Chapter 31 - HP

8.2K 163 3
                                    

Weeks have past pero ganon parin ang trato ni Ynigo sa akin. Iinisin niya ako to the point na nagiging personal na ang pinaguusapan tapos aalis siya na parang walang nangyari. Lagi niya ako iniiwan na galit, frustrated, dumbfounded at lahat na pinaghalong masasamang ekspresyon. Pagkatapos ay iiyak ako magdamag. Then the same thing follows.

Isang umaga nagising nalang ako na parang naduduwal. Hindi pa ako tuluyang gumigising ay tumakbo na ako papunta sa cr.

Napaupo ako sa sahig ng cr nang natapos ko na ilabas. Damn! Pakiramdam ko wala nang laman ang tyan ko. Pakiramdam ko nilabas ko na pati bituka, atay, puso at lahat ng tubig siya tyan ko. I feel ko weak.

Shit! Bakit ba ako naduduwal? Oh my God! No! Am I pregnant?!

Naalala ko na nag babago ang ang panlasa ko. Instead of hot coffee, I choose sour beverages. Tumatabang ang panlasa ko, nagiging emotional ako at ngayon na naduduwal ako. Oh my God! I am 80 percent sure I am dahil ganitong ganito ang naranasan ko ng pinagbubuntis ko si Kobe.

Bakit ba hindi ko man lang naisip na baka buntis ako? Kahit kailan hindi ko siya nakitang gumamit ng condom kaya malaki ang posibilidad. I need to make sure kung buntis nga ba talaga ako. Pregnancy Test! Mabuti nalang at sabado ngayon kaya hindi ko kailangang pumunta sa opisina. Pupunta ako mamaya sa mall at para bumili ng PT at para mamasyal na rin kasama ang anak ko.

What if I'm not pregnant? Edi mas mabuti. But what if I am? Itatago ko na naman siya mula kay Ynigo? I'm pretty sure that Ynigo is the father. I've never slept with any other guys.

Oh my God please help me. I know things happen for a reason. At sana ang rason na iyon ay mabuti para sa anak ko at sa akin. I don't want to ruin things. Sana walang maging problema. Please.

"Mom are you okay? You look pale." Ani Kobe habang kumakain kami ng agahan

"I'm fine baby. Do want to go with me shopping after this?"

"I'm cool with it. I can accompany you anywhere today mom." Aniya

"Alright. You get yourself ready after eating okay?"

Tumango siya. After we ate, sinabihan ko si Rose na sumama sa amin ng sa gayon ay may kasama si Kobe mamaya kung bibili ako

It took us only 20 minutes to arrive at the malls. Mabuti nalang at hindi traffic kaya nakarating kami ng mas maaga kaysa sa inaasahan ko.

Una kaming pumunta sa toy store dahil atat na atat na si Kobe na bilhin ang isang laroang baril. Alam kong gustong gusto niyang humawak ng totoong baril ngunit laroang baril nalang muna dahil bawal pa sa edad niya ang humawak at gumamit ng totoong baril.

Habang tumitingin sila ng ibang laruan ay naisipan kong baka ito na ang tamang oras par bumili ako

"Baby may bibilhin muna si mommy okay?"

"Ha? Okay." Kibit balikat niyang sabi

"Rose ingatan mo si Kobe. Bantayan mo baka mawala siya. Baby, mabilis lg si mommy okay? I'll be back." Hinalikan ko siya sa noo. Umalis na ako ng toy store at pumuntang Watsons

Nagdadalawang isip ako ngayong nandito na sa harap ko ang Pregnancy Test. Part of me says na gusto kong malaman kung nagdadalangtao ako pero may part din na hindi. Ayaw kong magtago ng responsibilidad ngunit ayaw ko ring sabihin kay Ynigo dahil siguradong isa sa dalawang bagay ang gagawin niya. Ang una ay pag aawayan namin ang custody, ayaw ko namang dalhin sa korte ang kasong ito. Ang bata pa ng mga anak ko para sa mga away na yan. Pangalawa, tatakbuhan niya ang responsibilidad bilang ama sa anak ko.

Sa huli at naabutan ko nalang ang sarili ko na binabayaran ang tatlong PT. Nilagay ko ang plastic na may lamang PT sa loob ng bag.

Habang naglakakad ako papunta sa toy store ay namataan ko si Kobe, Rose at Isaac sa labas ng toy store. Hawak hawak ni Rose ang plastic na pinamili nila. I'm pretty sure na si Isaac ang nagbayad ng mga iyan dahil hindi ko binigyan ng pera si Rose para sa mga laruan ni Kobe dahil babalikan ko naman sila.

Nang nakalapit na ako ay halos pasigaw na sibabi ni Kobe ang pangalan ko dahilan para mapatingin sila sa kinaroroonan ko.

Yumuko si Isaac at napatingin sa sapatos niya. Inangat niya ang kanyang tingin ng naka lapit na ako. Lumunok siya..

Bakas sa kanyang mukha ang pagpapumanhin sa mga sinabi niya sa akin sa huli naming pag uusap. Siguro ay nagguilty siya. Nagguilty rin ako dahil pinaalis ko siya sa room namin ng galit. Dapat bumawi ako sakanya.

"Mommy nakita namin si Uncle Isaac! He's awesome! Binili niya ang nga laruan nato para sakin." Ngiti ni Kobe na nakaturo sa mga plastic na hawak ni Rose

"You shouldn't have bought that. Babalikan ko naman sila, may binili lang ako."

"Ah. Ano okay lang. Libre ko na yan kay Kobe na miss ko siya eh." Aniya habang kamot kamot ang likod bg leeg niya

"Kahit na. You shouldn't have bothered." Ayaw ko lang magkaroon ng utang ma loob ako o ang anak ko.

"Just drop it. Para naman iyon kay Kobe. Ano kobe? Ayos ba?" Baling niya kay Kobe. Nag bro fist sila at tumawa. Umiling nalang ako.

It's 11 and I'm already starving. Naisipan kong imbitahan si Isaac, after all he's still my friend.

"So uhm we're planning to eat our lunch here and I thought, maybe you wanted to join us?"

Mukhang nagulat siya sa alok ko. Baka lang naman. Kung ayaw niya edi wag.

"But if you're busy then it's fine--"

"What? Of course not. I would be very glad to join you for lunch." Aniya

Pumunta kami sa isa sa paborito kong restaurants. It's an Italian restaurant. Pag pasok na pag pasok pa lang namin ay maaamoy ko kaagad ang halimuyak ng nga pizza, brew coffee at aroma ng mga garlic bread. Kumuha ako sa waitress na nakaabang sa glass door ng libreng croissants at garlic bread.

"Welcome to Aroma Pastas Ma'am Monique and Sir Isaac." Ani ng waiter

Suki kami ni Isaac dito. High school pa ako ng nadiskubre ko ang restaurant na ito. Dito ako palaging nag aaral at nagkakape kahit nung hindi ko pa nakikilala si Ynigo.

Nginitian ko ang waiter at iginaya niya sa amin ang table na may apat na upuan na katabi ng ceiling to floor window.

Umorder ako ng ravioli para sa aming tatlo at pizza para sa aming lahat habang si Isaac ay nag order ng creamy chicken pasta.

Our lunch went well hanggang sa napagpasyahan naming umuwi. Dahil hinatid kami kanina ng driver ay nagpresenta si Isaac na ihatid kami pauwi. Pumayag naman ako. Nang nakarating kami sa bahay ay pinasok niya ang automatic namin na gate at hininto sa garage ang sasakyan niya. Naunang bumaba si Kobe at Rose. Sinadya ko iyon para makapag pasalamat at para maka hingi rin ako ng paumanhin sa inasta ko nung nasa Korea kami.

"Ahh." Sabay namin sabi. Nagkatinginan kami at hindi ko napigikang tumawa, maging siya ay natawa rin

"Mauna ka na." Aniya

"Okay. Salamat paghatid at sa araw na ito Isaac. And sorry sa inasta ko nung nasa Korea tayo." Yumuko ako

"Ako dapat ang magsorry hindi ko sinadyang makialam sa buhay mo. I'm just concerned."

"It's okay. Alam ko namang concerned ka sakin but please supportahan mo nalang ako sa ginagawa ko."

"Alright. I'll support you whatever it is. Just....just be careful."

"I will take note of that. Thankyou Isaac." Sabi ko bago lumabas ng sasakyan at pumasok na sa loob.

His PropertyWhere stories live. Discover now