Chapter 48 - HP

8.2K 138 6
                                    


Hinatid niya ako sa bahay sa gabing iyon. Hindi parin mawala sa isipan ko na liligawan niya ako. Hindi ko alam kung liligawan niya ako dahil mahal niya ako o hindi niya kayang malayo sakanya ang nga anak namin. Ni hindi ako naka angal at kung tumutol man ako hindi parin siya makikinig. Pinagsawalang bahala ko iyon ng nakauwi na ako. Bahala siya sa buhay niya basta ako magpapatuloy ako sa buhay ko.

Mabuti nalang at paguwi ko ay natutulog na si Kobe. Nagulat ako ng nakita kong naka upo sa sala si Isaac. Hindi ko alam na hinintay niya pala ako.

"Isaac." Napa angat siya ng tingin ng nagsalita ako. Halos makatulog na siya sa sofa ngunit nang dumating ako ay napa upo siya ng maayos.

"I tought you already went home. Hindi mo man lang ako tinext na hihintayin mo ako." Sabi ko kay Isaac. Napa kamot siya ng ulo.

Napatingin ako sa mukha niya. Halos hindi ko na siya makilala dahil sa pasa at mga cut sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ni minsan ay hindi ko nakitang may maliit na galos siya sa mukha.

"Uhm I just want to talk to you. Kumain ka na ba?" Aniya. Tumango ako at umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto ko. Narinig ko ang mga yapak niya na nakasunod sa akin kaya hindi ko sinarado ang pinto.

"Anong nangyari? Anong sinabi niya sayo? May ginawa ba siyang masama?" Sunod sunod niyang tanong.

"Wala Isaac. He just explained his side and I also did. Sabi niya...... gagawin niya ang lahat para makuha ako ulit." Halos pabulong kong sabi. Alam kong magagalit si Isaac. Hindi ko naman kayang magsinungaling sakanya.

"What? He's insane! Pagkatapos ka niyang saktan babawiin ka niya ulit? Tangina niya! Hindi yan pwede sakin! I'll fight fair! I'm gonna court you, Monique. I will do my best to win your heart." Napatingin ako sakanya.

"You're not serious right?" Kunot noo kong tanong. Alam naman niyang hanggang kaibigan lang ang turing ko sakanya. Ayaw ko siyang umasa at masaktan.

"Yes I am. I can't just sit there and wait for you to get hurt again. Hindi ko na kayang tignan ka lang at sasaluin ka tuwing sinasaktan ka niya. Mas mabuti nang mabasted kesa hindi ko sinubukan."

"But Isaac.... alam mo namang kaibigan lang diba? Ayaw kitang masaktan." Mahina kong sabi. As much as possible ayaw ko siyang umasa kaya mas mabuti nang sabihin ko ngayon.

"Alam ko. Pero masakit, Monique. Yung nakikita kitang sinasaktan ng gagong iyon at wala akong magawa para ipaglaban ka. Natuturuan ang puso kaya baka sakali.... baka sakaling mabaling sakin ang pagmamahal mo." Yumuko siya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. He's always been a good friend to me at ayaw kong masira ang kung ano mang mayroon samin ngayon.

"Isaac...."

"No monique. Don't stop me. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapasaya ka, I'll fight fair. Please think about your decisions. I love you." Huling sinabi niya bago niya ako tinalikuran. May luhang tumulo sa mata ko habang pinipihit niya ang door knob.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Siguro dahil nasasaktan ako para kay Isaac o dahil sa buntis ako. Hindi ko naman hahayaang basta basta nalang akong magdesidyon. Sususndin ko kung anong sinasabi ng puso ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humiga sa kama. That night I cried myself to sleep. I prayed to God na sana maging okay na ang lahat. Sana masabi ko na lahat ng mga sikretong tinatago ko, sana wala nang maging hadlang sa buhay ko, sana maging masaya kaming lahat at sana bigyan niya ako ng lakas para harapin ang kinabukasan.

"Ohhh! Ahh Ynigo!" Napatigil ako ng may marinig akong boses galing sa kwarto namin ni Ynigo.

"Uhhh shit. Go on!" Ungol ng babae. Naestatwa ako ng makilala ko ang boses. May luhang tumulo mula sa mga mata ko dahil sa iniisip.

His PropertyWhere stories live. Discover now