"Maria please review my schedule for today."
"2 pm with Mr. Tamesaku, 4 pm meeting with the board. Only that ma'am!" napatango ako. Si Maria ang sekretarya ko.
Kung nagtataka kayo kung nasaan ang anak ko, sinama siya ni Isaac. Pinasyal niya ang anak ko sa buong kompanya. Mabuti nalang at nandito si Isaac dahil kung nandito si Kobe ay paniguradong maiinip lang siya. Kanina ng kasama nila ako habang naglilibot sa buong kompanya ay pinapaliwanag ni Isaac ang mga malalaki at maliliit na bagay tungkol sa kompanya. Mabuti na rin na habang bata pa siya ay matutunan na niya lahat ito. Sakanya ko rin ipapamana lahat ng ito.
Pagkatapos ng salo salo kanina ay niligpit na namin ang mga pagkain at sinimulan na ang trabaho. Bawat oras ay sobrang halaga sa negosyo.
Napa angat ako ng tingin sa pintuan ng narinig ko itong bumukas. Niluwa nito ang anak ko na may dalang chocolate ice cream. Lumapit ako sakanya at lumuhod sa harap niya.
"Oh. Where's Uncle Isaac?"
"I don't know. Sabi niya may kakausapin lang daw po siya." Kibit balikat na sabi niya. Oh. Maybe just a client.
"Okay. So how's your tour in the company?"
Iginaya ko siya sa sala ng aking opisina. Kumuha siya ng mansanas doon at kinagatan iyon. Ang cone nalang ang natitira sa kaniyang kaliwang kamay habang ang mansanas naman ay nasa kanan niyang kamay.
"Fine. Mahirap siguro magtrabaho dito. Almost all of the people out there are busy."
"Ganyan talaga dito baby. Bawat segundo ay mahalaga talaga. Kung hindi ka gagalaw, walang mangyayari."
"Kung hindi ka gagalaw walang mangyayari. Okay. Mommy can I barrow your secretary for a while?"
"Bakit?"
"It's kinda boring here so I will go out for a while."
"Saan ka naman pupunta? Hindi mo kabisado dito."
"That's why your secretary will accompany me. Out of the company. Maybe mall? Or Jollibee!" Maligaya niyang sabi sa naisip niyang ideya.
Napansin ko mula nung umuwi kami dito sa Pilipinas ay lumakas nang kumain si Kobe. Mula sa isang pinggan ng kanin ay nakakatatlo na siya. Maybe sometime, ipagluluto ko siya ng paborito kong pagkaing pilipino.
"Hmm sige. Maria samahan mo nalang si kobe. Here's my credit card gamitin niyo pagkailangan niyo" inabot ko kay maria ang credit card ko.
Nang umalis sila ay pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Nang matapos ko nang pirmahan ang iilang papel ay naisipan kong puntahan si Isaac para ihatid ang mga papeles. Kasi nga wala si Maria dahil sinamahan niya si Kobe. Okay lang naman sakin na ako ang maghatid dahil nangangalay na ako sa kakaupo dito.
Lumabas ako ng opisina ko at pumasok sa ikalawang elevator. Habang nasa elevator ako ay nakita ko ang sarili ko sa dingding ng elevator. Sinuklay ko ang mahaba at wavy kong buhok gamit ang aking mga daliri. Siguro kailangan ko na magpagupit. Halos hanggang bewang na ang haba ng buhok ko.
Nang tumunog na ang elevator ay naglakad agad ako palabas ng elevator ngunit hindi pa ako makakalimang hakbang mula ng lumabas ako ay napatigil ako sa nakita ko.
Halos lumundag ang puso ko sa aking nakita. May isang luha na tumakas mula sa mata ko. Tila na pako ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko ito magalaw. God, I miss him so much. Mas tumangkad siya, mas nadepina ang panga niya at makikita mo talaga ang hubong ng katawan niya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko si siyang yakapin ngunit parang napako yata ako sa kinatatayuan ko.
Tumingala siya at nakita ko ang kaniyang adam's apple na gumalaw.
Nang bumalik ako sa katinuan ko ay halos tumakbo ako sa distansya namin. Ang una kong pagtapak ay siyang una rin niyang pagtapak papasok ng elevator. Sumigaw ako pero huli na ang lahat. Nakatayo nalang ako sa harap ng pinasukan niyang elevator.
Sht. Ang sakit. Akala ko makakausap ko na siya. Sa tagal ng panahon na nagkahiwalay kami, siya parin kaya ang ynigo ko? Ako parin kaya ang mahal niya. I wish.
Wala sa sarili akong pumasok sa office ni Isaac. Bakas ang gulat sa mga mata niya.
"M-Monique!! Kanina ka pa-pa nandyan?" Wala sa sarili akong umiling. Parang tinangay ang kaluluwa ko. Nasayang ko ang pagkakataong magkausap kami! Just damn it!
Bumunting hininga siya. Parang nawalan ng tinik. Mas mabuti narin siguro na hindi ko muna sabihin kay Isaac na nakita ko si Ynigo dahil baka pangunahan niya ako sa desisyon ko.
"Nga pala monique, birthday ni mommy sa Wednesday. Invited kayo." Aniya sabay abot ng pulang envelope na may nakasulat na "Kristina Grande" pangalan ng mommy niya.
"Sige pupunta kami. I- I just came here para ihatid ang mga papeles nato. Wala kasi ang secretary, ko pinsyal si Kobe."
"Ahh. Sana tinawagan mo nalang ako. Your the boss here dapat ako ang pumunta sayo, sa office mo."
"No. It's fine."
Hanggang sa matapos ang lahat ng mga meeting ko ay wala parin ako sa sarili.
Bukas. Bukas ko siya pupuntahan sa bahay nila!