Chapter 39 - HP

9K 188 2
                                    

Kahit gustong maniwala ng puso ko sa lahat ng sinasabi at pinapakita ni Ynigo ay dapat panindigan ko ang mga desisyon ko. Ayaw kong magpa dalos dalos dahil sa tuwing nagpapa dalos dalos ako sa aking mga desisyon ay masama ang kinahahantungan nito. I will take this slow. Mangyayari ang dapat mangyari kaya dapat wag kong madaliin ito.

Kung totoong mahal ako ni Ynigo ay alam kong gagawin niya ang lahat makuha ulit ako, gaya ng dati. Kung hindi naman, edi wala na. Ilang ulit na akong nasaktan at alam kong dadating ang panahong magsasawa ako. But I hope it won't happen.

Dumaan ang isang linggo at ganon parin ang trato ni Ynigo sakin. Nagmukha akong bata na may yayang palaging naka aligid sa akin. Hindi ko alam kung meron pa bang hindi nakakaalam sa pagpupursigi niya sakin. Kung meron man ay baka bulag siya.

May mga araw rin na naririnig ko ang pangalan namin ni Ynigo sa mga employado. Pinagtsi tsismisan ang panliligaw ng may ari ng kompanya sa isang board member.

"Uy girl! Narinig ko ba ang tsismis na nanliligaw daw ang CEO kay Ms. Clavel na myembro ng board! Oh my gosh!"

"Alam mo nung isang araw nakita ko silang sabay pumasok at sabay umuwi! Hindi kaya naglilive in na sila?"

"Ang sweet ni Mr. Zamora! Shit girrrl! Nakita ko siyang nagpout na parang nagtatampo sa harap ni Ms. Clavel! Oh em gee!"

"Sila na kaya? Ang swerte ni Ms. Clavel. All in one package na kaya si Mr. Zamora! Matangkad, hot, mayaman, mabait, loyal at maganda ang lahi! Paniguradong magiging maganda o gwapo ang anak nila!"

Yan ang iilan sa mga tsismis na nariring ko sa iba't ibang mga employado. Mostly were gays, of course.

Loyal? Kung alam niyo lang! Ilang beses niya na akong tinalikuran at pinagpalit kay Ciara na iyon! May namamagitan sakanila at hindi ko alam kung ano iyon! Ugh nabibwisit ako tuwing naririnig, nababanggit o naaalala ko ang pangalan ng Ciara Corpuz na iyon!

Maganda ang lahi? Of course! Maganda ang kabuoan ni Kobe at pinaghati iyon ng genes namin ni Ynigo, but most parts were from him kaya kitang kita mo na para silang pinagbiyak na bunga, well Kobe is like a smaller version of Ynigo.

Isang araw, habang abala ako sa trabaho ko ay may biglang kumatok. Hindi pa ako na ka kasagot ay bigla itong bumukas. Kung sino may iyon ay kumatok pa siya, hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Tss

"Flowers for you." nakangiting bati ni Ynigo sabay lahad ng isang pumpom ng pulang mga rosas.

Nagulat ako. Dahil sa buong linggo o araw na pagpupursigi niya sakin ay ngayon lang niya ako binigyan ng bulaklak.

Tinanggap ko iyon at nilagay sa tabi ng telepono sa mesa ko ng hindi siya tinitignan.

"Para saan? Wala naman akong sakit, wala rin namang lamay dito." kibit balikat ko.

"Kailangan ba ng rason para bigyan kita ng bulaklak? Hindi ba pwedeng dahil mahal kita at nanliligaw ako? Bigyan kita dyan ng mga bulaklak araw araw eh." aniya na nakapag pa angat ng tingin ko sakanya.

Nagugulat parin ako na parang lumulutang ang pakiramdam tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Hindi siya ganon ka showy para ipakita ang nararamdam niya pero ngayon ay parang nasasanay na siya rito. Malaki ang nagbago sakanya mula noong nagkita kami mula nung iniwan ko siya noong college hanggang ngayon. Kung noon ay ayaw niya sa public display of affection ngayon ay parang wala siyang nakikitang ibang tao sa paligid, wala siyang pakialam dito.

Tumikhim ako at napa kagat labi.

"Uhm I was thinking of inviting you for lunch? Kung gusto mo lang naman." sabi niya. Kitang kita ko ang pagaalinlangan sa mukha niya. Mukha siyang kinakabahan.

His PropertyWhere stories live. Discover now