Nagising ako sa isang lugar na kulay puti at brown ang dingding. Hindi ako tanga para sabihing nasa langit ako or whatever. Alam kong nasa ospital ako.
Napatingin ako sa buong kwarto. May mga prutas at bulaklak sa mesa katabi ng hinihigaan ko. May taong nakayuko at nakahawak ng mahigpit sa aking kamay. Nakasubsob siya sa kanyang mga kamay na nakapatong sa higaan.
Bumangon ako mula sa pagkakaupo, kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking noo. Sumakit ang balakang ko at ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Nanlalaki ang mga mata ko habang kinakapa ang tiyan ko. Hindi ko alam kung meron pa ba itong laman dahil hindi pa naman malaki ang umbok sa tiyan ko para malaman ko kung nawala ang laman.
Ngunit kahit hindi ako sigurado ay nagpapanic ako. May tumulong luha mula sa mga mata ko at dahil doon ay sunod sunod na ang paglandas ng luha. Mistulang gripo ito dahil dire diretso ang paglandas ng luha sa mga mata ko.
"Oh my God! Ang anak ko!" Umiiyak na sigaw ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung malaman kong nakunan ako. Kahit hindi ko na sabihin kay Ynigo na may anak kami, magwawala parin ako.
Please Lord. Don't take my baby.
Nagising si Ynigo na nakasubsob sa kanyang mga palad sa higaan. Nanlaki ang mga mata niya at tinawag ang doctor habang umiiyak parin ako.
"Ynigo! Nakunan ba ako?!" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. Pumasok ang doktor sa kwarto na may kasamang nurse.
"Dok where's my baby?! Nakunan ba ako? Dok answer me!" nagmamakaawa na ako. Nakatayo si Ynigo sa tabi ko na parang walang kaalam alam sa nagyayari.
May kung anong tinurok sa akin ang nurse. Sabi ng doktor ay mampakalama iyon at hindi mampatulog.
"Everything's fine misis. You still have your babies." Nakangiting sabi ng babaeng doktor.
Parang may kung anong natunaw sa sistema ko. Nakahinga ako ng maluwag kasabay ng pagkunot ng noo ko. I don't get it.
"Doc what do you mean, babies?" Nagtatakang tanong ni Ynigo. Wala na akong pake kung malaman man niya o hindi ang importante ay ligtas ang anak ko.
"I guess you're the husband. Your wife is 9 weeks pregnant with your twins, sir. Congratulations!"
Nagtiim ang panga at kumunot ang noo ni Ynigo at bumaling sa akin. Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong magplaniwanag ngayon. Hindi ito ang tamang oras at panahon.
Nagtaka ako. I know I'm pregnant pero hindi ko alam na twins pala ang dinadala ko. Oh my! God blessed me with another two angels.
Alam kong magagalit siya dahil hindi ko sinabi sakanya. Ang tanging pinagdadasal ko lang ngayon ay sana wag niya kami talikuran dahil nalaman niyang buntis ako. Hindi ko kayang makita na iniiwan niya ako. Na trauma na ako nung huli niya akong iniwan at hindi ko na kayang maulit pa ito.
"Thankyo---" magpapasalamat pa sana ako sa sinabi niya ngunit nagsalita si Ynigo.
"Doc okay lang po ba ang mga baby? Are their heartbeats fine? Are they healthy? Anong kailangan para maging healthy sila?" Tanong ni Ynigo. What? Pananaugtan niya. I was caught off guard. Damn. Ang kaninang natuyong luha sa pisngi ko ang nadagdagan. I can't believe na pananagutan niya ako!
"Just calm down daddy. I guess this is your first time to have a child. Okay naman po sila, their heartbeats are fine. But I wanna tell you that delikado ang nangyari kanina, kung hindi ganoon ka lakas ang impact baka wala na ang isa sakanila but you're so lucky na walang nangyaring masama. This cases are miracle. Please daddy, iwasan nating ma stress si mommy. Kung mangyari man ito ulit baka mawala ang isa sakanila or in worse case baka mawala silang dalawa. I'll recommend you to our OB here para siya ang kausapin niyo. We have the best technology here kumpara sa ibang mga ospital. You can know the gender of your babies even in the early stage of your pregnancy. Ngumiti at nagpasalamat ako sakanya bago siya lumabas. Si Ynigo ay tulala parin sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. I wanna tell him that I'm pregnant and his the father. Ngunit natatakot ako at hindi ko alam kung bakit.