Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko kanina. Baka dahil sa tequila o dahil sa ayaw ko lang talaga sa babaeng yon.
Hindi ako nananampal. Alam kong hindi ko dapat siya sinaktan. Babae rin siya kagaya ko! Shit wrong move monique!
Nang lumabas ako ng CR ay agad kong hinanap ang anak ko. Pumunta ako sa mesa kung saan naka upo ang mga kamag anak ni Isaac.
Luminga linga ako para hanapin si Kobe. Baka nakatago lang or what. Pero ng hindi ko siya mahanap ay nangamba na ako. Nagikot ako sa buong venue at sa di kalayuan ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko na hawak hawak ang kamay ng anak namin. Nagtago ako sa likod ng malaking halaman.
Tumulo ang luha ko. Nagkaharap sila. Hindi nila alam na magama sila. Destiny will finds it way!
Lumuhod si Ynigo sa harap ni Kobe. Nakita kong nag uusap sila. Pinunasan niya gamit ang kanyang daliri sa mga mata ni Kobe.
Namumula ang ilong ni Kobe sa pag iyak. Kahit namumula ito ay kitang kita mo talaga ang pagkakapareho ng mga guhit sa mukha nila.
Nakita kong ginulo niya ang buhok ng anak namin at binuhat niya ito. Nilibot nila ang buong veneu siguro ay nagbabakasakali na nay makitang kakilala. Habang ako naman ay nakasunod sa malayong likod nila.
Tinuro ni Kobe ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Lumapit sila don. Binaba ni Ynigo si Kobe at siya na mismo ang kumuha ng pinggan para paglagyan ng pagkain si Kobe. Nagugutom na ang baby ko. Sana magkasama kami diyan ngayon na pinapakain ang anak namin. Hinawakan ni Kobe ang pantalon ni Ynigo habang kumukuha siya ng pagkain. Nang natapos silang kumuha ng pagkaim ay hinawakan ni Ynigo sa Kobe sa kanan niyang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa pinggan. Umupo sila sa round table kung saan may dalawang babae na naka upo. Naghagik hikan naman ang mga babae habang pasulyap sulyap sa mag ama. Nang natapos kumaim si Kobe ay pinunasan ni Ynigo ang labi niya gamit ang kanyang panyo.
Dumating bigla si Isaac. Nagulat siya sa nakita. Kinuha niya ang anak ko mula kay Ynigo. Anong ginagawa niya?!
Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ni Ynigo ng bigla ni Isaac kinuha di Kobe. Nag usap sila na hindi ko narinig dahil malayo ako at sapat lang para makita sila.
Nang umalis si Ynigo ay agad akong lumapit sa kanila.
"Mommmyyy!" Anang kobe
"Baby! I'm sorry!" Hingi ko ng paumanhin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Mommy I can't breathe." Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya pero hindi parin kumakawala. Paano nalang kung kunin siya ni Ynigo sakin?! Hindi ko kaya!
"Uhh monique. Kobe got lost. Binigay s-siya sak-in ni Mr. Diamante." Sabi ni Isaac. Base sa nakita ko, si Ynigo ang nagbigay kay Kobe sakanya. Bakit iba ang sinabi niya?
"Wag nalang muna natin yan pag usapan. Uuwi na kami ni Kobe."
Napagdesisyonan kong umuwi nalang kami. Pagod na ako ngayong araw na ito dahil sa kakaiyak. Ganitong oras rin si Kobe natutulog kaya malamang ay naaantok na siya ngayon.
"I'll drive you home."
"Hindi na. Okay lang. It's your moms birthday dapat nandito ka."
"Please monique. Babalik rin naman ako pagkatapos ko kayong ihatid."
Hindi na rin ako nagpumilit pa. Gaya ng sabi ko pagod na ako.
Hinatid niya kami sa bahay. Si kobe ay nasa backseat, siguro ay nakatulog na dahil naririnig ko ang mumunti niyang hilik. Habang ako ay naka upo sa front seat.
Pagod na talaga ako. Parang mahuhulugan na ako ng mata. Nilalabanan ko ang antok ko dahil ko dahil gusto ko pang magpasalamat ng pormal kay Isaac sa pagimbita samin at paghatid na rin.
Medyo malayo layo pa kami sa bahay kaya't napag isipan kong ipon ang topic tungkol sa sinabi niya kanina.
"Bakit ka nagsinungaling sakin, Isaac?" Basag ko sa katahimikan.
"W-what?" Napatingin siya sakin habang nagmamaneho. Baka mabangga kami nito!
"Wag mo kong tignan Isaac. You're driving."
"Yung tungkol sa nagbigay kay kobe sayo. Alam ko. Nakita ng dalawang mga mata ko na ang ama niya ang nagbigay sakanya sayo."
"U-uh." He stuttered.
"Sabihin mo ang totoo! Bakit ka nagsinungaling?" Medyo nawawalan na ako ng pasensya. Bakit kasi kailangan niya pang magsinungaling?! Naging matalik ko siyang kaibigan dahil alam kong totoo siya. At kaulanman ay hindi siya nagsinungaling sakin!
"Isaac answer me. Bakit ka nagsinungaling? Kung hindi ko pa pala nakita kanina, hindi mo sasabihin sakin na nagkita na ang mag ama?!"
Tinigil niya ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay namin.
"I'm sorry monique! I just can't stand seeing that asshole's face!"
"That asshole your referring to is my son's father! How could you Isaac? Pinagkatiwalaan kita."
"Please monique! I'm sorry. Gusto ko lang kayo ilayo sakanya! He's with this girl lately. Ayaw kong masaktan kayo dahil may iba ng mahal-----"
"Stop!" Mariin kong sabi. Hindi. Hindi ko kayang marinig ang katotohanang may mahal ng iba ang pinakamamahal ko!
"No, you need to hear this! May iba nang mahal si Ynigo, hindi niya kayo kayang bigyan ng buong pamilya---"
"I said stop!" Mariin akong pumikit. Pabulong na sigaw lang ang aming ginagawa. Ayaw kong marinig ni Kobe na nag aaway kami.
"No monique! The truth is, may iba na siyang mahal! Kailangan niyo nang mag move on! Hindi niya na kayo kailangan dahil bubuo rin siya ng sarili niyang pamilya---"
"I said stop it! Just shut up!" Tuluyan nang tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha.
Truth fucking hurts!
"Akala ko kaibigan kita Isaac? Bakit mo ito sinasabi sakin?!"
Hinawakan ako ni Isaac sa magkabilang balikat.
"Yes i'm telling you this as a friend. Pero hindi lang pagkakaibigan ang turing ko sayo! I love you monique! Kaya ko kayong panagutan ni Kobe!"
"You know i can't."
"Hindi mo kaya kasi hindi mo pa nasusubukan. Why won't you try me monique? Try me!"
"Wala na akong susubukan Isaac. I love Ynigo. It will always be him." Suminghot pa ako. Napatingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa manibela habng nakayuko. Na awa ako sa best friend ko.
Lahat ng sinasabi ko ginagawa niya. Pero ako kahit isang bagay na hilingin niya ay hindi ko maibigay. Anong klaseng kaibigan ako?
"I'm sorry Isaac."
"No it's okay monique. Alam kong siya parin. Sinubukan ko lang, i thought I can change your mind." Malungkot niyang sabi.