Chapter 8 - HP

9.6K 235 3
                                    

Ngayon ang sinasabi ni Isaac na kaarawan ng kanyang ina. Pagod kaming dalawa ni Kobe. Galing siya ng school habang ako naman ay galing sa trabaho.

Hindi ko parin maiwasan na hindi isipin na may iba ng mahal si Ynigo. Siguro ako lang talaga ang may problema. Sinuway ko ang utos niyang waga akong umalis noon kaya siguro ito nangyayari sakin ngayon. Naka move on na siya. Ako lang talaga ang hindi. Nasa akin ang problema.

Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay ng sa gayon ay makalimutan ko siya kahit sa madaling panahon lang. Dahil alam kong hinding hindi ko na siya makakalimutan. Naka'ukit na ang pangalan niya sa puso, utak at sistema ko.

"Mommy let's go?" Kinuha niya ang kamay ko at iginaya ako papuntang pintuan.

Pormal ang kaarawan ng ina ni Isaac kaya naka puting tuxedo na may kapares na itim na bow si Kobe ngayon habang ako naman ay naka kulay champagne na long gown. Backless ito at marami itong sequence. Kulay champagne ito ngunit parang nagiging silver dahil sa mga repleksyon ng mga ilaw na tumatama dito.

Hinatid kami ng driver sa Royal Garden. Isa itong malaking building kung saan mayroong maraming Hall.

Sa labas palang ng pintuan papunta sa partyng iyon ay matatanaw mo na ang mga naglalakihang chandeliers na kumikinang. Marerelax ka talaga sa tunog palang ng music sa loob ng party. Isa iyong classic song na tinugtog ng mga instrumento.

Pagpasok namin ay agad bumungad samin ang mga mukha ng mga kilalang business man. Nandoon ang mga sikat na business tycoons. Elegante at magaganda ang mga dumalo. Kitang kita sa kanilang aura ang pagiging makapangyarihan.

"I'm glad you came monique! Hey Kobe." Bungad ni Isaac sa amin. Nagbro fist naman sila ni Kobe.

"Ofcourse. I should not miss Tita Kristina's birthday!"

"You look gorgeous as ever." Bulong niya habang niyayakap ako.

"Ehem! Mommy please don't let go of my hand. I'm scared i'll be lost." Singit ni Kobe. Humiwalay ako kay Isaac at tumingin kay Kobe.

"Just hold my hand tight baby." Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Nakaupo lang kami ni Kobe buong program. Nagsalita ang mga kamag anak ni Isaac sa harap. Nagbigay rin ng matamis na mensahe ang daddy ni Isaac. And as the only son, nagpeech rin si Isaac sa harap.

Dinala niya kami sa table kung saan nakaupo ang mga magulang at mga kamag anak niya.

"Oh! Monique hija! I miss you!" Anang mommy ni Isaac. Naka pulang long gown siya na may mahabang slit sa likod. Mukha siyng dyosa.

Nakipag beso ako sakanya at sa lahat ng mga tao na nandoon sa table na iyon kaya medyo matagal pa ako nakapagreply sa sinabi niya.

"I miss you too tita! Happy Birthday!"

Si Kobe naman ay nagmano sa lahat ng mga tao na nandoon sa mesa. Nakita kong kinurot pa ng tita ni Isaac ang pisngi ng anak ko. Napangiwi si Kobe sa sakit at binigyan nalang sila ng isang pilit na ngiti. Ayaw na ayaw talaga ng anak ko na kinukurot ang pisngi niya.

"Kobe hijo! Bakit ka nagmano sakin? Ang bata bata ko pa para imano."

"I know lola. You look young as Uncle Isaac." Ngiti ng anak ko.

Lola na ang tawag ng anak ko sa mommy ni Isaac. Kahit ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang lola ay napilit siya ni Kobe dahil pagpapakita raw ito ng respeto sa mas nakakatanda sakanya. Halos lahat ng mga kamag anak ni Isaac ay nakilala ko na at masasabi kong gusto nila ako lahat para kay Isaac. Kahit na may anak na ako ay botong boto parin sila sakin para kay Isaac.

"Anong sinabi mo Kobe? Na matanda na ako dahil parang magkasing edad na kami ni mommy?"

"What did you just said Isaac? Excuse me anak. Bata pa kaya ako!" Giit ng mommy ni Isaac. Somehow I miss my parents lalong lalo na si mommy.

"Nothing mom! I said your beautiful." Ani Isaac at hinalikan ang mommy niya sa pisngi. How sweet of him.

Pumunta muna ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at inumin. Lumapit ako sa mga inumin dahil nanunuot ang lalamunan ko.

Iniwan ko muna si Kobe sa mga kamag anak ni Isaac. Hindi naman siya siguro mawawala doon. Babalikan ko nalang siya mamaya dahil na aaliw pa sila sa anak ko.

Napatingin ako sa malayong lalaki na nakatalikod sakin. Perpekto ang hubog ng kanyang katawan. Alam kong si Ynigo iyon! Ngunit ayaw kong isaksak sa kokote ko dahil nakita kong nakahawak siya sa bewang ng isang babae. Siya yung babaeng nakita ko sa bahay ni Ynigo nung isang araw! So confirmed, sila talaga!

Sumikip ang puso ko. Halos hindi ko makahinga dahil sa pinipiglang emosyon. Kahit anong sabi ko pala sa sarili ko na kailangan ko nang mag move on, na wag ko nang isipin si Ynigo ay masakit parin pala. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay may ginawa akong masama para maramdaman ito.

Tumulo ang luha ko. Wala sa sarili kong kinuha ang dalawang shot ng tequila. Ininom ko iyon at agad na naramdaman ang init sa sikmura ko.

Tumakbo ako papunta sa pinaka malapit na CR.

Doon ko ibinuhos ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan.

Ayaw kong may iba siyang hinahawakan, kayakap at kahalikan! Ayaw ko dahil sa tuwing nakikita ko iyon ay parang gusto ko nalang mamatay dahil sa sakit. Kung wala ang anak ko ngayon ay siguradong gumuho na ang buhay ko.

Nagpapasalamat ako sa diyos at nandito ang anak ko. Siya ang magbibigay ng lakas sa akin araw araw. Siya ang nagbibigay sakin ng dahilan para magising sa bawat araw na nagdaan.

Halos trenta minutos na akong nakatayo sa harap ng salamin sa cr. Inayos ko ang sarili ko. Baka hinahanap na ako ng anak ko. Ayaw pa naman niya na naiiwan siya. Kagaya ni Ynigo. Ayaw na ayaw niyang naiiwan. Inayos ko ang nasira kong make up. Nagretouch ako. Pero habang nagreretouch ako ay may biglang pumasok. Hindi na ako nag abala pang tumingin dahil nagmamadali ako.

Napa angat lang ako ng tingin ng nagsalita siya.

"Wait. Your familiar." Hindi ko siya sinagot. Hindi naman siya nagtatanong eh.

"Oh right! Ikaw ang babaeng pumunta sa bahay ng boyfriend ko the other day right?! Ikaw ang isa sa mga naikama ni Silver diba?" Maarte niyang sabi. Hindi ako kumibo. Pinagpatuloy ko ang pagreretouch.

"Kinakausap kita. Wag kang bastos. Ahh ganyan pala talaga ang mga mahihirap, mga bastos dahil walang pinag aralan." Bumaling ako sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kong manabunot!

"Excuse me?" Hindi ba niya ako nakikilala?

"Pa english ka pa ngayon! Alam ko kung bakit ka nandito. Probably, kasama ka ng isang mayamang business tycoon. Alam mo na, pang kama, a prostitute for short---" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay lumagpak na ang kamay ko sa pisngi niya dahilan para ma out of balance siya. Humawak siya sa dingding ng cr nang sa gayon ay hindi matumba. Nanlaki ang mga mata niya. Nakita ko ang bakas ng pagkakasampal ko.

How dare she call me a prostitute! If I know siya ang pokpok dito! Gusto ko siyang sabunotan! Nanggagalaiti na ako sa galit. Sigurado akong sobrang lakas ng pagkakasampal ko.

"How dare you?!" Galit niyang saad.

"No. How dare you! Hindi ako pokpok! Baka nga ikaw pa itong pokpok sating dalawa!"

Pinagtaasan niya ako ng kamay ngunit agad kong nahuli ang kamay niya. Hinawakan ko ito ng sobrang higpit. Napangiwi siya.

"Ikaw na rin ang nagsabing isa ako sa mga naikama ng boyfriend mo. So ibig mong sabihin marami nang babae ang boyfriend mo! Maawa ka naman sa sarili mo. Nagpapaalipin sa taong hindi ka naman mahal! Wag kang tanga!" Sigaw ko sa mukha niya. Nakikita ko sa mga mata niya na gigil na gigil na siyang awayin ako.

"Ang isang hindi ko lang maintidihan ay kung bakit niya ako pinalitan ng gaya mo! Papalitan na nga lang niya ako, sana pumili naman siya ng kasing taas ng standards ko!" Tinulak ko siya bago ko tinahak ang daan palabas.

His PropertyWhere stories live. Discover now