Sa sobrang saya at excited ko ay nakaidlip ako sa mesa ko. Kanina pagkatapos ng meeting ko sa hapon ay nag isip isip muna ako kung anong gagawin ko mamaya kaya ako nakatulog.
Tinignan ko ang orasan sa mesa ko at nanlaki ang mga mata ko ng nakitang 6:15 na! 6:30 ang sinasabing meeting namin! Dali dali kong nilagay sa bag ang sariling gamit. Phone, wallet, make up! Halos tinakbo ko ang corridors sa buong building para lang maibsan ang oras na late ako.
Pagkababa ko ay halos tinakbo ko na ang daan papuntang lobby. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Probably thinking na ang palaging may poise nilang Boss ay tumatakbo ngayon na para bang hayop na nakawala sa hawla. But I don't care. Ano nalang ang sasabihin ni Ynigo pag na late ako!
Agad agad akong sumakay ng taxi. Bakit ngayon ko pa napagpasyahang wag magdala ng sasakyan! Wrong timing. Damn! Bakit ngayon pa na traffic! Wrong timing talaga!!
Hindi naman ganito ka traffic kumpara sa ibang araw ah. Kung traffic man ay mga sampung minuto ka lang maghihintay ngunit ngayon hindi talaga umuusad ang traffic.
"Manong wala na po bang ibang daan papunta sa Hotel de Amigo?"
Ang Hotel de Amigo ay isang 5 star hotel. Doon daw kami mag memeeting sabi ni Maria.
"Meron po ma'am. Hindi tayo matatraffic pero mas malayong daan iyon at baka maging mataas ang metro---"
"I'll give you that damn money. Just please make it fast."
Tumango siya at nag ibang direksyon. It's just money. All I need is to be there at that place as soon as possible para hindi naman ako mapahiya.
Halos dalawangpung minuto ang tinagal namin. Nang nasa harap na kami ng Hotel de Amigo. Ay chineck ko muna ang aking sarili. Konting retouch at ayos na! Pinagbuksan ako ng guard mula sa labas.
"Good evening ma'am." Sinalubong niya ako ng ngiti. Nginitian ko siya at dumiretso na sa loob ng restaurant.
Maraming tao ang kumakain dito. Marami akong nakikitang pamilya na mukhang may gathering kaya nandito. May mga lovers rin na nagdedate. Nilibot ko ang tingin ko sa buong resaturant, hinahanap kung nasaan si Ynigo. Sa di kalayuan ay namataan ko siyang nakahalukipkip habang nakatingin sakin. Sa kaniyang titig na iyan ay pakiramdam ko kanina niya pa ako tinitignan. Parang lumulutang ang mga paa ko habang naglalakad ako papalapit sa table niya.
Huminto ako sa harap niya at tinignan siya ng mabuti. Breathe in, Breath out. Kaya mo yan monique! Just act normal.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumigil ang tingin niya sa aking ibabang bahagi ng katawan ko. Kumunot ang noo niya. Nakasuot ako ng maiksing dress, yung parang kagaya ng mga sinusuot ng mga dancer sa tv show. Sanay naman ako magsuot ng mga maiiksing damit dahil ito palagi ang mga sinusuot ko.
"You're 45 minutes late. How unprofessional." Matigas na sabi niya.
"Uhh. Sorry. Sobrang traffic kasi---" pinutol niya ako
"I don't need your explanation. Seat." Tinuro niya ang upuan. Sinunod ko naman siya.
God! I really miss him! The way he looks at me, parehong pareho parin noon. I just wanna hug him so bad. I want to feel him. Gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya.
"So why did you buy Mr. Lao and Mr. Lee's shares?"
"Uhm w-wala. I just want to invest in your company, is that bad?" Sht. Nautal pa ako sa pagsasalita.
"Really huh, Ms. Clavel?" Diniin niya ang pagkakasabi ng pangalan ko.
"Y-Yeah." Damn! Pumiyok pa ang boses ko! I hate his effect to me. He intimidate me so much!
Umangat amg gilid ng labi niya. Yumuko siya. Ohhh my gosh! Ngumiti siya!!!
"Kamusta? Ang alam ko ay sa states ka nagtapos ng Highschool at college." Nagiba ang ekspresyon niya sa sariling tanong. Mula sa ngiti niya kanina ay nandilim ang mukha niya at nakakunot pa ang noo.
"Okay naman. Oo, doon ako nagtapos." Ngiti ko. Kumunot pa lalo ang noo niya.
"Do you have friends? Sino ang kasama mo doon?"
"Wala. Wala akong naging kaibigan noon."
Totoo. Hindi ko alam kung bakit walang lumalapit sa akin noon.
"Liar. You are happy with your boy." Halos pabulong na sabi niya.
Whaaaat? Anong boy? Ni wala ngang nagtangkang lumapit sakin sa school ko noon, tapos magkakaroon pa ako ng lalaki?!
"What? Ni wala ngang nagtangkang lumapit sakin."
"Playing dumb huh? Let's not talk about it. Wala rin naman akong pakialam." Aniya at binuksan ang menu na kanina pa nakalapag sa mesa.
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. Wala siyang pakialam! Ang sakit. Parang gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya ngunit ayaw kong ipakita sakanya na mahina ako.
"Ynigo. I want you. I still love you." Desperada kong sabi. Napa angat siya ng tingin sakin
"What? Ngayon sasabihin mo saakin yan? After you left me. You left me monique. I was wreck back then!"
"I know. I'm sorry. I still love you ynigo."
"Hindi ganon kadali iyon. Pagkatapos mo akong iwan ngayon babalikan mo lang ako? No. Hindi pwede."
Yumuko ako at nilunok ang bara na kanina ko pa pala pinipigilan. Huminga ako ng malalim at nag anangat ng tingin. Naabutan ko siyang nakatingin sakin ngunit agad din siyang nag iwas ng tingin.
Hindi na ulit kami ng usap hanggang natapos ang sinasabing 'meeting' namin. Minsan tumitikhim siya at akala ko magsasalita siya. Natatakot akong magsalita dahil baka sa oras na magsalita ako ay mababasag ang boses ko. Ni tingin ay hindi ko magawa sakanya.
"I'll be expecting to see you every meetings." Aniya. Lumabas na kami ng restaurant.
"Uh yeah." Sagot ko ng hindi nakatingin sakanya.
Marami pa naman akong gustong sabihin sakanya. Sinayang ko ang oras. Sabi ko sa sarili ko na kung magkikita kami ay magpapaliwanag ako pero hindi ko alam kung bakit tumitiklop ako sa tuwing nandyan na siya.