Chapter 36 - HP

8K 188 7
                                    

"Really Mr. Zamora? Hahayaan mo nalang mangyari ito sa kompanya mo? And trust?! What do you know about trust kung ikaw mismo ang nang iwan sa akin without even hearing my explanation!"

Kumunot ang noo niya at nagtagis ang kanyang bagang sa sinabi ko.

"You don't know what you're talking about!" Halos pasigaw na sabi niya. Puno ng pagpipigil ang kanyang boses.

"Alam ko! After... after I gave you everything ito ang ipapalit mo? I should've known better! I shouldn't trust you anymore. Who are you to talk about trust when you yourself don't do that shit!" Giit ko

Pansamantalang nawala ang pakialam ko sa ibang board members na nakatingin. I don't care kung malaman nila ang mga pinang gagawa ko pero kung malaman man nila then it's fine. Para malaman rin nila na walang kwenta si Ynigo!!

"Really, monique? Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? I wouldn't act like this for no reason! Damn! Ikaw ang unang nagsinungaling! You don't fucking trust me!" For once nakita ko ang sakit sa mga mata niya. No I don't believe him. Siya ang nang iwan kaya imposibleng siya ang sobrang nasakatan. It's better to be the one to leave than the one to be left.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ako ang unang nagsinungaling?

"You don't get me, don't you? After you begged for me that night, you left me. I heard you talking to your fucking baby! God! I'm so stupid for not knowing that you're flirting with someone behind me! You fucking betrayed me monique!" Hinampas niya ang mahabang mesa dahilan para magulat kami. I can see rage in his eyes. Bahagya akong napatalon.

What? Akala niya na may iba akong lalaki? He thought Kobe was my guy not my actual baby? God! This is a mess! Pero hindi ko aaminin sakanya na mali ang kanyang iniisip dahil baka malaman niya ang tungkol kay Kobe.

Akyat baba ang kanyang dibdib dahil sa tensyon na namumuo sa pagitan naming dalawa. Napatintin ako sa board members na nakatingin sa akin na parang hinihintay ang isasagot ko. Si Mr. Te na umiiling, mukhang disappointed sa nangyayari.

"Wag mo akong igaya sayo! I'm not flirting with someone when I don't clear things up! Hindi ako mangiiwan dahil lang sa selos!" Sigaw ko. Nagagalit ako sakanya, sa lahat! Kung hindi dahil sa narinig niya hindi mangyayari lahat ng ito!

"So you think this is just some fucking jealousy? You betrayed me! Nagmukha akong tanga habang ikaw nakikipaglandian sa iba! Putang selos yan!" Sigaw niya. Ngayon ay napapikit talaga ako. Ramdam na ramdam ko ang pinanggagalingan ng galit niya. Minsan lang rin siya nagsasalita ng masasama sa tagalog kaya alam kong seryoso talaga siya. I felt guilty.

"And what? You will not leave me for some jealousy? Oo na't hindi mo ako iniwan dahil sa selos but you left me hanging! I experienced hell without you around monique! No communications for what, 5 years? Tapos babalik ka na may kasamang iba? Goddamn it! I wouldn't leave you for that reason!" Kumirot ang puso ko sigaw niya. Nag init ang bawat sulok ng mata ko. Lumunok ako at pinigilang ang nagbabadyang luha. I just can't cry in front of these people.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nag ring ang phone ko. Biglang tumahimik ang buong silid, tanging tunog lang ng cellphone ko ang naririnig. Napatingin ako sa caller at nang nakita kong si Rose iyon ay agad kong kinuha iyon at sinagot.

Minsan lang siya tumatawag at kung tumawag man siya ay importante iyon. Hindi na ako nag abalang umalis pa sa kwartong iyon. Hindi pa man ako nagsalita ay nagsalita na siya sa kabilang linya.

"A-Ate! Si kobe!" Parang may biglang bumagsak sa sistema ko. God! What happened to my baby? Bigla akong natakot sa ano mang sasabihin ni Rose.

"What happened to him?" Ang lakas ng tibok ng aking puso.

His PropertyWhere stories live. Discover now