Chapter 16 - HP

8.9K 205 1
                                    

"Mom can you fix my shoelace?"

"Sure, baby."

Lumuhod ako sa harap ng anak ko para maging magka lebel kami. Nakaupo siya sa sofa, pinatong niya ang kaluwang binti sa kanan ng sa gayon ay maayos ko ang kaniyang sintas.

"Rose, alagaan mo ng mabuti si Kobe ha. Oh eto yung allowance niya." Binigay ko kay Rose ang isang daan na papel. Baka kasi may gustong bilhin ang anak ko sa school aside sa kanyang baon.

"Okay po ma'am!"

"Baby, wag kang bumili palagi ng junkfood at softdrinks okay? It's bad for your health."

"Yes mom." Hinalikan niya ako sa noo bago sila lumabas ng sasakyan.

Ngayong araw, nagdala na talaga ako ng sasakyan ko. Ayaw ko nang maulit ang nangyari nung nakaraang araw. Pagkatapos ko siyang ihatid sa school niya ay dumiretso na ako ng building.

Sinalubong ako ni Maria paglabas ko ng elevator sa aking floor. Mukhang nag aalala ang kaniyang mukha.

"Ma'am kanina pa naghihintay ang board."

"Oh sht." Napakagat labi ako.

Nakalimutan kong may board meeting ngayon! Dahil mataas ang kita ng buong kompanya ngayon ay napagisipan kong ipagbakasyon ang mga empleyado ko dahil sa magandang serbisyo nila sa kompanya.

Binuksan ko ang pintuan ng board room. Napa angat lahat ng mga ulo nila nang nakita ako. Tumayo sila at binati ako, ang iba nama ay kinamayan ako.

"Sorry I'm late. Hinatid ko pa ang ang anak ko sa sa school." Nakangiti kong sabi. Alam kong maiintindihan naman nila iyon.

"Oh. Your son is lucky to have a mother like you." Sabi ni Mr. Pacenio

Sumaya bigla ang pakiramdam ko. Sobramg laki ng impact sakin ng puri na iyon. Nakakaproud maging ina ni Kobe. Hindi ko pinagsisihan na nabuo namin siya. I love him more than my life.

"You're wrong. I'm lucky to have him."

It's true. I'm really very lucky to have him. Siya ang nagbigay lakas sakin ng namatay si Dad. Siya ang nagpapasaya sakin araw araw.

Sa huli ay napagdesisyonan namin lahat na ipagbakasyon ang mga employado ng kompanyang ito sa sarili naming resort na halos anim na bayan pa bago dito.

Nang nagtanghali na ay magisa akong kumain sa sariling opisina. Hindi pa natatapos ang araw na ito ay randam ko na ang pagod. Ilang meetings ang pinuntahan ko kaninq at may tatlong naghihintay pa para ngayong hapon. Hindi ako sanay na ganito. Maliit na gawain palang, para sa akin ay mabigat na trabaho na ito dahil nung nasa States kami ay eskwelahan-bahay lang ang ruta ko, dahil hinahatid sundo ko ang anak ko. Pero ngayon, buong araw akong nagtatrabaho, nagpupunta kung saan saan para sa meetings at hindi ko pa mababantayan ang anak ko sa eskwelahan.

Nagring ang telepono sa tabi ko. Pinindot ko ang isang bahagi non na nagkokonekta sa telepono ng sekretarya ko. Naka loudspeak ito kaya hindi na ako nagabala pang tumingin dito.

"Good afternoon ma'am. Nandito po si Kobe sa labas."

Napatigil ako sa ginagawa at napakunot ang aking noo. Dapat may klase pa siya ngayon. Anong ginagawa niya dito? Nako! Pagnalaman kong tumakas siya sa eskwelahan malalagot talaga siya sakin! Ke bata bata niya pa, natututo na siya ng ganyan?! Hindi iyan pwede!

Binuksan ko ang pintuan at naglakad papunta sa cubicle ng aking sekretarya. Malayo papang ay kitang kita ko na si Kobe na nakadekwatrong upo habang nagbabasa ng magazine sa sofa doon. Napansin kong wala si Rose doon! Nako! Baka nga tumakas ang batang to!

"Kobe!" Matalim kong sabi. Agad siyang napa angat ng tingin sakin, ngumiti pa siya.

"Hey mom."

"Anong hey mom hey mom ka diyan! Why are you here? Dapat ay nasa eskwelahan ka kobe." Naka cross arms kong sabi.

"Well teacher anne said it's only half day kaya ako nandito. I don't ditch class you know." Kibit balikat na sabi niya.

"So where's your nanny? Bakit hindi mo siya kasama?"

"Oh. I asked her to buy fried chicken at jollibee. It's so hot I don't wanna hang outside."

Whaaat?! Pano kung nawala ang anak ko!

"What? Paano kung nawala ka? Paano kung may kumidnap sayo ha kobe?" Huminga ako ng malalim. Ayaw ko pagalitan ang anak ko sa harap nila at mas ayaw kong pagalitan ang anak ko. Pero paano nga kung nawala siya at masamang tao ang nakakuha sakanya? Hindi ko na maibabalik ang panahon. It's better to be safe than sorry.

"Sorry." Tumikhim siya at yumuko. Guilt struck me. Kaya nga ayaw na ayaw kong pagalitan ang anak ko dahil alam kong madadala ako sa emosyon niya at malulungot siya. Hindi ko siya kayang makita na malungkot

Lumhod ako sa harao niya. Hinawakan ko ang kanyang baba  at tinaas ang kanyang mukha.

"I'm sorry baby. Sorry napagalitan ka ni mommy. Nag aalala lang ako, baka kung anong mangyari sayo."

"Okay lang mommy. Memorize ko naman ang pasikot sikot dito dahil pinasyal na ako ni Uncle Isaac dito noon."

Aba okay lang daw! Parang ako pa ang may kasalanan. Matigas talaga ang ulo nitong batang to.

"Kahit na kobe. Wag na wag mo na itong uulitin ha. Mamatay ako sa takot pag nawala ka."

Hindi ko alam kung mamamatay ako sa takot o mamamatay ako sa pagiging baliw kung mawawala ang anak ko. I can't stand not seeing my baby for a day.

"Yes mom. I'm sorry. I love you." Nilapitan niya ako at niyakap.

"I love you too baby."

His PropertyWhere stories live. Discover now