Chapter 11 - HP

9.5K 208 3
                                    

"Ms. Clavel, sobrang laki ng 45 percent shares na gusto mong bilhin kay Mr. Lee at Mr. Lao."

"I know. Kahit magkano bibilhin ko."

"Are you sure Ms. Clavel?"

"Very sure attorney."

"Okay. I will schedule a meeting with Mr. Lee at Mr. Lao later afternoon para mapagusapan niyo ang pagbili mo ng shares nila sa Zamora Group Of Companies."

"Thanks, Attorney." Nilahad ko ang kamay ko. Tinanggap niya ito.

"Thanks Ms. Clavel."

Yes. Bibilhin ko ang 20 percent ng shares ni Mr. Lee at ang 25 percent shares ni Mr. Lao. Kung maibili ko ito ay magiging 45 percent ang shares ko sa kompanya ni Ynigo. Kung mangyayari iyon ay ako ang magiging pangalawa sa may pinakamalaking shares mula kay Ynigo.

Gusto kong mapalapit kay Ynigo. Baka bumalik ang nararamdaman niya sakin at mabuo ko ang pamilya ko. Oo desperada na kung desperada. Gusto ko lang naman bigyan ng maganda at buong pamilya ang anak ko. Ayaw kong maging basagulero or kung ano ang anak ko kagaya ng ibang bata, dahil sa problema sa pamilya. Hindi ko naman aakitin si Ynigo! Ituturing ko lang siya kung pano ko siya ituring noon at baka bumalik ang nararamdaman niya para sakin.

Habang binabasa ko ang isang dokumento ay may biglang kumatok.

"Come in."

Niluwa nito si Isaac na nakangiti. Ang isang kamay niya ay nasa likod niya. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Hey. What brings you here?"

Dahan dahan niyang nilabas ang kanyang kamay na nakatago sa likod. Isang pumpom ng pulang rosas ang nilahad niya sakin. Kinuha ko iyon.

"Wow! Thanks. Anong meron?"

"Wala. Kailangan ba ng rason para bigyan ka ng bulaklak?" Nagkibit balikat nalang ako. I can sense something.

"Are you busy?" Pumangalumbaba ako at tinignan siya ng mabuti.

"Hmm hindi naman."

"So do you mind having lunch with me outside?" Sinasabi ko na nga ba.

"Sure. Your treat?"

"Syempre. I will never let a girl pay."

"Okay! Wala ka bang trabaho?"

"Meron. C'mon magpahinga ka naman. Tutok na tutok ka masyado sa trabaho eh."

"Okay. But promise me to bring me back here before 1 pm."

"Sure. I promise!" Ngiti niya. Inilagay ko ang bouquet sa table ko. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko sa drawer at nilagay sa bag ko.

"Let's go?"

"Let's go!" Binuksan niya ang pintuan at pina una akong lumabas.

"Good morning ma'am, sir."

"Good morning madame, Sir Isaac."

"Happy Lunch ma'am, sir."

Kanya kanyang mga bati nila. Nginingitian naman namin. Ang ibang empleyado ay tutok sa trabaho, ang iba kanya kanyang bati samin at ang iba naman ay chumichismis.

Dahil siguro nakahawak si Isaac sa bewang ko. Nasanay na rin kasi ako na sweet si Isaac pero pinagtitinginan kami at baka malisyahan pa kami. Hinayaan ko nalang rin. Bahala na

Bumaba kami sa parking lot. Pinatunog niya ang kanyang Prado at pinagbuksan ako ng pinto. Nginitian ko siya bilang pasasalamat. He's always the gentleman type. Umikot siya papunta sa driver seat at pinaharurot na palabas ng building.

Kumain kami sa Diversion 7. Malapit lang naman iyon sa building.

"What's your order ma'am, sir?"

"I'll take Grilled Pepper Beef, medium well. How about yours monique?"

"Vegetables salad and Baby Back Ribs." Umalis na ang waiter.

"Gutom ka na pala." Aniya

"Hindi noh. Sinusulit ko lang ang libre mo. Madalang ka lang kaya manglibre." I chuckled

"Anong madalang? Kailan ba kita pinagbayad?" Nakakunot noo at nakanguso niyang tanong. Binibiro ko lang naman siya. Epic!

"Biro lang." Hindi ko pa rin mapigilang hindi matawa! Kung nakita niyo lang ang muka niya kanina! Gulat na gulat na oarang hindi makapaniwala. Madalang niya lang napapakita ang ganyang mga emosyon niya.

"Anong nakakatawa?" Tinagilid niya ang kanyang ulo. Umiling iling ako, hindi parin mapigilan ang tawa.

"Lagot ka talaga sakin mamaya!"

Nginitian ko nalang siya. Baka kung ano pang gawin niya mamaya. Tatahimik nalang ako

"B-Balita ko gusto mo palang bilhin ang 45 percent ng shares sa kompanya ni Ynigo?" Napawi ang ngiti ko sa taning niya. Sumeryoso bigla ang pinapagusapan namin.

"Ah oo. Kung papay ang dalawang stock holders ay bibilhin ko."

"Bakit? Bakit gusto mong sa kompanya pa ni Ynigo? Pwede ka namang mag invest sa ibang kompanya."

"Gusto ko sa ZGOC."

Bumuntong hininga siya.

"Tell me the truth monique. Dahil ba nandoon si Ynigo?" Dahan dahan akong tumango.

"I want him back, Isaac. I want to give my son a complete family."

"I understand. Mahirap lumaki ng wala ang isa mong magulang."

"Thanks Isaac."

"Nandito lang ako palagi. I will be your shoulder. Tuwing sasaktan ka niya nandito lang ako para saluhin ka."

Tumahimik kami nang dumating na ang waiter. Kumain na kami. Kwentuhan ang ginawa namin habang kumakain. He will always be my best friend. Hindi ko alam kung bakit wala akong bestfriend na babae. Si Isaac lang siguro ang nakakaintindi sakin.

His PropertyWhere stories live. Discover now