Chapter 7 - HP

9.5K 231 1
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nagawa na magtrabaho sa buong araw sa ganoong kalagayan. Sinubsob ko ang sarili sa trabaho. Hindi ko binigyan ng pagkakataon na pumasok sa isip ko ang mga nakita ko. Ngunit ng isang beses na tumawag si Kobe sa office ay hindi ko na napigilang mapaiyak ulit.

"Mommy why didn't you wake me up? I wish I could go there. I'm so bored here." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Nang narinig ko na ang boses niya ay naguunahan nang tumulo ang mga luha ko.

Tinakpan ko ang bibig ko ng sa gayon ay hindi niya marinig ang pag iyak ko.

Mabuti nalang at hindi ko sinama si Kobe. Ayaw kong makita na itinataboy siya ng kaniyang ama. Ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob dahil sa mga nakita niya dahil siya parin ang ama niya. My son deserves the world! May impit ng hikbi na tumakas sa bibig ko.

"Mommy are you okay?!" May narinig akong ingay sa background. Bakas sa tono ng boses nito ang pag aalala.

Hindi pa ako makacompose ng salita kaya hindi muna ako sumagot. Umiling ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita.

"Mom! Are you crying?!" Seryoso niyang tanong. Pinilit kong maging maayos ng sa gayon ay hindi siya mag alala.

"Y-Yes baby. Umm I have s-sonething to do. C-call you later."

"Okay mommy. I love you."

"I love you to Kobe." Pinatay ko agad ang tawag. Halos trenta minutos akong umiyak sa opisina ko. Hindi ko alam kung akong gagawin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Kobe ang tungkol dito. Umaasa siyang magiging maayos ang pamilya namin.

Nang umuwi ako ay si Kobe agad ang hinanap ko. Halos patakbo akong pumunta sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya habang nanunuod ng movie.

Agad ko siyang niyakap. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Nakahinga ko ng maluwag. He is my comfort zone.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ayaw ko sanang sabihin ngayong pero kung sasabihin ko sa mas lalong madaling panahon ay mas mabuti. Ayaw ko ring mag sinungaling. Hindi ko kayang magsinungaling sa anak ko.

"Baby, okay lang ba pagnagkaroon ako ng ibang boyfried?"

"Anong iba? How about my dad?"

"Uhh kobe." Paano ko ito ipapaliwanag. Sana ay maipaliwanag ko ito sa maayos na paraan para hindi magkaroon ng galit si Kobe sa ama.

"Mommy tell me the truth. Did he hurt you? "

"N-no baby. It's just that m-may iba ng mahal ang daddy mo." Humikbi na ako. Ang imahe nila ay paulit ulit na nagpeplay sa utak ko. Pinunasan ni Kobe ang mga luha ko gamit ang maliit niyang kamay.

"Though I wanted to be the only man in your life, I dont wanna be unfair. It's fine with me. But he must be worth it of my queen."

"Thanks baby. Ofcourse dapat magkasundo kayo."

"But mommy can you do me a favor? Just one last favor."

"Sure baby. Anything for you. What is it?"

"I want to see my dad. Okay lang na hindi mo ako ipakilala, mom. I just wanna see the person my mom loved the most."

Pumayag na ako. Isang maliit na pabor lang iyon kumpara sa malaking pabor na hinihingi ko, na hindi niya makakasama ang ama niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pagkinuha ni Ynigo si Kobe. Siya lang ang meron ako.

Kinabukasan. Maaga akong gumising dahil unang araw ni Kobe sa paaralan niya ngayon. Pinahanap ko ang pinakamagandang preschool dito at pina'enroll si Kobe kay Maria. Late enrollee siya ngunit na daan naman sa usapan kaya napasok siya.

"Babantayan mo si Kobe buong oras na nasa school siya. 8 am hanggang 11:30 am ang klase niya." Sabi ko sa bagong yaya ni Kobe. Siya si Rose. Mukhang mabait namam siya kaya agad na gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nasa mga 19-23 ang edad niya.

"Okay po ma'am. 24 - 7, Rose at your service." Nagsalute pa siya.

Bumaba na si Kobe ng hagdan kaya napaangat kami ng tingin. Ang anak ko na nakasuot ng kulay blue na polo, khaki shorts at top sider. Walang required na uniporme sa eskwelahan nila kaya naka sibilyan siya.

"Good morning baby!" Bati ko. Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo.

"Goodmorning mommy!" Maligayang bati niya. Napatingin siya sa katabi ko.

"Who is she?"

"Kobe eto pala ang bagong nanny mo. Si yaya Rose. Rose eto naman ang anak ko si Kobe."

"Hi po!" Nakangiting bati ni Kobe.

"Hi kobe! Nako ang gwapo mo!"

"Salamat po." He chuckled.

Napansin kong nakataas ang buhok niya. Naglagay siguro ng wax.

"Oh bakit nakataas ang buhok mo?"

"It's my first day of school mommy. I need to impress them."

"Anong impress impress ang sinasabi mo! Baka mamaya malaman kong may crush ka na ha!"

Nako. Sabi ko na nga ba! Ang bilis bilis lumaki ng anak ko. Baka mamaya magka girlfriend na siya! Hindi pa pwede!

"What's the problem with that? It's just a crush mommy." Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti bago kami iniwan at dumiretso sa kusina.

What the hell? No way. Ang bata bata pa ng anak ko. Akin na muna siya ngayon habang hindi pa niya nakikita ang babaeng makapagpapabaliw sa kanya. Dahil panigurado gagawin niya ang lahat para sa atensyon ng babaeng iyon.

"Wow ma'am! Ang cool naman po pala ni Kobe!"

"Anong cool don? Ang bata bata niya pa para magka crush!"

"Oo nga po. Nako! Excited na ako! Palalakihin ko po talaga ng maayos si Kobe!"

Naramdaman ko nalang na ligtas na ang anak ko. Mabait si Rose at panigurado, magkakasundo sila ni Kobe!

His PropertyWhere stories live. Discover now