Chapter 55 - HP

9.9K 155 4
                                    

Nalimpungatan ako nang may maramdaman akong kumikiliti sa leeg ko. Gumalaw ako upang maalis ang kung ano mang kumikiliti sakin. Tumigil siya ngunit di kalaunan ay bumalik ito kasabay ng mainit na paghaplos sa tiyan ko.

"Hmmm!" Hinawi ko ang bagay na humahaplos sa tiyan ko at bumaling sa ibang direksyon dahil gusto ko pang matulog.

"Wake up, baby." Sabi ng isang pamilyar na boses. Umiling ako at tinago ang ulo sa ilalim ng unan. Narinig ko siyang humalakhak.

Nagulat ako ng may biglang umalis ng comforter sa katawan ko, revealing my panty and legs. Suminghap ako sa gulat ng biglang may kamay na gumapang sa panty ko at hinawakan ang akin dahilan para bumalikwas ako sa higa. Nakita kong ngiting ngiti si Ynigo na hindi pa inaalis ang kamay niya.

"You're awake! Goodmorning, baby!" Ngisi niya.

"Ugh! I hate you! Bakit mo ako ginising eh ang aga aga pa!" Sigaw ko sabay hawi ng kamay niya at taas ng comforter.

"Chill babe. Bawal sayo ma stress. Ginising kita kasi lalabasas tayo!" Umupo siya sa pagkakahiga at tinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang tight burning abs hanggang sa v line niya. Ang kanyang itim na boxers at ang kanyang toned legs. Shit ang aga aga eto ang nakikita ko. At ang kanyang kilikili na tingin pa lang alam mo nang mabango. Uminit ang pisngi ko sa iniisip. Humalakhak siya ng nakita ang pagpula ng pisngi ko. Umiwas ako ng tingin at pilit na pinatili ang galit kong ekspresyon. Hindi ko alam kung bakit ako galit, siguro dahil ginising niya ako ng pagkaagaaga.

"Uhm ano, saan tayo pupunta?"

"Basta. It's sunday so we're having a family day!" Masaya niyang sabi na parang tanggap na tanggap na siya ni Kobe pero ang totoo hindi pa.

Umusog siya palapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at sinandal ang likod ko sa mainit niyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib.

"Hindi ba pwedeng matulog muna ako? I'm still sleepy look ang aga aga pa." Tinuro ko ang orasan. 8:30 pa lang ng umaga.

Narinig ko siyang tumawa. Gumalaw ng konti ang katawan ko dahil sa kanyang matigas na katawan na nguminginig sa pagtawa. Ahh music to my ears. Ang gandang pakinggang ng tawa niya. Parang lahat ng problema ko nawawala. Ang galit ko ay unti unting nalulusaw.

"You slept for almost 11 hours already. Nagseselos na ako, mas gusto mo pang matulog kesa makasama ako. Sakin na muna ang atensyon mo ngayon please?" Ngumuso siya. Hindi ko napigilang hindi kurotin ang labi niya. Sa sobrang gigil ko sa pagkurot ng labi niya ay pakiramdam ko natigil ang blood circulation sa labi niya.

"Awww!" Hinawakan niya ang ibabang labi. Nagsisi ako ng makita ko ang sakit sa mukha niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at ambang hahawakan ang labi niya ng umiwas siya. Gusto kong umiyak dahil hinawi niya ang kamay ko. Hindi naman siya ganyan noon ah.

"Bakit mo ako kinurot? Ang sakit nun ah!" Namumula ang parte ng kanyang labi na kinurot ko.

Hindi naman niya ako sinisigawan noon ah? Bakit pakiramdam ko galit na galit siya ngayon? Dahil kinurot ko ang pisngi niya o dahil tumataba at pumapangit na ako? Suminghot ako.

"S-Sorry." Suminghot ulit ako at tumayo. Baka pagalitan pa niya ako. Bago pa ako makapasok ng cr ay may humawak na sa braso ko.

"Hey why are you crying? Anong ginawa ko?" Doon ko lang napagtantong punong puno na ng luha ang mukha ko. Pinunasan ko iyon at umiling.

Gosh! I'm such a mess!

"W-Wala. Sorry talaga, hindi ko napigilang kurutin ang labi mo. I'm sorry okay? Sorry!" Inis kong sabi.

His PropertyWhere stories live. Discover now