Hindi tumigil si Ynigo sa paghalik sa leeg ko. Bahagya ko siyang tinulak.
"Mooom? Daaaad?" Sigaw ni Kobe at malakas na kumatok.
"Shit Ynigo! Tumigil ka na, buksan mo ang pinto!" Mahinang sabi ko dahil baka marinig kami ni Kobe.
"Hmmmm." Umungol pa siya nang hawakan ko ang dibdib niya.
"Please Ynigo. Naghihintay ang anak mo!" Dismayado siyang lumuhod sa harap ko. Bumaba ang tingin niya sa akin at ngumuso. Kahit ang cute niyang tignan ay mas uunahin ko si Kobe.
Pinagtabi ko ang binti ko at kinuha ang bathrobe at ang kanyang mga damit na tinapon ko sakanya.
"Bilis Ynigo! Magbihis ka na!"
"Dad? Are you still awake?" Katok niya.
Bored na sinuot ni Ynigo ang kanyang damit at nang nasigurado naming okay na ay sabay kaming pumunta sa pintuan. Nakasunod ako sa likod niya nang buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap namin si Kobe na nakatayo at ambang kakatok ulit dahil nakataas pa ang kanyang kamao. Ngumiti siya at binaba iyon. Nakayakap siya sa kanyang malaking unan.
"What's up, Kid?" May bahid na iritasyon sa boses ni Ynigo nang nagsalita siya. Kumunot ang noo ni Kobe. Siniko ko si Ynigo at ngumiti sa anak ko.
"Ano yun Kobe? May kailangan ka?" Hinaplos ko ang pisngi niya.
"Can I sleep here? I want to sleep with my mom and dad." Nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan kami ni Ynigo. Bago pa siya makapagsalita ay pinutol ko na siya dahil alam kong aayaw siya.
"Sure baby! Halika pasok ka." Pumasok siya sa loob.
"Akala ko ba big boy ka na? Bakit ka dito matutulog?" Tanong ni Ynigo. Humarap sakanya si Kobe.
"It's because I want to sleep with my parents! Is that bad?"
"No. Of course not baby." Ngiti ko. Sumampa siya sa higaan at humiga sa gitna.
"It's because it's because. Sus if I know natatakot yan eh." Bulong ni Ynigo. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinabihan tumahimik ka o malalagot ka sakin sa pamamagitan ng titig.
"Tss ako dapat ang hinahaplos mo eh. Sige na matulog na kayo." Sabi ni Ynigo at dismayadong pumasok sa CR. Dibale na. Babawi ako sakanya mamayang gabi. Humiga ako sa tabi ni Kobe at tinaas ang comforter haggang sa dibdib niya.
"Mom saan pupunta si daddy? Hindi pa ba siya naaantok? Kasi ako po pagod na pagod na." Humikab siya.
"Uhm hindi ko alam eh. Maliligo muna si daddy." Tumango siya at pumikit. Mahinang kinakantahan ko siya ng isang lullaby.
Gusto ko sanang hintayin si Ynigo na makalabas ng cr ngunit kinain na ako ng pagod at antok.
"Babe." Naalimpungatan ako nang may narinig akong nagsalita. Umungol ako at niyakap ang maliit na unan sa tabi ko.
"Babe, wake up. Uuwi na tayo." Amoy na amoy ko ang mabangong shaving cream at mouthwash nang bumulong siya.
Gumalaw ang niyayakap kong unan kaya kunot noo akong napamulat. Tumambad sa mukha ko ang mukha ni Kobe. Hindi ko alam kung iniimagine ko lang ba ito dahil kakagising ko lang o totoo ito. Nakangiti siya na halos hanggang mga mata.
"You're awake!" Ngisi ng anak ko. Umupo siya kaya niluwagan ko ang pagkakayakap sakanya. Siya pala ang niyayakap ko.
"It's already 5:30. You've been sleeping for 2 hours now. Kailangan na nating kumain para hindi tayo gabihin sa daan." Ani Ynigo.
Kinagat ko ang aking ibabang labi ng bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Naka sweat pants lang siya at mukhang kakagising lang din. Umangat ang labi niya nang namataang tinitignan ko ang katawan niya. Nag iwas ako ng tingin at bumaba ng higaan. Ngayon ko lang natandaang naka bathrobe pa pala ako. Hindi na ako nag abalang magbihis kanina dahil sa pagod.