Kinabukasan, ang unang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ng anak ko kagabi, naisip kong kailangan kong bumawi sa anak ko. Maaga akong nagising para magluto ng paborito niyang ulam.
Nang bumaba ako ay dumiretso ako ng kusina at naabutang umiinom si Rose ng tubig. Ang aga aga pa ah.
"Ayyy! Goodmorning ate!" Mukhang nabigla ko siya. Agad niyang nilapag ang baso niya sa kitchen counter at ngumiti sakin.
"Goodmorning. Ang aga mo nagising ah?"
Naglakad ako papunta sa ref at kinuha ang mga sangkap para sa sinigang na baboy at sisig. Mula nung natikman ni Kobe ang sinigang ay palagi niya na akong kinukulit na ipagluto siya ngunit minsan ko lang siya napagbibigyan dahil minsan ay nagmamadali ako sa trabaho at gabi narin ako kung umuwi
"Hindi na po kasi ako makatulog ate. Ah ate tulungan na kita, ano bang lulutuin mo?" Lumapit siya sakin kaya binigay ko sakanya ang mga gulay na hawak ko.
"Sige salamat. Sinigang at sisig para kay Kobe. Kamusta pala si Kobe sa school?"
Sinimulan na namin ang paghiwa ng mga gulay at baboy.
"Okay naman po ma'am. Palagi siyang may stamp. May barkada na rin po siya." Aniya. Napabaling naman ako sakanya ng nakakunot noo
"Barkada?" Tanong ko
Kinder palang yan ha! Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Ang babata pa lang kung anu ano nang nalalaman
"Ah eh hindi naman po sa barkada parang ano lang.... parang friend circle lang po. Ang astig nga po eh, si Micheal at Miguel ,si Zeon at Zico si Sebastian at Abraham si Kobe lang ang hindi kambal sa grupo nila." Manghang manghang sabi niya.
"Really? Hindi niya na kwento sakin."
"Pano po sa umaga maaga po kayong umaalis, sa gabi naman po hindi niya kayo naaabutan. Hindi naman po sa nanghihimasok ako ate."
Damn! Eto na nga ba ang sinasabi ko. Sa oras na magtrabaho ako ay mawawalan na ako ng oras sa anak ko. I need to manage my time properly. Ayaw kong maramdaman ng anak ko ang nararamdaman ng ibang bata na nangungulila sa kanilang mga magulang.
"No...it's okay. Pwede mong sabihin ang opinyon mo."
"Kasi ate tuwing gabi hinihintay niya kayong umuwi, minsan naabutan ko siyang natutulog sa sofa kaya inakyat ko na sa kwarto niya. Baka namimiss niya na po kayo. Umm bonding po ganun."
Napaisip ako sa sinabi ni Rose. I need to give time for him. We need time.
"Goodmorning baby!" bati ko pag bukas pa lang ng mga mata niya. Ilang ulit siyang napakurap bago bumaling sakin.
Umupo siya ng maayos at hinalikan ako sa noo.
"Goodmorning. Mom I think you should go now, you'll be late for work." Napatingin siya sa bedside table kung saan ang clock. It's already 7:30. Mostly 7 o'clock kasi ako ng umaga umaalis
"Hindi baby. Ako ang maghahatid sayo ngayon sa school."
Bumuntong hininga siya bago ako tinignan ng mabuti. Ang tingin na may halong sinseridad at lungkot
"Mom if you're doing this because of what I told you yesterday, don't be. I was just stating my opinion. I didn't mean to bug your conscience."
Hinawakan ko ang dalawa niyang maliliit na kamay.
"Kobe hindi sa ganon. Anak kita kaya may karapatan kang malaman. Ipapakilala ko rin siya sayo pero hindi pa ngayon ang tamang panahon."
Ngumuso siya. Hindi siya sumagot kaya itinuloy ko ang sasabihin
