Chapter 10 - HP

9.8K 218 0
                                    

Bumaba na ako ng sasakyan at kasabay non ang pagkalabog ng pintuan ni Isaac. Inunahan niya ako sa pagbukas ng pintuan sa back seat. Kinarga niya si Kobe papasok sa bahay at dinala niya ang anak ko sa kwarto niya.

Pinagmasdan ko silang dalawa. Inayos ni Isaac ang comforter sa katawan ni Kobe. Hinalikan niya ito bago lumapit sa aircon at chineck bago hininaan ito.

Isaac will be a good father. I'm pretty sure of that. Pero hindi sa anak ko. Hindi ko kayang ibigay sakanya ang hinihiling niya.

Naisipan ko na kahit anong gawin ko ay alam kong siya parin ang mamahalin ko. Kaya bakit ko pa pipilitin ang sarili ko kung alam kong hindi ko kaya. Okay na saakin na makita araw araw si Ynigo.

Hinatid ako ni Isaac sa kwarto ko. Na aawkwardan ako sa atmosphere na bumabalot samin. Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na tahimik siya.

"Sorry ulit Isaac. And thank you sa paghatid samin."

"I understand. It's okay."

"Happy Birthday ulit kay Tita. Mag ingat ka sa daan!"

"I will. Good night, missy." Hinalikan niya ako sa noo bago ako tinignan ng mabuti.

"Good night."

Kinabukasan. Gumising ako ng maaga para ipagluto ang anak ko. Sabado ngayon kaya walang klase si Kobe at wala rin akong opisina.

Naisipan kong ipagluto siya ng paborito kong sinigang at sisig.

Kahit maaga ngayon ay gusto ko siyang ipagluto nito. Para magising ang kakuluwa ng anak ko sa asim at anghang ng luto ko! Mahilig ako sa maanghang at masasabi kong namana ito ni Kobe. Mahilig siya sa lahat ng putahe basta may sili.

Sinimulan ko na ang pagluluto habang ang ibang katulong naman ay naglilinis. Nilunod ko ang lahat ng ingredients pati na rin ang napakaraming sili. Hmm nagutom ako bigla sa amoy.

Pinagising ko si Kobe kay Rose. Maya maya pa ay bumaba si Kobe habang kinukusot ang mata. Nilapitan niya muna ako para halikan sa noo bago umupo sa dining table.

"What's for breakfast? Bakit walang pagkain dito?" Tanong ni kobe. Wala pa ang pagkain dahil pinapalambot ko pa ang karne.

"It's not yet cook baby. Hintayin nalang muna natin." Tumango siya.

"Baby may sasabihin pala si mommy."

Ngayon ko sasabihin sa anak ko na nagkita na sila ng ama niya.

"What is it?"

"Naalala mo ba yung lalaking nagbigay sayo kay Uncle Isaac mo?"

"Yeah. He's name is Ynigo."

Nagulat ako. Hindi ko alam na sinabi niya pala ang pangalan niya. Alam ng anak ko na Ynigo ang pangalan ng daddy niya ngunit wala siyang kamalay malay na siya pala ito.

"Yes baby. He's---He's your father." Mahina kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya.

"What? It's him mommy?! Oh that's why when I look at him I can see some of my facial features."

"Yes baby. Nagkita na kayo ng daddy mo."

"But how come he doesn't know me?"

"Beacause he did not know that I'm pregnant with you when I left him." Bahagyang yumuko ang anak ko. I know na kahit sabihin niya sakin na okay lang na wag na siyang kilalanin ng kanyang ama at kahit makita lang niya siya ay okay na sakanya ay gusto niya parin na makilala siya nito. Who would not like to have a complete family?

"I'm sorry baby. Sorry dahil ako ang may kasalanan kung bakit hindi ka kilala ng daddy mo. Ipinagkait ko sayo ang pagkakaroon ng ama." Napaiyak na ako. Ako ang may kasalanan. Kung sinabi ko agad kay Ynigo baka ngayon ay masaya ang anak ko, baka ngayon may kinikilalang daddy siya.

Kung hindi dahil sa akin ay baka masaya kami ngayon. Baka buo ang pamilya ng anak ko ngayon.

"No it's okay mommy. Masaya naman ako kahit tayong dalawa lang." Nakangiti niyang sabi.

"Mommy don't cry. It's not your fault. Hush down."

"I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin. Kung sinabi ko kay Ynigo na buntis ako noon alam kong pupuntahan talaga niya ako kahit saan man lupalop ng mundo ako. Kung sabihin ko kaya sakanya ngayon? Pero baka kunin niya sakin ang anak namin. Pero malulungkot rin ang anak ko kung hindi ko sasabihin. Uunti untiin ko. Hahanap ako ng magandang timing bago ko sabihin. Karapatan niya parin na malaman na may anak siya.

"Mommy hindi pa ba tapos ang niluluto mo?" Naalala ko lang ang niluluto ko ng tinanong ako ni Kobe. Dali dali akong pumunta ng kusina at in'off ang stove. Hinain ko ang sinigang na baboy at sisig. Nagpatulong ako kina manang trinidad sa paghain. Nilagay nila ang kanin sa mesa pati na rin ang matatamis na mangga na galing pang Guimaras.

"Atlast! I'm already hungry!" Nagliwanag ang mga mata niya ng nakita niya na ang mga pagkain.

"Oh baby tikman mo na."

Kinuha niya ang nakatago niyang kutsara sa ilalam ng kanyang pinggan. Una niyang tinikman ang sisig. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang ngumunguya.

"Wow! Ang sarap! Unang tikim ko palang malalasahan ko na ang anghang!" Manghang sabi ng anak ko. Napangiti nalang ako. Pareho talaga kaming mahilig sa maaanghang.

Kinuha ko ang bowl niya at nilagyan ko ng sinigang. Tinikman niya ang sinigang. Napangiwi siya sa sobrang asim.

"Ahhhh! Why is this sour?" Natawa nalang ako. Ito ang unag beses niyang makakatikim ng sinigang.

"Because there is sampalok!"

"What's sampa-- ano yun?"

"Sampalok baby. Pampaasim ang nilagay ko kaya maasim. Ano baby masarap ba?"

"Ahh. Yes mommy. It's worth the wait!"

Then it struck me. Am i really worth the wait?

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko ang anak kong mamasyal. At sympre pumayag siya dahil ito ang una pagkakataon na mamamasyal kaming magkasama.

Dinala ko siya sa Ocean Park, Zoo, Museum at Mall. Bumili kami ng mga damit niya para hindi siya makulangan ng damit sa eskwelahan.

Hapon na ng nag ayang kumain si kobe.

"Mom I'm hungry. Let's eat."

"Napansin ko palagi ka nalang gutom." Puna ko. Tinignan niya ako ng matalim.

"What do you mean mommy?na matakaw na ako?" Kumunot ang noo niya. Ooops. Hindi ko sinasadyang mainsulto ang anak ko. Lumuhod ako sa harap niya.

"Hindi baby. Ang sinasabi ko lang na mukhang mahilig ka ng kumain ngayon hindi kagaya nung nasa States tayo na konti ka lang kumain."

"Because I love the food here!"

"Ohh Right. So saan mo gustong kumain ngayon?"

"Jollibeeeee!" Maligaya niyang sabi.

Dumiretso kami sa jollibee. At ang anak ko palakain na ngayon umorder ng Large fries, cokefloat, chicken meal, peach mango pie at yum. Oh diba gutom talaga!

Gabi na ng umuwi kami. Habang nagdadrive ako pauwi.

"Mommy thanks for today!"

"No problem baby."

"I really had fun. Sana sa susunod kasama na si daddy." He laughed kahit alam kong may pait sa pagkakasabi niya non.

His PropertyWhere stories live. Discover now