Chapter 46 - HP

8K 172 5
                                    

Ilang linggo na rin mula nung naaman kong nabuntis ni Ynigo si Ciara at simula nun ay nagkulong na ako sa kwarto. Alam kong parang isip bata ako pero wala akong lakas na lumabas. Minsan dinadalhan ako ni Manang ng pagkain dito at dito na rin naghahapunan sa kwarto ko si Kobe sa kagustuhang samahan ako.

Isang linggo na ang nakaraan pero hindi parin nawawala ang sakit. Feeling ko kanina lang yon nangyari dahil sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari at narinig ko. Pinapakita ko kay Kobe na kaya ko ngunit tuwing gabi habang tulog na ang lahat ay hindi ko mapigilang isipin lahat ng mga nangyari at iiyak magdamag.

Isang linggo na na hindi ko binubuksan ang cellphone ko. Sa isang linggong iyon ay ni minsan wala akong nakitang Ynigo sa tapat ng bahay. Naghihinayang at nalulungkot ako kahit na dapat ay masaya ako. Susubukan kong iwasan siya ng sa gayon ay matigil na tong puso ko sa kaka hanap sakanya. Sisikapin kong balewalain ang presensya niya. Kung kaya niya akong hindk makita dahil kay Ciara, kakayanin ko rin.

Dahil kay Kobe ay kahit papaano ay naging masaya ako. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang mapangiti ako. Nagsuot siya ng damit pambabae na nanggaling sa closet ko at naglagay ng make up kaya naging clown ang mukha niya, nagluto siya nga paborito naming sinigang at sisig kahit medyo maalat, kinakantaham niya ako, binabasahan ng bedtime stories ang nga kapatid niya kahit hindi pa man sila lumalabas at sinasabayan sa pagtulog at mas lalong ginalingan sa school para may maipakita siya sa aking mataas na score o di kaya malaking star.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong si Kobe pa ang mag alaga sa akin na dapat ay ako ang magalaga sakanya. Tama na ang pagmumukmok ko! Oras na rin siguro para buoin ko ulit ang nasira kong buhay. Masakit man pero kung hindi ko ito gagawin ay walang mangyayari at baka tuluyan nang masira ang buhay ko, hindi ako papayag doon. Babawi ako ngayon.

Tinanghali na ako gising at nakaramdam ako ng gutom. Mabilis akong naligo at nagbihis ng maayos na damit. Naglagay rin ako ng make up para hindi ako magmukhang lantang gulay. Bago ako lumabas ng bahay ay uminom muna ako ng tubig. Gulat na gulat sina manang dahil sa wakas ay bumaba na rin ako. Pinakita ko rin sakanya na okay na ako. Kahit sa loob loob ko ay masakit parin.

Sinabihan ko ang driver na hintayin ako para makasama ako sa pagsundo sa anak ko. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako ng bahay magmula nung ........ ayaw ko na yon isipin dahil ayokong masira ang araw ko.

Pagdating namin ng school ay saktong nagbell kaya nagsilabasan na ang mga bata na hinihintay ng kanya kanyang mga nanny. Lumabas ako ng sasakyan at hinintay si Kobe. Nakita kong nagtanguan sila ng mga kaibigan niya bago siya pumunta kay Rose. Nakayuko siya dahil may hawak hawak siyang test paper na mukhang may pinoproblema doon dahil naka kunot ang noo niya. Umiling pa siya at ngumuso. Nanlaki ang mga mata ni Rose na nakatingin sa akin habang naglalakad sila palapit sakin. Binigya  ko siya ng ngiti. Hindi pa ako nakikita ni Kobe.

"Baby!" Sigaw ko. Biglang napa angat ng tingin si Kobe at kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata niya nang nakita ako. Lumuhod ako at binuka ang mga braso, naghihintay ng yakap niya. Tumakbo papunta sakin si Kobe at binalot ako ng mahigpit na yakap. Sa yakap palang niya ang naramdaman ko kung gaano niya ako na miss.

"Mom! Bakit po kayo nandito?" Tanong niya pagbitaw ng yakap.

"Sinusundo ang baby ko. Oh bakit nakabusangot ang baby ko?" Sumimangot siya lalo at kinamot ang ulo.

"I got 9 over 10 sa test namin. I should've got the star kung hindi ko nakalimutan ang sagot at magiging proud kayo sakin but I failed you." Aniya

"Wow! 9 over ten? Mataas na yun baby! I'm really proud of you. Hindi naman mahalaga sakin na makuha mo ang star eh. All I want is to see you studying." Paliwanag ko. Hindi naman kailangan makuha niya ang pinakamataas palagi. Ang gusto ko lang makita ay pinagbubuti niya ang pagaaral at hindi sinasayang ang edukasyong binigay ko sakanya. Umiling naman siya. Mukhang hindi sang ayon sa sinabi ko

His PropertyWhere stories live. Discover now