Namalayan ko nalang na huminto kami ni kuya sa isang building kung saan maraming tauhan pa niya ang naghihintay sa aming pagdating.
Hindi ko alam kung lalabas ako o mananatili sa luob ng sasakyan pero nasagot ang tanong ko ng hubarin ni kuya sa harap ko ang suot niyang damit at ibato sa akin. Leaving his upper body naked.
Lumakad ako kasunod ni kuya kahit hindi ko alam saan kami papunta. Sa totoo lang, after kong sabihin sa kanya ang mga sinabi ko kanina, parang may kung ano sa luob ko ang nakahinga ng maluwag. Pero sa kabilang banda, nakokonsensya ako. Para kasing may something sa naging reaksyon ni kuya sa mga nasabi ko sa kanya.
And then again, hindi ko naintindihan ang sinabi niya in nihonggo dahil basic nga lang ang alam ko. Pero that I wonder, ano kaya yung sinabi niya?
Nagtaka ako ng umakyat ang elevator namin sa pinaka tuktok ng building. Teka, anong gagawin namin duon?
Don't tell me duon balak ni kuya tapusin ang buhay ko? Oh shit. Iyan pa naman ang pinaka ayaw ko - heights!
Pero laking gulat ko na ang sumalubong sa amin este sa akin ay isang helicopter na mukhang nagaabang sa pagdating namin.
Dire-diretso lang si kuya sa paglakad patungo sa helicopter at hindi ko alam kung dapat ba akong sumunod sa kanya ng bigla niya akong hinila paharap para maunang sumakay.
"K-Kuya?!" naguguluhan akong tumingin sa kanya pero wala akong nakuhang sagot ni kaunting tingin mula sa kanya hanggang sa tuluyan ng umandar ang helicopter.
Diretso lang ang tingin niya sa labas samantalang ako hindi ko maiwasan na hindi tignan ang mga natamo niyang sugat sa katawan. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tanungin kung gusto niyang gamutin ko siya o hayaan nalang siya at hintayin na makarating kami sa pupuntahan namin bago siya tanungin. Whew. Takteng buhay naman ito oh. Ikaw ng magkaruon ng ganitong kagulo na kuya, ewan ko nalang talaga kung hindi ka mastress.
Tumingin nalang din ako sa labas at pinagmasdan ang mga nagkikislapang mga ilaw mula sa mga nagtataasang building pati na rin ang mga kulay pulang ilaw na nagmumula sa mga sasakyan. Ang mga bagay na malalaki sa akin kapag ako ay nasa ibaba ay para nalamang maliliit na fairy lights ngayong nasa itaas ako.
Bahagya kong pinagdikit ang mga paa ko dahil nakakaramdam ako ng lamig sa aking mga binti ngunit hindi sa akin pang itaas na katawan na siyang sakop ng damit ni kuya. Kung sabagay mukhang may heat tech itong tela ng damit niya.
Saan kami patungo? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay magkahalo ang nararamdaman kong kaba at pagaalala.
Halos isang oras din kaming walang imikan ni kuya hanggang sa namalayan ko na nag landing na ang sinasakyan naming helicopter.
Naunang bumaba si kuya na siyang sinundan ko and guess what? Isang batalyon ng mga men in black ang sumalubong sa amin at yumuko kay kuya para magbigay galang sa kanyang pagdating.
Para akong nanliit sa mga taong nakapaligid kay kuya. Ang lalaki ng mga katawan nila pero di mahamak na mas malaki ang kay kuya.
Muli kaming sumakay sa elevator sa binabaan naming building at pumunta sa parking area kung saan isang kulay itim na limousine ang naghihintay sa amin.
Sumakay kaming dalawa pero sa magkaibang pwesto. Hindi naman niya ito pinuna kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
Sa daan patungo sa kung saan ay may napansin ako. Ang lengguaheng nakasulat sa mga signage at billboard ay iba. Ang kalsada din ay iba. Malinis ang mga sidewalk at hindi traffic. Ang mga tao ay nakasuot ng pang winter na mga damit. Teka, anong. .?!
Agad akong napatingin kay kuya na siyang abala sa pag inom ng kanyang alak at para bang hindi nilalamig kahit na kanina pa siya topless.
Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa dahil natatakot ako marinig na tama ang hinala ko kung nasaan kami - na nasa Japan kami.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...