Binuksan ko ang aking mga mata dahil sa naramdamang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinusot ko ang mga mata ko at umupo sa higaan, sumandal sa headboard ng higaan. Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone kong nakapatong sa bedside table. It's 6:24 in the morning.
Umalis ako sa higaan at napagpasyahang maligo na. Gumaan ang pakiramdam ko ng dumaloy sa balat ko ang mainit na tubig. Suminghap ako at sinubukang magrelax sa bath tub. Dapat hindi ako ma stress, nakakasama ito sa dinadala ko. Kaya hanggang sa makakaya ko ay iiwasan ko ang mga bagay na nakakapag pa lungkot sa akin.
Pagkatapos kong magbabad sa bath tub ay nagbihis na ako ng corporate attire, niblow dry ko ang buhok ko at tinali ito para maging bun. Mamaya ko nalang aayusin ng maayos ang buhok ko. Mahaba habang oras pa naman ang maiiwan dahil maaga akong nagising. Napansin ko rin na halos hindi na magkasya ang bra ko. Pinaalala ko sa sarili na kailangan kong bumili ng mga bagong undergarments para hindi ako magtiis sa masikip na bra na 'to.
Ginising ko si Kobe at sinabihang maligo na siya. Bumaba ako at tumulong sa mga kasambahay na maghanda.
"Good morning monique. Ang aga mo nagising hija." Sabi ni manang elsa na nagbabalat ng bawang.
"Magandang umaga din po manang. Oo nga po eh. Maaga po kasi akong natulog kagabi kaya siguro nagising ako ng maaga." Kibit balikat ko
Kumuha ako ng baso at nilagay sa counter. Lumapit ako sa ref para kunin ang tubig ngunit pagbukas ko ay agad akong nakaamoy ng cheese na nakita ko sa lasagna. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pagduwal. Ngunit mas lalong lumala ang pakiramdam ko dahil nahihilo ako. Agad akong tumakbo sa common cr sa unang palapag ng bahay at dumuwal. Hinila ko ang tissue na nakasabit sa tabi ng toilet kung saan ako dumuwal at pinunasan ang bibig ko. Naghilamos ako at sinigurado kong maayos ang mukha ko paglabas ko.
"Nako monique hija okay ka lang ba? Namumutla ka." Ani manamg elsa
Wala pa pala silang alam na lagay ko.
"Okay lang po ako. Uhm manang pwede niyo po bang kunin ang lasagna sa ref at kaninin niyo o itago niyo nalang. Na babahuan kasi ako sa cheese." Sabi ko. Alam kong may hula si manang elsa na buntis ako, ayaw niya lang akong tanungin. Tumango siya at lumapit sa ref. Inipit ko ang aking ilong gamit ng mga daliri ko at hindi huminga ng ilang segundo.
Napansin kong nagbabago na talaga ang pagkain ko. Noon na garlic bread at coffee lang ang kinakain ko tuwing umaga ngayon nag heheavy breakfast na ako. Magtatampo ako kung hindi ko mabigyan ng sapat na pagkain ang aking sarili. Kumakain na ako ng kanin at nangangamba akong tumaba lalo at hindi pa katagalan ang aking pagbubuntis. Napansin ko ring medyo lumaki ang bewang ko.
Hinatid ko sa umagang iyon si Kobe at Rose sa school niya. Hindi pa siya na kakababa ng sasakyan ay pinuna ko ang pagiging matamlay niya.
"Baby are you alright? Ang tamlay mo ngayon. Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ka nagpaulan kag----"
"Chill mom, I'm fine. It's just.... my head aches." Iling niya.
"Kobe, are you sure na kaya mong pumasok? You should've stayed at home." Dinampian ko ng hawak ang noo niya, medyo mainit. Dadampian ko rin sana ng hawak ang kanyang leeg ngunit hinawi niya iyon. Stubborn as always.
"Mom I'm fine, thanks for the concern though. Love you." Hinalikan niya ako sa pisngi at lumabas na mula sa front seat.
"Love you baby." Pahabol ko kahit lumabas na siya
"Rose bantayan mo si Kobe ha. Wag mo masyadong pagurin at baka magkasakit siya. I check mo kung basa ang likod niya from time to time okay? At tawagan mo ako kung may kailangan kayo." sabi ko kay Rose na hindi pa nakakababa sg sasakyan.
