"Oh my God! I can't believe we closed the deal!" Halos magtitili na ako dito
Well this is my first time to close a deal. Hindi naman ako business minded masyado dahil noon, ang pagaalaga lang kay Kobe ang inaatupag ko
He was just sitting there while drinking his coffee. Hindi niya ako pinansin. Sumasakit ang puso ko dahil wala akong alam behind his cold treatment to me!
There's no harm in trying right? Try to ask him monique. Umupo ako sa tabi niya. He was just looking outside the glass wall.
"Ynigo is there something wrong? You're acting cold to me. May ginawa ba akong mali?"
His jaw clenched. He looked away avoiding my gaze. I can't understand him! Para akong tanga dito! Nagbabakasakali na pansinin niya but what did I received? Nothing.
I felt like something stabbed my heart! Here we are again. Back to silent treatment. Kung makaasta siya parang hindi niya ako kilala. Kung alam lang niya kung gano ka sakit na nagmumukha kang tanga dito. Walang ka alam alam sa nangyayari
"Damn it! Ynigo kung may problema ka sakin sabihin mo hindi basta basta mo nalang akong iniiwasan! Halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit ka nagkaka ganito!"
"Really Monique?! Don't act as if you don't know why I'm treating you this way! At kung may nagmumukha mang tanga dito ako yun! Don't like you're the one who've been betrayed! " I didn't get what he said. Nag init ang sulok ng aking mga mata. I was in a verge of crying. Ayaw ko namang makita niyang umiyak ako. Ayaw kong maisip niya na mahina ako. Na dahil sa awa ay magiging mabait siya sa akin. Maybe he just need time. At sana kung may ginawa man akong mali ay mapatawad niya ako. Kahit alam kong wala akong ginawang mali
"I-I am sorry. Uhh may bibilhin pa ako. I...I need to go." Hindi ako makatingin sa mga mata niya
"Now I'm time's up? Oras niya naman?! Damn it monique. Ang dali dali lang para sayo noh! Go." Aniya. His hands into fists at bakas sa mukha niya na galit talaga siya
What was he saying? Hindi ko maintindihan.
"What? H-Hindi kita maintind----"
"Hindi kita kailangan dito. Umalis ka na. Have fucking fun!" Taas baba ang dibdib niya. This time alam kong nagpipigil siya.
Damn! It hurts! Was he just using me? Mabait lang siya kung may kailangan siya sa akin. Ano pampainit lang ako ng gabi niya?
Tumayo ako at tinalikuran na siya. Doon biglang bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan
Totoo ngang wag maging sobrang saya dahil paniguradong makakaramdam ka ng sakit sa huli. Happiness doesn't last. Kakambal ng kaligayahan ang pagdurusa
I took a cab papuntang hotel. Inayos ko ang mukha ko habang nakasakay ako sa elevator. Dapat mawala lahat na bakas na umiyak ako dahil panigurdo magaalala na naman si Kobe
Naabutan ko silang naglalaro ng bahara ni Rose. Nang nakita ni Kobe ako ay tumakbo siya sakin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo
Kung hindi man kami magwork ni Ynigo okay lang atleast I have my baby. At dahil hindi pa kami nakakalabas na magkasama ni Kobe ay inaya ko siyang mamasyal at syempre kasama si Rose
Dali dali naman silang naligo at nagbihis. I was sitting on the couch nang lumabas sa kwarto si Kobe. Naka khaki shorts, blue polo shirt at crocs lang siya. Naka taas rin ang buhok niya at amoy na amoy ko ang bango ng perfume niya.
Suddenly I wanna cry. Lumalaki man talaga ang anak ko. I don't know why I'm so emotional this past few days. Binuka ko ang mga braso ko, wanting to hug my baby boy
"M-mom! Why are you crying?!" Nagulat si Kobe ng tumulo ang luha ko kaya ayan nababalisa na naman siya! I really love my baby. Ayaw na ayaw niyang nakikita na umiiyak ag babaeng mahal niya. I wonder kung sino ang makakatuluyan ng anak ko. She will be so lucky to have my baby boy! Ano ba to! Bakit future na agad ang iniisip ko? Matagal pa iyon monique! Akin na muna ang anak ko
"Nothing. It's j-just.... ang bilis lumaki ng anak ko." Ngiti ko habang ine examine ang mukha niya. Ang lakas talaga ng dugo ni Ynigo. He got almost all of the facial parts Ynigo has.
"Mom." Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng mabuti. He wiped my tears away. Nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tenga ko. He kissed my forehead bago nagsalita
"Mom kahit na magbinata, magka girlfriend o magka asawa na ako, I will still be your baby boy." Aniya
This is why I really love my son. Hindi siya katulad sa ibang nga bata na ayaw magpatwag na baby. Kahit lunaki na ang anak ko ay proud parin siya na siya ang baby ko
"Promise? I love you baby."
"Promise. I love you more mom."
Nang ready na kami ay lumabas na kami ng hotel. This day was fun kahit ilang ulit akong umiyak. Ang sarap lang magbonding kasama ang anak ko. Marami kaming ginawa. Nag Ice skating, sumakay ng rides, nagfoodtrip, nag arcade, nanuod ng sine, nagshopping. At dahil gabi na at pagod na kaming tatlo ay sumakay kami ng cab papunta na sana sa hotel ngunit nahagip ng mata ko ang isanang restaurant kung saan nanggaling ang napakaraming usok. Pinahinto ko ang cab at sinabihan ko silang doon nalang kami kumain. Mabuti nalang at wala kaming dala dahil pinadeliver nalang namin sa hotel room namin ang aming pinamili.
Pumasok kami sa restaurant at bigla akong naglaway nang ma amoy ko ang sobrang nakakatakam na maanghang na ramen. Mukhang may iniihaw rin silang streetfoods sa labas kaya lalo akong nagutom.
"Order anything, ako ang magbabayad." Sabi ko habang nakatingin sa ramen na customize. Yes. Dahil costumize ay ikaw ang pipili kung anong gusto mong ilagay sa ramen mo. Mas lalo tuloy akong natakam. Nag order si Rose at Kobe ng mga streetfoods, mayroon ring mga seafoods lalo na ang malaking inihaw na pusit.
Habang namimili ako ng gusto kong ilagay sa ramen ko ay kukunin ko na sana ang cabbage para ilagay sa bowl ko nang nagdalawang isip ako. Cabbage is my all-time favorite vegetable kaya nagtataka ako kung bakit tumabang bigla ang aking panlasa at ayaw ko ng cabbage ngayon. Weird.
Pinili ko ang iba't ibang mga gulay at nilagay sa bowl ko. Kung iisipin ko ay arang hindi bagay ang mga gulay na pinaghalo ko pero anong magagawa ko, iyon ang gusto kong kainin. Pinili ko rin ang extra spicy na beef na sabaw para sa ramen ko. Sht! Naglalaway na ako! Agad akong naghanap ng mauupuan at walang patubiling hinigop ang sabaw. Kahit mainit ay hindi ko alintana dahil sa gutom. Mabuti nalang at malamig rin kaya saktong sakto ang maanghang at mainit na ramen sa gabing ito. Kumakain rin ng ramen at barbeque sina Kobe at Rose
"Nako ate mukhang gutom na gutom ka ah." Puna ni Rose
Napatingin rin ako sa ramen ko na malapit nang maubos. Ang bilis ko namang kumain. Bago ko palang ito inorder eh. Di bale. Oorder ako ulit.
"Oo nga eh. Gusto niyo pa? Mag oorder pa ako ng isa."
"Okay lang ate. Busog na ako." Sabi ni Rose
"Busog na rin ako. Thanks mom." Sabi ni Kobe habang kinakagat ang pusit
"Oh okay. Wait. Oorder pa ako ng isa." Sabi ko at pumunta sa counter para mag order pa ng isa. Hindi ko alam pero nag order pa ako ng isa pa, pina take out ko nalang. Ibibigay ko nalang siguro ito kay Ynigo para peace offering.