Dala dala ko ang aking maleta habang naglalakad papasok ng NAIA.
"I'm excited! I miss going out of the country!" Maligayang sabi ng anak ko
Nang nakaposok na kami ay naghanap muna kami ng mauupuan dahil ilang oras pa bago ang flight namin. Wala pa si Ynigo kaya malaya akong nakakapagusap sa anak ko. Iniwan ni Rose ang dalawang maleta nila ni Kobe sa tabi ng inuupuan niyang upuan. Lumuhod ako sa harap ng anak ko na nakaupo sa tabi ni Rose. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita
Paano ko ba to sasabihin? Ayaw kong magtampo ulit sakin ang anak ko ngunit hindi ko rin kayang magsinungaling nalang sakanya. Matalino ang anak ko, sana maintindihan niya ang sasabihin ko
"Baby... hindi kasi alam ng boss ko na sinama ko kayo ni Ate Rose mo. Pwede bang mag panggap muna tayo para hindi niya tayo mahalata?"
"Bakit mommy? Hindi po ba pwedeng magdala ng anak sa business trip?"
"Baby hindi kasi nila alam na may anak ako. Kaya pwede bang i'lihim nalang muna ito?"
Ngumuso siya at dahan dahang tumango. Napangiti nalang ako. Good boy. Ginulo ko ang magulo niyang buhok
"Mom! My hair!" Agad siyang umiwas sakin at inayos ang buhok niya. Ginulo lang naman niya ulit eh! Ang vain ng baby ko!
"Ano? Ginulo mo lang naman ulit ang buhok mo ah? Tinulungan na nga kita." Tawa ko
"Ugh! Maayos na yung una eh!" Tumawa nalang ako sa reaksyon niya. Tumayo siya sa tapat ng malaking salamin kung saan kitang kita ang mga eroplanong naglalanding, nagtetake off at ang umaalis pa lang. Humarap siya doon at doon inayos ang buhok niya. Umupo ako sa kaninang inuupuan ni Kobe
"Ate ang pogi talaga ni Kobe! Nagtataka tuloy ako kung anong itsura ng tatay niya." Aniya habang nakatingin kay kobe
Napahalakhak ako ng konti sa sinabi niya
"Nako magkamukhang magkamukha talaga sila ng tatay niya."
"Talaga ate? Pogi rin?" Napatili siya dahilan para mapatingin ang ibang taong dumadaan sa amin.
Napatingin ako sakanya at matalim ko siyang tinignan. Nakuha naman agad niya ang tingin ko
"Binibiro lang kita ate! Hahaha si kobe lang pala ang pogi. Hehe" plastic siyang ngumiti at nag peace sign
Bata pa talaga si Rose. Naghihinayang ako at hindi siya nakapag aral. Kung ako ang nasa posisyon ng nanay niya, gagawin ko ang lahat hindi lang mahirapan ang anak ko
"If you won't mind, bakit hindi ka nakapag tapos ng pag aaral?"
"Ahh! Kasi ate, pang anim ako sa aming walong magkakapatid alam mo na, sa hirap ng buhay hindi kinaya ng mga magulang ko na pag aralin kami ng sabay sabay kaya naisipan kong magtrabaho nalang. Makakatulong pa ako sa gastusin sa bahay. Pinapadalhan ko sila doon ng pera buwan buwan para naman may pang tustos sila sa pag aaral ng iba ko pang mga kapatid." Kibit balikat niya. Bilib ako sakanya. Bata palang siya ay ala na niya ang responsibilidad at ang realidad dito sa mundo
"Oh. Bakit hindi mo subukang mag aral?"
"Actually ang isa pang rason ko kung bakit ako nagtratrabaho ay dahil nag iipon ako para makapag aral na ako. Salamat talaga ate. Malaking tulong ang sahod na bibibigay niyo."
"Walang anuman. Masipag kang bata Rose, nararapat lang na makuha mo ang mga para sayo. Alam mo nagpapa aral ang kompanya. Pwede kitang i'apply para maging scholar."
Totoong nagpapa aral ang La Filipina Clavel Corporation. Marami rami na ang napapa aral namin. Ang iba ay may trabaho na sa ibang bansa ngunit ang iba ay mas napiling sa kompanya nalang magtrabaho para mabayaran ang utang na loob na binigay namin sakanila. Hindi naman kami nanunukot ng utang na loob ngunit sadyang gusto lang talaga nilang ibalik ang tulong na binigay namin.