala mo na siya. Baliw nalang ang inang hindi kayang mahalin ang kanyang anak.

At oo alam kong walang kwentang ina ako. Nagkasakit ang anak ko dahil sa kapabayaan ko pero shit maaayos ko ba lahat sa iisang galawan lang? Na kaya kong bantayan si Kobe habang kasama ko si Ynigo at sinusuklian ang pagmamahal niya and at the same time binibigyan ko ng oras ang sarili ko? Kayo ba, kaya niyo bang pagsabayin ang pagaaral, problema sa pamilya, problema sa pera, love life at mga kaibigan niyo? Diba hindi? Tao lang ako. Nagkakamali rin. Hindi ako perfect kasi walang perfect na kayang siguraduhin na maayos ang lahat ng bagay sa iisang galawan lang!

Ilang minuto na ang nakalipas ng nakita ko si Ynigo na mabilis na tinatahak ang daan ng ospital. Patingin tingin siya sa paligid na parang may hinahanap. Ni hindi niya napapansin ang mga nurse at ibang babae na halos matulala sa kakisigan niya. Nang natagpuan niya ang aking tingin ay patakbo siyang pumunta sakin. Napatayo ako sa yakap niya.

"Shh don't cry, baby." Tahan niya. Sinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya.

"Anong nangyari? Bakit ka nandito? Okay lang ba ang mga bata?" Balisa niyang tanong. Tumango ako at tinignan siya sa mga mata.

"K-Kailangan ka ng anak natin. I'm sorry, Ynigo." Hikbi ko. Napalitan ang kanyang nagaalalang mukha sa nagtatakhang mukha.

"Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?" Nanliit ang kanyang mga mata.

His PropertyWhere stories live. Discover now