Chapter 60 - HP

5.9K 78 8
                                    

Umiyak ako ng umiyak magdamag. Hindi ko napigilan ang sakit na nararamdaman. Tuwing mag isa ako ay wala akong ginawa kundi umiyak. Nang naghapunan kami ay panay ang iwas ko sa mga titig ni Ynigo at Kobe. Kahit alam kong nagtataka sila sa inaasta ko. Nang natapos kaming kumain ay laking pasasalamat ko at uuwi si Ynigo sa bahay niya upang kumuha ng mga bagong damit.

"Babe okay ka lang ba?" Tanong niya nang nakalayo kami kay Kobe.

Umiwas ako sa titig niya at binuksan ang maliit na drawer at kumuha ng kahit anong pwedeng pagkabusyhan.

"Yup umuwi ka na b-baka gabihin ka pa."

May kung anong dumaloy sa braso kong hinawakan niya dahilan para mapatalon ako sa gulat. Nanliit ang kanyang mga mata.

"Numutla ka at namumula ang ilong at mga mata mo. Have you been crying all day?" Nagaakusa niyang tanong.

Umiling ako at suminghap.

"Pwede ba, sabi ko okay lang ako. Umuwi ka na!" Inirapan ko siya at tinalikuran.

Umakyat ako ng ikalawang palapag kasabay ng pagbuhos ng maraming luha mula sa mga mata ko.

Kung sasaktan ko lang rin naman siya mas mabuti nang sagad para hindi na niya ako habulin pa. Alam kong unfair sa part ni Ynigo. Pinili ko ang anak namin kaysa sakanya. Alam kong masakit pero sana maintindihan niya ako. Bilang ina hindi ko kayang ipagkalunlo ang anak ko at kung pagmamahalan namin ang kapalit ay susuko ako. Kahit ano para kay Kobe.

Nagisip ako ng mabuti kung ano ang epektibong plano para kusang sumuko si Ynigo sa akin. Gagawin ko ang lahat para kusa siyang sumuko. Sana tumigil na siya sa pagmamahal sa akin dahil ayaw ko siyang masaktan. Sana tumigil na siya para hindi na ako mahirapan at sana tumigil na siya bago pa mag bago ang isip ko.

I love Ynigo at masakit para sa akin ang gagawin ko. Parang pakiramdam ko ibibigay ko ang taong mahal ko sa iba and it fucking hurts. Hindj ko kayang may kayakap siyang iba, hindi ko kayang may katitigan siyang iba, hindi ko kayang makitang may kasama siyang iba, hindi ko kayang makita na may kahalikan siyang iba at hindi ko kayang malaman na may mahal siyang iba. Pero iba ang pinaguusapan dito. Ang anak namin o siya ang pagpipilian. Hindi ko kayang ipahamak ang anak ko kaya mas mabuti kung ang kasiyahan ko nalang ang igive up ko.

I can always find someone to love pero alam kong siya at siya parin ang hinahanap ng puso at utak ko. Pero alam kong kaya niya akong palitan. Matapang siya. Mas malakas siya sa akin kaya alam kong kaya niya.

Panay ang hikbi ko sa higaan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala si Ynigo sa tabi ko. Namamanhid na ang katawan ko sa kakaiyak at naubos na ang lahat ng emosyon ko. Gusto ko nalang ngayon ay matulog dahil sumasakit ang katawan at balakang ko ngunit hindi ako makatulog.

Babies, I'm sorry kung naiipit kayo sa gulo namin ngayon. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung anong gagawin ko pagkatapos ng lahat ng ito. Kumapit lang kayo kay mommy at sisiguraduhin kong ligtas kayo.

Sa gabing iyon ay nagpasalamat ako nang sa wakas ay kinain ako ng antok at pagod kaya hindi ko na naabutan pa si Ynigo.

Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa tiyan ko.

"I love you, I love you, I love you, I love you both! Daddy loves you both!" Paulit ulit na sabi ni Ynigo sabay halik sa tiyan ko.

Alam kong si Ynigo iyon dahil sa baritono pa lang ng kanyang boses ay sigurado na ako. At sa init na nararamdaman ko tuwing malapit siya. Minulat ko ang kaliwang mata ko at palihim na tinignan si Ynigo. Gusto kong maiyak dahil ang tangi kong gusto ay yakapin siya ngunit pinagbabawalan ko na ang sarili kong gawin iyon para mas mapadali ang gagawin ko. Dalawang araw na lang ang natitira para layuan ko si Ynigo. As much as possible ay gusto kong gamitin ang oras na iyon para maging masaya ngunit naisip kong mad mahirap kapag iyon ang gagawin ko.

His PropertyWhere stories live. Discover now