Chapter 49 - HP

8K 165 12
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas sais pa lang  ng umaga ay gising na ako. Maaga ako natulog kagabi kaya siguri nagising ako ng maaga. Alas kwatro ng gabi ako natulog at hindi iyon normal dahil ang normal na oras na natutulog ako ay mga alas diyes ng gabi kahit na madalas akong inaantok dala na rin ng pagbubuntis ko.

Sinakop ko ang mahaba kong buhok para gawing bun. Nakapambahay lang ako, loose shirt at maiksing cotton shorts. Malaki na rin ang tiyan ko dahil 5 months na sila. Hindi ko alam pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ako naiinsecure dahil para sakin maganda ako kahit na buntis.

Bumaba ako at naabutang nagluluto na ng agahan si manang at ang iba pang kasambahay.

"Monique hija! Aba himala at maaga kang nagising ngayon!" Bati ni manang.

"Maaga po kasi akong natulog kaya ayon po. Tulungan ko na po kayo!" Presenta ko ng nakitang nagluluto siya ng hotdog habang nagtotoast ng tinapay.

"Wag na baka mapano pa kayo! Kami na dito hija, kaya na namin to." Ngumiti siya. Hindi ko maiwasang hindi magpasalamat dahil nandyan si manang. Siya ang tumayong pangalawa kong ina mula nung namatay si mommy. At dahil kasama ko si manang hanggang nagdalaga ako ay kilalang kilala na niya ako. Alam niya kung kailan ako magkakasakit kaya madali niyang nalaman na buntis ako. Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong parte sa dinadala ko.

Sinunod ko ang sinabi ni manang. Umupo nalang ako sa dining table. Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam ako ng antok ngunit ayaw kong matulog. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naisipan kong ipaghanda si Kobe ng kakailanganin niya sa school. Umakyat ako sa kwarto niya at binuksan ang kanyang closet. Kumuha ako doon ng damit niya na gusto kong suotin niya ngayon. Wala kasi silang uniform sa school dahil grade 1 pa lang naman siya. Nilapag ko iyon sa malapit na couch bago siya ginising.

Marahan kong tinampal ang kanyang braso dahil nakatalikod siya sakin. Gumalaw siya ngunit hindi tuluyang nagising.

"Baby gising na baka ma late ka sa school." Tinampal ko ulit ang braso niya. This time tuluyan na siyang nagising. Humikab siya at tamad na umupo. Naka kunot ang kanyang noo habang ako ay nakangisi.

"Rise & Shine baby!" Bati ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi at kinusot ang kanyang kaliwang mata. He looks so cute in a morning look.

"Morning mom. Bakit po kayo nandito? You should be sleeping." Aniya

"I just want to help you prepare for school baby. Sige na, bumangon ka na at maligo. Nakapili na ako ng susuotin mo. I'll help prepare your breakfast downstairs, okay?" Sabi ko bago tumayo at naglakad sa pinto. Tumango siya bago ako tuluyang lumabas.

Umupo ako sa dining table at naglabas ng snack box para kay Kobe. Binibigyan ko siya minsan ng allowance o di kaya kay Rose pero mas maganda parin na may baon siya. Naglagay ako ng shanghai rolls sa maliit na box at tinabi muna. Nang biglang pumasok ang guard namin na may dalang bilao ng iba't ibang klaseng prutas.

"San po galing yan manong?" Tanong ko.

"Ynigo Zamora daw po ma'am." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko. Nandito siya ng ganito ka aga? Baka makita siya ni Kobe at baka makita niya si Kobe!

"What? Nandyan siya sa labas?" Bahagyang tumaas ang boses ko.

"Nako wala po ma'am. Pinadala lang po. Eto po oh may card." Binigay niya sa akin ang pulang card na nakatupi.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko nandito si Ynigo eh. I don't know why pero parang nadismaya rin ako at the same time. Binuklat ko ang card.

Goodmorning babe! Fruits for you! Kainin mo lahat ng yan ah? Para naman kahit malayo ako sainyo healthy parin kayo! I love you and I will always will. Have a great day! Second peace offering.

His PropertyWhere stories live. Discover now