Chapter 33 - HP

7.9K 167 2
                                    

After that shit of an incident, ay iniwasan ko si Ynigo. Hindi ako sanay sa naging trato niya sa akin. Sinigawan niya ako right in front of that bitch na walang magandang ginawa kundi umarte!

Iniwasan ko si Ynigo sa isang linggong iyon. Minsan sa isang araw ay mapapadaan siya sa akin ngunit hanggang pagdaan ng tingin lang ako sakanya. Isang araw ay tinanong niya sa akin kung ano ang opinyon ko sa ipapatayong bagong tower sa cebu, sa gitna ng meeting.

"Uhm yeah. It's fine. It's good." Wala sa sarili kong sabi.

Tinignan niya ako na para bang galit o dismayado siya. What? Ano na naman bang ginawa ko? Ako nalang palagi! Ang mga mali ko lang naman ang nakikita mo! I'm tired of pushing myself against him! I need a break from all of this shits.

"Your opinion helps a lot. Shall I thank you?" Sarkastikong sabi ni Ynigo

"I'm just stating. Kung hindi mo gusto ang opinyon ko edi wag mo akong tanungin! And besides, hindi lang naman sa akin binabase ang desisyon sa pagpapatayo ng tower na yan. Bakit ako ba ang may ari ng kompanyang ito para sa akin manggaling ang huling desisyon?" I rolled my eyes.

Mukhang nagulat naman ang board sa inasta ko. I can't help it. His pissing me off! Hindi siya nakakatuwa!

Kinabukasan dahil weekend ay ngayon ko napagpasyahang kumonsulta sa doktor. Pero dahil hindi pa alam ni Kobe na magkakaroon na siya ng kapatid ay sasabihin ko muna sakanya. Naghahanap lang ako ng magandang tyempo.

8 o'clock ng umaga ng pumasok ako sa kwarto ni Kobe. Hinanap ko siya doon ngunit wala akong nakita ni anino niya. Wala rin siya sa cr. Baka nasa sala o baka naglalaro lang kasama ni Rose.

Bumaba ako sa unang palapag ng bahay. Wala siya sa sala, wala rin sa kusina. Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong ingay sa garden. Pumanhik ako papuntang garden at na abutang naglalaro ng soccer si Kobe at Rose sa malawak na hardin. Sinipa ni Kobe ang bola at napunta iyon sa damuhan malapit sa pool. Nag agawan sila ni Rose at nakuha iyon ng anak ko. Pinagbibigyan niya lang si Kobe eh.

Bumalik ako sa aking ulirat ng dumating si yaya Elsa dala ang tray ng tacos at pineapple juice. Nilapag niya iyon sa table sa mini terrace kung saan ako nakatayo.

"Rose, Kobe tama na muna iyan. Mag merienda muna kayo." Tawag ko. Tumakbo si Kobe papunta sa akin ngunit kumuha siya sa tacos at agad kinain iyon. Ininom niya rin ang pinapple juice na agad nagkalahati dahil sa paginom niya. Kinuha ko ang towel niya sa couch at pinahiran ko ang pawis niya.

"Oh hinay hinay lang. Baka ma bulonan ka niyan." Pangaral ko. Tumango naman siya ngunit ang atensyon ay wala sa akin, na kay Rose.

"Ate Rose, hindi na po ba tayo maglalaro?" Tanong niya rito

"Ah time first na muna ako Kobe. Pagod na si ate eh. Pasok muna ako, tutulong ga gawaing bahay." Aniya

"Oh okay. Laro tayo mamaya ha." Ayaw niyang magpaawat. He's really enjoying Rose's company.

"Oo ba! Sige ate, pasok muna ako." Paalam niya sa akin. Tumango naman ako bago siya pumasok sa loob.

"Baby gusto mo bang magkaroon ng kapatid?" Tanong ko habang sinusuklay ang medyo mahaba niyang buhok. Napatingin siya sa akin ng nakangiti.

"Of course mom! I want to have a younger brother and a younger sister!" Aniya

Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang magiging gender ng anghel na nasa sapupunan ko.

"Really? I'm glad you wanted because you're having one." Ngiti ko

Sandali siyang natigilan. Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala.

"Are you kidding me mom?" maingat niyang tanong. Hindi sigurado kung maniniwala sa sinasabi ko.

"Nope. You're having a sibling baby."

"Really?! Is it a boy or a girl?" Makikita mo talaga ang excitement sa mukha niya lalong lalo sa mga mata niya.

"Hindi ko pa alam baby. Hindi pa si mommy nakakapunta sa doctor. What do you want? A boy or a girl?"

"Any gender would do mom. Wow! I can't wait to be called kuya! I will have a playmate na! I promise to take good care of him or her even it takes my safety." Ginulo ko ang buhok niya.

"Wow. I can already imagine you changing diapers and making bottled milk!" Tumawa ako at sinabayan naman niya ako.

"Yeah! I will soon change diapers. Thanks for having my little brother or sister mom. I promise I will love him or her like how you love me."

"I'll expect that baby. Kiss mommy." Ngumuso ako. Kinamot niya naman ang kanyang ulo bago ako hinalikan sa labi. A small peck would do.

Umakyat ako para makapagbihis. Nag light pink floral dress at white doll shoes lang ako dahil bawal na akong magsuot ng matataas na heels. Kinuha ko ang bag, wallet at cellphone ko bago bumaba. Napa angat ng tingin si Kobe sa akin mula sa tv nang napansin ang presensya ko.

"Where are you going mom?"

"Hospital baby. Mag papa check up lang ako."

"Okay. Take care." Aniya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Anything you want? Anong gusto mong pasalubong?" Tanong ko

"No thanks. I just want you safe." Ngiti niya. Kinurot ko ang psingi niya bago lumabas sa double doors ng aking bahay.

Nagpahatid ako sa driver papuntang Saviors Medical Hospital. Dito rin ako kumonsulta sa doctor nung pinag bubuntis ko si Kobe.

Lumabas ako ng sasakyan. Inutusan ko ang driver na hintayin ako dahil hindi naman ako magtatagal dito. Magpapa check up lang naman ako para malaman ko kung ilang weeks na ba ito. Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil doon ang clinic ni Dra. Tiamzon. Liliko na sana ako sa isang hall ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Yes. Nandito ako sa Saviors Hospital." Agad kong nakuha na boses iyon ni Ciara. Huminto ako. Nagtago ako sa likod ng sementong naghihiwalay sa isang hall at sa hall kung saan siya nakatayo. I don't like the idea of eavesdropping pero nagtataka ako kung bakit siya nandito. May sakit siya? Hindi naman ako makapunta sa clinic ng doktor ko dahil kailangan munang dumaan sa kinaroroonan niya bago makapunta sa clinic. Ayaw ko namang mapansin niya ako kaya mas mabuting dito muna ako.

"No. W-Wag! Umm may binisita lang ako. Hindi na kailangan. Pupuntahan rin kita mamaya."

Bibisitahin? Sino kayang kausap niya? Si Ynigo? O baka parents o mga kaibigan niya? Hindi ko alam. Wala naman siyang binanggit na pangalan.

"Okay okay. I will. Bye love you babe." Aniya

Babe? Si ynigo ba ang katawagan niya? I remember na babe ang tawag niya kay Ynigo. Hindi naman siya siguro two timer? Pero hindi naman ako magtataka dahil mukhang hindi siya kuntento na iisa lang.

Wala akong narinig na ingay kaya naisipan kong sumilip. Nakita ko siya pumihit sa ibang direksyon. Kung saan ang daan papunta sa clinic ni Dra. Tiamzon. Ilang metro ang layo niya sa akin ng na pagpasyahan kong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Hindi naman siguro siya tatalikod ano?

Buong akala ko ay lalagpas siya sa clinic ni Dra. Tiamzon at pupunta sa kabilang hall ngunit nagulat ako ng kumatok siya sa clinic ni Dra. Tiamzon at pumasok.

What? Anong gagawin niya sa OB? And of all hospitals, of all clinics, of all doctors, parehas pa kami? And what is that girl doing inside that clinic? Don't tell me she's pregnant?! Oh my God! Sana mali ako ng iniisip. Sana hindi si Ynigo ang ama kung buntis man si Ciara. Ayaw ko ng may kahati ang mga anak ko sa atensyon ng ama nila!

Hindi ako tumuloy. Tumayo ako sa isang likuan papunta sa kabilang hall para magtago. I can't just go there! Ilang minuto ang hinintay ko. I walked back and forth, hindi alam kung anong gagawin.

Nang may marinig akong tumunog. Agad akong napatingin sa pintuan ng clinic ni Dra. Tiamzon. Lumabas doon si Ciara na nakangiti. Nanlaki ang mga mata ako, takot na baka makita niya ako dito. Tumalikod ako at halos patakbong lumabas ng building. Sumakay ako sa kotse at agad na sinabihan ang driver na umalis na doon.

His PropertyWhere stories live. Discover now