Chapter 42 - HP

9K 182 4
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng may ngiti sa mukha. Una kong ginawa ay tinignan ang lowbatt kong phone sa tabi ng unan. Hmm nakatulog kaya ng maayos si Ynigo? Anong oras kaya siyang natulog?

Hindi matanggal ang ngiti sa aking mukha. Ilang ulit na nagrereplay ang mga sinabi ni Ynigo sa akin kagabi. Kahit may parte sa aking hindi pa lubusang naniniwala ay gusto ko paring subukan. Mahal na mahal ko siya sa puntong kaya kong i'take ang risk. Susubukan ko ngayong mahalin si Ynigo ng walang pagaalinlangan.

Masigla akong nag ayos para sa araw na ito. Sinuot ko ang itim kong dress na bigay pa ni daddy noong nabubuhay pa siya. Hindi siya ganun ka fit sa katawan ko kumpara sa iba kong mga dress. Pinili ko ito dahil kahit simple lang siya, magaling naman ang pagkakatahi at ang cut nito sa ilalim na nagmumukhang magaan. At syempre pinili ko ito dahil nagmumukha akong sexy sa damit na ito, hindi halata na tumataba na talaga ako. Nag sandals ako, may maliit na ribbon iyon sa harap.

Napagpasyahan kong pumasok sa opisina. Sa palagay ko, ito ang magiging huling araw ko sa opisina. Siguradong pagbabawalan ako ni Ynigo. Sa umagang iyon ay sumabay ako sa paghatid ng driver kay Kobe at Rose sa eskwelahan nito. Huminto ang driver sa tapat ng lobby ng eskwelahan.

"Bye baby. Pakabait ka ha! Makinig sa teacher at wag na wag magloloko, okay?" pangaral ko bago sila lumabas ng sasakyan.

"Mabait naman ako ah? Haay yes mom! Take care. Love you." Ngumiti si Kobe sa akin bago ako hinalikan sa noo at bumaling sa tiyan ko.

"Bye brothers! Ingatan niyo si mommy ha. Alis na si Kuya." Hinalikan niya ng dalawang beses ang tiyan ko bago nagpaalam na lumabas.

"Love you too! Mag ingat kayo, Rose!" Pahabol ko. Ngumiti sa akin si Rose bago sinamahan si Kobe papasok. Nakita kong may kasabay na dalawang lalaking magkamukha si Kobe papasok. Yan siguro ang sinasabi ni Rose na barkada ni Kobe. Nagbro fist pa sila bago sabay na pumasok. Napailing nalang ako.

Hinatid ako ni Manong sa tapat ng ZGOC building. Nagpasalamat ako bago lumabas. Kanya kanyang bati at ngiti ang mga empleyado sa akin. At dahil maganda ang simula ng araw ko ay nginingitian ko silang lahat. Pagdating ko sa office ay nakita kong nakaupo na si Maria sa table niya sa labas ng opisina ko.

"Goodmorning, Maria." Bati ko at kumuha ng coffee at doughnut na para sa lahat na nasa mesa.

"Goodmorning ma'am. Wow ma'am blooming tayo ngayon ah?" Binati niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Guni guni mo lang yan." Pumasok ako sa office ko. Kumunot ang noo ko ng may nakita akong makukulay na tulips sa mesa ko. Inamoy ko iyon bago hinanap kung may letter iyon. Napangiti ako tuwing naiisip ko na baka galing ito kay Ynigo. Binasa ko ang nakasulat sa papel.

To my lovely wife na ayaw magpatawag na wife. Well fiancee pero soon to be wife naman kaya payagan mo muna ako ngayon. Always keep in mind na mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Mga babies, wag niyong pahirapan si mommy, bubuoin ko ang mga buto niyo mamaya. Mag eexcercise tayo mamayang gabi! Have a great day beautiful! :)

Napangiti ako ng mabasa ko ang kanyang sulat. Walang nakasulat na pangalan pero sa sulat kamay at mensahe palang ng sulat ay alam ko na kung sino. Namula ako ng nabasa ko ang sinabi niyang mag eexcercise kami mamayang gabi. Adik talaga ang lalaking iyon!

Naisipan kong tawagan siya para magpasalamat sa pinadala niyang bulaklak ngunit naka ilang ring na ito ngunit hindi niya parin sinasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit ni isa ay hindi niya sinagot. Kumunot ang noo ko. Baka may meeting lang? Nag aalala ako. Kahit naman nasa meeting siya ay sinasagot niya ang mga tawag ko. Kahit busy siya, sasagutin niya parin. Para hindi na ako mag alala ay napagpasyahan kong puntahan nalang siya sa kanyang opisina.

His PropertyWhere stories live. Discover now