Chapter 17 - HP

9.2K 203 4
                                    

Papunta kami ngayon sa ZGOC building. Nagdadrive ako habang si Maria ay nasa tabi ko na may kung anong sinusulat sa kanyang planner.

Ala una kanina ng hapon ng nagpatawag ng meeting para sa members ng board si Ynigo. Ang alam ko ay kailangan naming planuhan ang pagkukumbinsi sa isang dealer. Sobrang laki ng deal na ito kaya kailangan naming pagtuonan talaga ng pansin.

It's 3 in the afternoon kaya tirik na tirik ang araw ngayon dito sa metro manila. Naka white sleevless top, high waist pants at black pumps ako. Tinernohan ko rin ito ng black sunnies ko.

Hininto ko ang sasakyan ko sa harap ng ZGOC building. Agad akong bumaba at gayon din si Maria. Kailangan namin magmadali ngayon dahil ang alam ko ay ngayon araw rin ako ipapakilala sa board bilang new stockholder ng ZGOC at ang pangalawa sa may pinakamalaking shares mula kay Ynigo.

Hinagis ko ang susi ng aking kotse sa guard at agad naman niya iyon sinalo.

Dumiretso kami sa 40th floor. Si Maria ay nasa tabi ko habang nasa elevator kami. Hindi pa kami nakakaakyat papuntang 40th floor ay biglang bumukas ang elevator at nagulat ako sa bumungad sakin. Si ynigo. Napasinghap ako sa nakita. Ang gwapo niyang tignan sa bagong gupit na clean cut niyang buhok, naka tuxedo siya habang seryoso ang tingin. Agad dumapo ang kanyang tingin sakin, naglakbay sa katawan ko pabalik muli sa mukha ko.Bahagya aking umatras na nagsasabi pumasok siya.

Namula ang pisngi ko habang nakatingin sakanya. Na alala ko ang huling pagkikita namin. Yung akala ko hahalikan niya ako ngunit hindi naman pala. Ngumiwi siya sa aking reaksyon.

Ilang hakbang ang ginawa niya para makapasok, tumabi siya sakin. Binalot ng bango niya ang apat na sulok ng elevator na ito. Napasinghap si Maria kaya napatingin ako sa kanya. Pinilig niya ang kanyang ulo para makatingin kay Ynigo. I know she's attracted to him. Well everyone is!

I swear ito na yata ang pinakamatagal na sakay ko sa elevator. Pinakmatagal ngunit ayaw ko naman matapos. I want to feel his presence all the time.

"Goodafternoon, Ms. Clavel. I guess you're here for the meeting, right?"

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin kaya mas pinili kong wag na tumingin sakanya. Diretso ang tingin ko. Baka kung suklian ko ang kanyang tingin ay mapapalaway lang ako.

"Goodafternoon. Yes, I'm here for the meeting. Ano pa ba ang pupuntahan ko dito?" Napalunok ako sa sariling binitawan na mga salita. Hindi ko sinsadyang maging harsh.

"Bakit? Hindi mo ba ako pwedeng bisitahin? Pwede naman ah." Nakita kong ngumuso siya at nagtaas ng kilay.

"Huh? Bakit naman kita bibisitahin? Your busy. Your a business tycoon at wala kang oras para sakin----"

"What? Sino nagsabi sayo niyan? I can always give time for you. I can even give up my career for you." Kibit balikat na sabi niya.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos lumabas na ito sa dibdib ko dahil sa halu halong emosyon. Totoo ba? Totoo ba ang mga sinasabi niya?

May parte sakin na sinasabing totoo ito dahil nararamdaman ko talaga. Ngunit may parte rin sakin na nagsasabing hindi totoo dahil wala akong basehan.

Hindi na ako nakasagot pa dahil bumukas ang elevator at pumasok ang ibang mga employado. Binati naman nila si Ynigo.

"Good afternoon sir."

"Good afternoon boss."

Siniksik nila kami hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit na braso ni Ynigo na nakadikit sa balat ko. At dahil naka sleevless top ako ay ramdam na ramdam ko ang tigas ng braso niya. Napakurap ako ng maramdaman ko ang kamay niyang dahan dahan gumapang bewang ko. Napatingin ako sakanya sa gulat.

Nilapit niya ang mukha niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

"I want you monique. I want you mine." Bulong niya.

Bakit parang ang bilis. Parang kailan lang niya ako tinaboy sa bahay niya ngunit hindi pa kami nagkakaliwanagan ay sinasabi niyang gusto niya akong angkinin!

Parang huminto ang oras at natigilan ako sa sinabi niya. Bago pa man ako makareact ay sumabay na siyang lumabas sa mga employadong lumabas na rin.

"Ma'am, let's go?" Napatingin ako kay Maria na kanina pa pala hinihintay ako.

Dahan dahan akong tumango at nagsimulang maglakad papuntang board room. As expected ay naroon na ang lahat ng board memebers. Magkasunod lang kami ni Ynigo na umupo sa kanya kanyang upuan. Siya ang nasa dulo ng mahabang lamesa at ako naman ang sunod sa kanya.

Napatingin ang mga myembro ng board sakin ang iba ay nagbubulong bulongan pa. Taka ang makikita mo sa kanilang mga mukha.

"Mr. Zamora hindi pa tayo pwedeng magsimula dahil wala pa si Mr. Lee, Mr. Lao at Ms. Corpuz" Ani ng isang matandang katamtaman ang kulay ngunit halata sa tindig nito na hindi siya matanda.

"Everyone, gusto kong malaman niyo na wala na si Mr. Lee at Mr. Lao."

Sari saring reaksyon ang mga narinig ko sa buong board room.

"What?"

"Bakit wala na sila?"

"What do you mean Mr. Zamora?"

"May bumili na sa kanilang shares. I want you to meet the new member of the board of Zamora Group of Companies and also the second highest share holder sa ZGOC, Ms. Xandra Monique Clavel the CEO of La Filipina Clavel Corporation." pagpapakilala ni Ynigo sakin.

Ngumiti ako at bahagyang yumuko.

"Goodafternoon to all." bati ko

"The CEO of LFCC? You can invest on the other bigger companies. Why here?" Tanong ng isang Chinito. Mukhang nasa parehong edad lang rin kami.

"Are you insulting my company, Mr. Te?"matalim na sabi ni Ynigo.

"N-no. Sorry." hinging paumanhin niya. Tinignan ko muna si Ynigo bago bumaling kay Mr. Te

"I guess this is not the right time to talk about it. We'll talk about it later Mr. Te." ngiti ko. Tinignan naman ako ni Mr. Te. I didn't like how he look at me. Malagkit siyang tumitig na para bang may tinatago siyang baho.

"Sure we will--" hindi ko na siya pinatapos

"So let's start?" Taas kilay kong tanong. Nabigla ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang babaeng kasama ni Ynigo sa party ang babaeng nakita ko sa bahay niya, ang babaeng sinasabing girlfriend niya.

"Goodafternoon. Sorry I'm late!" maarte niyang sabi

What the hell?

His PropertyWhere stories live. Discover now