Chapter 41 - HP

8.5K 178 10
                                    

"I wanna read all of this but you're not living with me." Naka ngusong sabi ni Ynigo.

He's the best view ever. Kahit galit, masaya, tumatawa at ngayong naka nguso. He never failed to be so hot and drop dead gorgeous. Para bang walang ka effort effort ang kanyang mukha. Kahit bagong gising siya ay gwapong gwapo pa rin.

"Sayo na muna yan. Ibalik mo nalang sakin pagkatapos mong basahin."

"No. We'll get your things and you'll move in my house."

Napatingin ako sakanya. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ganon ka dali iyon. Hindi ko basta bastang iiwan si Kobe!

"What? No! Hindi iyon madali gaya ng iniisip mo!" Iling ko

I can't believe him!

"Why? Ilang buwan na man lang ang bibilangin at magkakaroon na tayo ng pamilya. Magpapakasal tayo as soon as possible." Kibit balikat niyang sabi. Parang ang dali dali lang sabihin para sakanya.

"What? No! Hindi ako magpapakasal!" Bago ko pa maisip ang sasabihin ay bigla itong lumabas sa bibig ko. Naihinto ni Ynigo ang sasakyan at kunot noong napatingin sakin.

"What do you mean? I love you and I don't want to have an legitimate child! I thought you love me? Bakit ayaw mo magpakasal sakin?" Bigo ang kanyang mga mata ng tinanong niya ito sakin. Hindi ko alam ang sinabi ko. Nabigla lang ako. Hindi pwedeng basta basta akong magpapaksal.

"What? Of course I wanted to get married! A--All I mean is ayaw kong magpakasal ngayon. Ayaw kong maglakad ng malaki ang tyan." Paliwanag ko. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok.

"I really don't get it why you don't want to get married with me. Look, kahit malaki ang tyan mo, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae okay? They're all nothing compare to you! Don't be insecure!" Aniya. I know he's so frustrated right now.

"What? Of course not! I'm not insecure!" I lied. Hindi makapaniwalang sabi ko!

"Yes you are. We'll get you're things and you're moving in. Magpapakasal rin tayo. End of story." Aniya at pinaandar ang makina ng kotse.

Nag igtung ang panga ko. He can't just control me! This is my life at ako ang magdedesisyon at hindi sila!

"You know what? You're a control freak! Gusto mo ikaw palagi ang nasusunod! This is my life at ako ang magdedesisyon at hindi ikaw!" Sigaw ko. Inirapan ko siya at humalukipkip na humarap sa salamin.

Ugh! I can't wait to get out of this damn car! Kanina lang ang saya ko tapos ngayon naiinis na ako! Just damn it!

Ang dalawangpung minutong byahe papunta sa bahay ko ay halos naging isang oras. Inip na inip na ako sa kakaupo at kakatingin sa labas ng bintana. Hindi na ulit ako nagsalita. Minsan nagbubuntong hininga siya at akala ko ay magsasalita siya ngunit wala akong narinig mula sa bibig niya. Minsan nakikita kong sumusulyap siya sa akin. Halos kada dalawang minuto. Panay naman ang irap ko at halos mahilo na ako sa kakairap sa kawalan.

"Look monique, I'm really sorry. Ang gusto ko lang naman ay doon ka tumira sa bahay ko para ma bantayan kita. Who knows what will happen!" Aniya at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay ko.

"Tss." Inirapan ko siya bago ako lumabas ng kanyang sasakyan. Padabog akong nagdoorbell at di kalaunan ay binuksan ng guard ang gate.

"Manong wag niyo pong papasukin ang lalaking yan ah." Sabi ko kay Manong guard na tumango naman. Good! Ayaw kong makita ang pagmumukha ng bakulaw na iyon.

Naabutan kong kumakain ng hapunan si Kobe kasama si Rose. Binati niya ako ng isang halik sa pisngi bago nagpatuloy sa pagkain. Umupo ako sa tabi niya at kumain na rin. Nang nag alas syete na ng gabi ay biglang umambon sa labas. Pinagsawalang bahala ko ito. Pinihit ko ang pinto sa kwarto ni Kobe.

His PropertyWhere stories live. Discover now