Sa sumunod na araw ay unuwi na kami ng Pilpinas. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni Kobe na umiyak ako kagabi. Kinapalan ko lalo ang foundation sa mukha ko para hindi makita ang namumugtong mga mata ko.
Nang lumapag ang eroplano sa airport ay ginising ko na ang anak ko.
"Baby wake up. Nandito na tayo." Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at ilang ulit pa siyang kumurap bago naka adjust ang mga mata sa ilaw. Nagstretch siya at tumayo na.
"Mom where's your friend?" Tanong ni kobe habang palabas kami ng airport.
Friend? Sino namang friend ang ibig niyang sabihin? Si Isaac? Uncle naman ang tawag niya dito hindi friend.
Nalungkot naman ako ng natandaan ko na may maliit na away pa pala kami ni Isaac.
"Friend? Si Uncle Issac?"
"Nope. Yung kasama mo sa business meeting?" Takang tanong niya.
Napalunok ako sa tanong niya. He was wondering kung nasaan ang lalaking kasama ko sa pagclose ng meeting. Wala siyang ka alam alam na ama niya ang tinutukoy niya.
"Ha? Ah.. Na-Nauna na siguro. I'm not sure baby."
Tumango tango naman siya. Hindi na nag abalang magtanong pa. Hinanap namin ang susundo sa amin.
Hindi parin mawala sa isip ko na iniwan ako ni Ynigo. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Nagtatalo ang dalawang bahagi sa isip ko kung kokomprontahin ko na siya kung bakit siya galit o hindi. Hindi naman siguro makatarungan na hayaan ko lang siyang magalit sa akin gayong hindi ko alam ang dahilan.
Yung pakiramdam na iniwan ka sa ere? Siguro noon hindi ko maintindihan ang pakiramdam dahil hindi ako makarelate pero ngayon? Naiintindihan ko na ng buong buo. I really didn't expect it. Kahapon nabubuhay ako na malaya, hindi ako natatakot kung anong mangyari bukas ngunit ngayon parang kahit halos maliit na galaw na ginagawa ko, iniisip ko kung anong mangyayari bukas. Natatakot akong maiwan.
Nararamdaman kong nag iinit na naman ang bawat sulok ng aking mga mata. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa malayo.
It all brought the past back. Noong high scool palang kami na halos hindi kami mapaghiwalay sa sobrang possessive namin sa isa't isa, noong hindi sinasadya na mabuo si Kobe sa condo niya, noong pikit mata ko siyang iniwan sa loob ng kwarto para sumama sa US, noong unang lakad, unang tawa, unang salitang binigkas ni Kobe na kasama ako, noong kaarawan ni Kobe na ang tanging hiling niya makilala ang ama, noong unang pagtagpo namin ni Ynigo mula ng bumalik kami, noong inamin ko sakanya na mahal ko parin siya, noong may nagyari ulit sa amin ng ilang beses hanggang ngayon na iniwan niya ako sa ere.
Pilit kong inalis ang mga alaalang pinagsamahan namin. Mahal ko siya at kahit anong sakit ang idulot niya sa akin siya at siya parin pero kung hindi pareho ang nararamdaman niya sa akin hahayaan ko siya. Kung saan siya masaya. Kung kami magiging kami. Hanggang sa huli siya at siya ang mamahalin ko. I'm proud to say na kahit hindi kami magkatuluyan, once in my life I had him. Na dumaan sa buhay ko ang isang Silver Ynigo Zamora. Ang lalaking pinakamamahal ko na minsan ay sinaktan ako.
It's already 6 in the morning ng nakasakay kami sa sasakyang sumundo sa amin. Nang nakarating kami sa bahay ay agad kaming pumunta sa kusina para kumain. Binuksan ko ang ref para magsalin ng tubig mula sa pitsel ngunit nang umiinom na ako ay bigla akong nahilo dahilan para mabitawan ko ang baso ng tubig. Napahawak ako sa refrigerator habang ang isang kamay ko ay nasa ulo.
"Mom!" Biglang lumapit si Kobe sa akin at hinawakan ako sa braso. Pag aalala ang nakikita ko sa mukha niya
"Mommy! Are you okay? Anong nangyari?" Dali dali ring lumabas ang mga kasambahay dahil sa narinig na pagkabasag.
"Ate okay lang po kayo?" Aniya.
"Sorry. O-Okay lang. Medyo nahilo lang ako. Jetlag siguro." Kibit balikat na sabi ko. Niligpit ng ibang kasambahay ang bubog na nagkalat sa sahig
"Mom you better sleep. Ate Rose paki dalhan nalang si mommy ng pagkain sa taas." Ani Kobe
Hinatid niya ako sa kwarto. Naka hawak siya sa magkabilang braso ko at sobrang pagiingat na dinala ako sa kwarto. Parang babasagin naman ako nito!
"Baby I'm fine. Nahilo lang ako. Jetlag lang iyon, ipagpapahinga ko nalang ito."
"No mom mamaya ka na matulog. Kumain ka muna, walang laman ang tiyan mo." Napabuntong hininga nalang ako sa asta ng aking anak.
Pinakain ako ng anak ko kahit kaya ko namang kumain mag isa. Pinayagan ko nalang ang ka sweetan niya. Hindi kami pumasok sa araw na iyon. Si Kobe ay buong araw na nagbantay sa akin. Na wweirdohan ako sakanya. Panay ang sabi ko sakanya na okay lang ako ngunit ayaw niyang magpaawat. Alam konh jetlag lang iyon dahil nung dumating ang gabi ay naging mabuti naman ang pakiramdam ko.
Sapat na ang oras na ito para hindi ako umiyak sa pag iwan sa akin ni Ynigo.
Kinabukasan ay nagbihis ako para sa normal na araw. Hinanda ko ang sarili ko para sa panibagong araw na ito.
Pumasok ako sa opisina at nagulat ako dahil paglabas ko ng elevator ay tumambad sa harap ko ang mga lamesa na puno ng mga pagkain.
Kinuha ni Maria ang bag ko para ihatid sa table at bumalik agad para sumali sa kasiyahan.
"Congratulations everyone!" Bati ni Mrs. Baes myembro ng board, sa lahat
"I guess it's right to celebrate para sa pagkakaclose ng deal. Congratulations!" Bati ni Mr. Te sa akin. Nginitian ko naman siya bilang pasasalamat
"Ah oo. Congrats sa ating lahat hindi lang naman kami ni...ni Ynigo ang nagpakahirap. Ginawa natin ang lahat para maipakita na worth it at mapagkakatiwalaan ang kompanya natin." Tinaas ko ang glass na may laman na champagne
"For the better and brighter company!" Sigaw ni Mr. Te
"For the better and brighter company! Cheers!" Kanya kanyang sigaw. Diretso kong ininom ang champagne sa glass ko at agad hinanap ng paningin ko si Ynigo. Ang iba ay nagsimula nang kumuha ng kani kanilang pagkain
Gusto ko siyang puntahan. I wanna ask him if what's his damn problem!
I made my way to his office. Medyo malayo layo ang lugar na pinagsasayahan nila sa office ni Ynigo dahil dadaan ka pa sa mahaba habang hall way. Kumatok ako nagbabakasakaling nasa loob siya. Kumatok ulit ako ng mas malakas ngunit walang sumasagot. Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng may narinig ako. Parang may kung anong kumalabog sa loob. Tila nag ugat ang mga paa ko sa sahig dahil sa iniisip. No mali ako ng iniisip. It can't be!
Buong tapang kong binuksan ang pintuan ng dahan dahan. Sa una ay malalaking bintana lang ang nakita ko dahil ito ang kaharap ng pintuan ngunit nang may marinig akong umungol ay namutla ako.
Pumasok ako at humarap sa kanan. Lalo akong namutla sa nakita. Si Ynigo naka dungaw sa tabi ng mesa kung saan nakahiga si Ciara na halos hubo't hubad. Hinahalikan ni Ynigo ang leeg ni Ciara habang si Ciara naman ay ginugulo ang buhok ni Ynigo na mukhang sarap na sarap.
Sa gulat ko ay walang luhang tumulo sa mga mata ko. Napa kurap ako ng ilang beses bago pinakawalan ang kanina pa palang pinipigilang hininga. Lumunok ako at kinagat ang ibabang labi. Napagtanto ko na hindi niya ako mahal. Sex lang ang gusto niya sa akin! Walang hiya siya! Binigay ko sakanya ang buong puso ko, pagka birhen ko, kaluluwa ko at kahit katawan ko tapos gagaguhin lang pala niya ako! Bullshit!
Kumuyom ang aking kamay ng umungol ulit si Ciara. I clenched my jaw. Damn it! Kung umungol siya parang sarap na sarap siya. Gusto ko siyang sampalin at lahat lahat ngunit hindi gumagalaw ang mga kamay at binti ko.
Hindi nila alam na may nakatingin sa kanila dahil tutok na tutok sila sa pagbibigay ng kaligayahan sa isa't isa. Para akong tanga na nakatayo at nakatingin lang sakanila.
Yumuko ako. Damn! Ang sakit. Kumikirot ang puso ko. Parang may kung anong tinusok dito at ganito ka sakit. May isang luhang lumandas sa pisngi ko kaya napagpasyahan ko nang umalis doon. Tumakbo ako sa pinakamalapit na cr. Nagkulong ako sa isang cubicle para hindi maagaw ang atensyon ng mga board members at mga office workers.
Let them enjoy there what so called heaven! Giving pleasure to each other! Fuck her! Fuck him! Malay ko namang kung saan iyon papunta. Baka tumuloy iyon sa sex. Of course! Knowing Ynigo hindi niya mapipigilang ang sarili kung nandyan na siya! And of course that bitch who only wanted Ynigo's attention! Magsama kayo!