Chapter 53 - HP

8.4K 157 0
                                    

"Baby please kumain ka muna. Kailangan mong kumain para sa mga anak natin." Pamimilit ni Ynigo.

"Mamaya nalang. Wala talaga akong gana." Iling ko.

Nakahawak ako sa kamay ni Kobe at hinihintay siyang magising. Magdadalawang oras na at hindi pa rin siya gumigising. Sabi ng doktor tumaas na ang platelet count niya kaya gumagaling na siya pero hindi ko maiwasang magalala. Bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagigising?

Gusto kong isipin na mahimbing lang ang tulog niya kaya hanggang ngayon hindi pa siya nagigising pero natatakot talaga ako. Paano kung..... damn!

Kanina pa ako ni Ynigo pinipilit na kumain. Alam kong kailangan kong kumain pero wala talaga akong gana lalo na't nakikita ko ang anak ko na nakahiga sa hospital bed at hindi pa namin nasisiguradong magaling na talaga siya. Kung pipilitin ko ang sarili kong kumain ay baka isuka ko lang ang mga kakainin ko.

"Baby please gumising ka na. Mommy's waiting for you." Bulong ko habang hinahalikan ang kanyang maliliit na kamay na mahigpit na hawak ko.

"Babe magigising din ang anak natin. Sabi ng doktor gumagaling na siya kaya wag ka nang magalala. Bawal kang ma stress. Mas mabuti sigurong umuwi ka muna para makatulog ka ng maayos, ako na ang magbabantay dito."

Umiling ako at suminghot. Natutulala ako sa mukha ng anak ko. Hindi maaalis sakin ang takot na hindi ko masiguradong maayos ang mga anak ko.

"No. Hindi ko kayang matulog sa bahay habang ang anak ko hindi pa nagigising. I want to be here when he woke up." May luha na namang tumulo mula sa namamaga kong mga mata. Kailan ba ako mauubusan ng luha?

Nanghihina na ako. Si Kobe ang unang nagbigay sakin ng lakas noong nawawalan na ako ng pagasa. Siya ang nagbigay sakin ng lakas ng loob. Siya ang nagbigay sakin ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko

Sinubsob ko ang mukha ko sa hinihigaan ng anak ko habang ramdam na ramdam ko ang mainit na kamay ni Ynigo na nakahawak sa magkabilang braso ko. Tila huminto ang oras ng narandaman kong gumalaw ang kamay ni Kobe na hinahawakan ko. Agad na umangat ang ulo ko. Taas baba ang aking dibdib sa pinaghalong saya at kaba.

"'Kobe! Baby mommy's here."

"Mom...." Gusto kong tumalon sa saya ng nakita kong unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata ngunit agad din siyang pumikit.

"Kobe...." bulong ni Ynigo. Dalawa kaming titig na titig sa anak namin. Kumunot ang noo ni Kobe at pagbukas ng kanyang mga mata ay agad siyang napatingin sa gawi ni Ynigo.

Sinubukan niyang magsalita ngunit napaubo siya. Siguro ay natutuyo na ang lalamunan niya. Agad ko siyang inabutan ng tubig.

"Are you alright?" Hindi ni Kobe sinagot ang tanong ng ama bagkus ay tumingin siya sakin na parang nagtatanong kung bakit nandito ang ama niya.

"Uhm Ynigo can you please.... leave us alone for a while?" Kinumbinsi ko siya sa mga titig ko. Marahan siyang tumango bago dismayadong lumabas ng kwarto.

Paglabas niya ng pinto ay reklamo agad ng anak ko ang narinig ko.

"Mom! Why is he here?" Kunot noo niyang tanong.

"Baby, I'm sorry okay. We needed your father."

"Mom! I told you that I can win this alone, right? I don't him!" Para siyang matanda kung magsalita. Sa kanyang gwapo at batang batang mukha ay hindi mo aakalaing ganito siyang magsalita at tumayo para sa sarili.

"God! Kobe, I can't risk your life! Hindi ko kayang isangla ang buhay mo! Hindi ako magbabakasakali kung magagawan ko naman ng paraan."

Umiiyak ang anak ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. Namumula na ang ilong ng anak ko.

His PropertyWhere stories live. Discover now