Chapter 4 - HP

10.6K 253 2
                                    

"Mommy wake up!"

Naalimpungatan ako ng may marinig akong boses.

"Mommyyyy! Wake up!" Niyugyog ako ni Kobe. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang nakaluhod si Kobe sa higaan ko. Nakanguso pa siya.

"Hmm?" Hinalikan niya ako sa noo. Nang hinalikan niya ako ay hindi ko na siya binitawan. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. I just wanna cuddle with my baby.

"Goodmorning! Mommy bumangon ka na! You'll be late for work!" Giit niya.

"No one will get mad at me kahit na malate ako baby. Hmm." Wala sa sarili kong sabi.

"Mommy get off me and take a bath na. Sasama ako sayo sa office!" Maligaya niyang sabi habang kumakawala sa yakap ko.

Napamulat naman ako dahil sa sinabi niya.

"What? Why?"

"I will surely get bored here mommy. Kaya instead na maglaro ako dito buong araw, sasama nalang ako. Atleast I can entertain you there."

"You're right. Your idea sounds good."

"Kaya mommy gumising ka na! I'm excited to see the company."

Umupo na ako sa kama at tinignan siya. Readyng ready na ang baby ko. Halatang kakatapos niya lang maligo dahil makikita kong basa pa ang buhok niya. I can smell his shower gel.

"Fine. Sige na bumaba ka na. Maliligo na si mommy."

Gumapang siya sa kama ko at bumaba sa sahig. Binuksan niya ang pinto. Akala ko lalabas na siya ngunit lumingon pa siya bago tuluyang lumabas.

"Make it quick mommy. Love you!" Kumindat pa siya bago tuluyang lumabas. Napabuntong hininga ako. Just a great way to start my day.

Naligo na ako at nabihis ng pormal na damit. Ito ang una kong pagkakataon na tumapak muli sa kompanya mula nung umalis kami papuntang States.

Nang bumaba ako ng sasakyan ay naabutan kong nanunuod ng tv si Kobe. Nang narinig niya ang aking mga yapak at napaangat siya ng tingin. Ngumiti siya. Naningkit ang mga mata ko sa kanyang ngiti.

"Now I know where I got my perfect looks." Pa tango tango niyang sabi. Abaa! Nagiging mahangin na ang anak ko.

"Aww. I didn't know my baby is self conceited." Biro ko.

"I'm just stating the obvious mom." Kibit balikat niyang sabi.

"Nagiging mahangin ka na baby.Sinong nagturo sayo niyan?"

"Uhh Uncle Isaac."

Lagot talaga sakin yang Isaac na yan! Kung anu anong tinuturo sa anak ko!

Bigla namang sumulpot si Manang Trinidad mula sa kusina.

"Good morning hija. Kumain ka na."

"Okay lang po manang. Sa opisina nalang po ako kakain. Si Kobe po ba naka kain na?"

"Oo. Ang aga ngang kumain. Nauna pang gumising samin." Humalakhak siya. Mukhang excited talaga ang baby ko ah!

Hinatid kami ng driver sa tapat ng kompanya. Binuksan ng guard ang pintuan ng kotse at bumaba agad kami ni Kobe. Magkasabay kaming naglalakad habang hawak ko ang maliit niyang palad.

"Good morning madame!"

"Good morning ma'am!"

"Welcome back po madame!"

Kanya kayang bati ng mga employado. Nginingitian ko nalang silang lahat dahil hindi ko naman kayang sagutin silang lahat.

Masasabi kong naghanda talaga sila sa pagdating namin dahil lahat ng employado ay nakatayo sa labas ng kani kanilang cubicle. Panay ang kanilang bulong-bulongan habang tumitingin sa anak ko.

Sumakay kami ng elevator patungong 35th floor. Buong 35th floor ay opisina ko.

Madalang lang ang pumapasok sa floor ko. Kung may dadalhin or ihahatid lang ang rason kung bakit sila pumapasok sa floor ko kaya laking gulat ko nalang ng maraming employado ang nakita ko pagbukas ng elevator. Sumabog ng makukulay na papel.

"Welcome back ma'am Xandra!" Sabay nilang bati. Nakikita ko ang mga mukha ng ilang malalaking investor na naririto.

"Thankyou everyone!" Pasasalamat ko. Si Kobe naman ay panay naman ang kuha sa kanyang DSLR.

Sumulpot si Isaac sa harap ko at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik

"Ikaw ang nagplano nito?"

"Ofcourse. The one and only!" Ngiti ngiti niyang sabi. Napangiti na rin ako sa pinapakita niya.

"Teka! May kasalanan ka pa pala sakin! Kung ano anong tinuturi mo sa anak ko! Nagiging mayabang!"

Napakamot siya sa ulo.

"Sorry naman. Hindi ko alam na matatandaan niya eh!"

"Aba't! Anong akala mo sa anak ko, matanda?!"

"Hindi. Sorry na nga monique!"

Napahiwalay nalang kami ni Isaac ng may nagflash sa mukha namin. Kinuhanan kami ng litrato ni Kobe. Tinignan niya ang sariling kuha at napailing.

"You two don't look good together. Tsk tsk tsk" pa iling iling niyang sabi.

"Anong sabi mo?!"

"I said, You two dont look good together. Ang bingi mo Uncle Isaac!" Tumawa ang baby ko. Nadala na rin ako sa tawa niya habang si Isaac ay namumula na sa inis.

His PropertyWhere stories live. Discover now