Chapter 57 - HP

7.5K 108 0
                                    

Tatlong araw na mula nung nageskandalo si Ciara. Tatlong araw nang hindi maalis sa sistema ko ang takot na baka may gawin siyang masama. At tatlong araw nang dito natutulog si Ynigo. Hindi niya kami iniiwan gaya ng pangako niya. Hatid sundo naming dalawa si Kobe sa eskwelahan ngunit minsan ay nagkakaroon ng meeting si Ynigo kaya pinapasundo ko siya sa driver.

Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Kahit madaling araw na kami nakatulog ni Ynigo ay nagising parin ako ng maaga. Napangiti ako ng nakita kong mahimbing na natutulog si Ynigo. Bahagyang nakabukas ang kanyang bibig at humihilik pa siya ng konti.

Dinampian ko ng aking daliri ang kanyang perpektong pagkakahubog na panga, nakakagwapong kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at ang kanyang malambot na labi. Ang gwapo niya. Alam kong maraming babaeng pumapantasya sakanya dahil sa kanyang pisikal na anyo. Ngunit ako, hindi lang pisikal na anyo niya ang minahal ko kundi pati ang kanyang magandang kalooban. He has all the traits I ever wished. He's the only man I love.

"I love you." Bulong ko. Hinalikan ko ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ko ng nagrespond siya sa simpleng halik ko. Ang kaninang smack ko ay naging french kiss. Bago pa ito kung saan humantong at tinulak ko na ang dibdib niya.

Kahit nabitin ako sa nakakalasing niyang mga halik ay mas mabuting tigilan na namin dahil paniguradong malelate siya sa opisina kung hindi kami tumigil.

"I love you more! Good morning, babe! If waking up every morning would be like this, hell I'll be a morning person!" Ngiti niya.

Nakakagaan ng pakiramdam tuwing nakikita mo ang taong mahal mo na pa palaging nakangiti lalo na't ikaw ang dahilan sa likod ng kanyang matatamis na ngiti. Nakakadala ang kanyang mga ngiti ngunit hindi ko maiwasang isipin, paano kung isang araw marealize niyang hindi pala ako ang mahal niya. Paano kung iwan niya ulit ako para sa ibang babae. Paano kung sila ni Ciara ang nagkakatuluyan sa huli at isang phase lang pala ako ng buhay niy? Nakakatakot.

"What are you thinking? Iniisip mo parin ba ang mga sinabi ni Ciara?" Nakasandal ako sa dibdib niya habang pinaglalaruan niya ang aking buhok. Hindi ako sumagot.

"Don't think about it. Hindi siya makakalapit sa inyo. Poprotektahan ko kayo sa abot ng makakaya ko. I'll do anything for you. Unless ikaw ang umayaw." Aniya

Parang may kung anong bigat na nawala sa sistema ko. Maybe Ynigo's right. Siguro dapat hindi ako mag alala. Tatlong araw na ang lumilipas at walang nangyayari kaya baka kailangan ko nang kalimutan iyon dahil baka hanggang salita lang si Ciara. Maybe I should move on cos I know Ynigo will protect me no matter what.

"Ako, aayaw? That will never happen. Mahal na mahal kita at wala na akong hihilingin pa." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Gumapang ang kanyang malikot na kamay sa tiyan ko na parang may kinakausap siya doon. Hindi ko parin maiwasan na manisay sa kilig dahil sa lahat ng ginagawa niya. Parang lahat ng bagay ay bago kahit ang totoo ay ilang ulit na itong nangyayari. It feels like were back to our teenage years.

"I'm also very blessed to have you. Ikaw lang naman ang hinihiling ko. Ikaw lang ang gusto kong magluwal ng mga anak ko at makasama hanggang pagtanda. Thankyou for giving me three wonderful boys. For the first time in my life, I'm contented. Gusto kong tumigil ang oras ngayon dahil masaya na ako. Natatakot akong baka balang araw ipagpalit mo ako." Aniya.

Naramdaman kong tumigil ang paghaplos niya sa tiyan ko ngunit nanatili ang kamay niya doon. I'm already 7 months pregnant!

Napangiti ako sa narinig. Hindi lang pala ako ang takot na baka mawala siya, siya rin.

"Kahit tumanda ka ikaw parin ang mamahalin ko! I was born to love you kaya kahit anong mangyari sayo at sayo lang titibok ang puso ko. Isa pa, kahit tumanda ka gwapo ka parin!" Kinurot ko ang ilong niya. Humalakhak siya.

His PropertyWhere stories live. Discover now