Chapter 54 - HP

9K 168 1
                                    

"Ahem." Agad kaming napabitaw sa yakap. Nakatiim ang bagang ni Ynigo na nakatingin sa amin. Hindi ko nakaligtaan ang masama niyang tingin kay Isaac at ang kanyang kamay na nakayukom. Siguro kung wala siyang dalang mga plastic ng fastfood ay manununtok siya.

Matalim nagkatinginan si Isaac at Ynigo na iyong tipong nagsusukatan ng tingin. Nakita ko ang pagtaas baba ng dibdib ni Ynigo sa bigat ng paghinga. Bago pa man may mangyaring hindi maganda ay pumagitna ako sa kanila. Tumabi ako kay Ynigo at hinawakan ang nakayukom niyang kamao. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Isaac sa mga kamay namin. Naramdaman kong umiinit ang kamay ni Ynigo kaya hinaplos ko ito, kahit papaano ay naramdaman kong huminahon ang kamay niya.

"Uhm I think both of you haven't formally introduced. Isaac, this is Ynigo. Ynigo this is Isaac." Pagpapakilala ko.

Naisip kong mas mabuti kung maging okay sila sa isa't isa na hindi manununtok at magsusukatan ng tingin habang wala ako. Tutal sport naman si Isaac sa aming dalawa ni Ynigo kaya ms mabuti kung magiging okay sil sa isa't isa. Lalo na't minsan ay binibisita ni Isaac si Kobe sa bahay.

Tinaas ni Isaac ang kanyang kamay para makipagkamay ngunit hindi ito tinanggap ni Ynigo. Instead, tinanguan niya lang siya. Halos ang paghinga nalang namin ang naririnig ko sa intense ng kanilang titigan kaya agad akong ng isip ng pwedeng gawin.

"Uhh yan na ba ang mga pagkain? Isaac dito ka na kumain. Hali na kayo." Sa wakas ay bumitaw na rin sila sa kanilang nakakamatay na titig.

Nilapag ko ang mga pagkain at tinapon ang paper bag na may logo ng isang sikat na fastfood. Binuksan ko rin iyon at binigyan sila isa isa. Mabuti nalang at may maraming extrang pagkain.

"Baby, gising na." Bahagya kong niyugyog ang balikat ni Kobe. Bumukas ang kanyang mga mata at umupo na parang hindi natulog, mukhang nanggaling siya sa malalim na iniisip at kanina pa nakikinig sa amin.

"What do you wanna eat son?" Tanong ni Ynigo nang nakalapit siya samin. Mariin niyang sinabi ang salitang 'son'.

"Uhm, I'll have spaghetti and chicken please." Aniya. Tumango si Ynigo at inabutan ang kanyang anak ng pagkaing hinihingi. Unexpectedly, I saw him return a smile.

Masaya kaming naguusap habang kumakain. Napapansin ko ang pag galing ni Kobe. Hindi na siya namumutla gaya ng dati. Nagkakaroon na ng kulay ang kanyang mga labi at pisngi. Napapakain na rin siya ng marami. I guess ganyan talaga pag binibigay mo ang hinihingi ng bata.

Kahit naging awkward ang pagitan ni Ynigo at Isaac ay nairaos naman nila ang tamghalian na hindi nagsasalita. Sa tingin ko kinakalma ni Ynigo ang sarili dahil ayaw niyang mapa sama kay Kobe at ayaw niyang makita ng anak. Minsan nakikita ko siyang nakaigting ang panga habang nakatingin kay Isaac at Kobe na nagbibiruan habang kumakain.

"Shit! What have you done? Sabing wag mong kulitin habang kumakain eh!" Nabigla ako ngunit mas nabigla si Ynigo ng biglang nabilaukan si Kobe dahil sa joke ni Isaac.

"Sorry dude. I didn't mean it!"

"Tss. Anong magagawa ng sorry mo eh nangyari na? Tabi nga!" Inis niyang sabi.

Rinig na rinig ko ang inis sa boses ni Ynigo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit sa maliit na bagay. I mean hindi naman maliit na bagay na nabilaukan ang anak namin ngunit sa ganitong bagay ay hindi ko ineexpect na ganito ka grabe ang ekspresyon niya.

Agad siyang kumuha ng tubig at nilagpasan si Isaac para ibigay sa anak. Tumabi naman si Isaac. Hinagod pa ni Ynigo ang likod ni Kobe ng patuloy siyang umubo. Nakikita ko ang panic sa mukha niya. Halos mabalisa siya. Kahit ako ay nagulat rin dahil sa nangyari pero hindi kasing inis ni Ynigo.

"Uhh I'm fine, I'm fine! What was that again, Uncle Isaac?" Balewala ni Kobe sa ginawa ng ama. Bumuntong hininga si Ynigo bago lumayo.

Umupo siya sa malayong sofa na malapit sa pintuan. Hinilot niya ang sintido niya at kitang kita ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan. Umigting ang kanyang panga at padabog na umupo. Habang si Isaac at Kobe naman ay pinagpatuloy ang paguusap na parang walang nangyari. Lumapit ako kay Ynigo at umupo sa tabi niya.

His PropertyWhere stories live. Discover now