Mabilis na lumipas ang mga araw at namalayan ko nalang na december na. Meaning, nalalapit na ang birthday ni Claec or should I say, birthday nilang dalawa ng tatay niya?
At dahil malapit na ang birthday ng anak ko, nape-pressure na ako kung paano ko tutuparin ang pinangako ko sa kanya na magkakasama kaming tatlo ng tatay niya sa araw ng birthday niya. Nagsabi naman na si Claec na no pressure sa side ko pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapressure. Whew.
Napatingin ako sa maliit na table calendar na nasa desk ko at napabuntung-hininga.
Today marks our seventh wedding anniversary. Napangiti ako inalala ang mga nangyari ng araw na 'iyon'. Naalala ko 'yung mula sa inaasikaso ako ng mga tauhan ni kuya tapos may tauhan siyang kasama ko sa luob ng kotse na tinuturuan ako kung anong gagawin ko pagdating sa venue tapos ng makarating kami sa venue, pagbaba ko palang na-amazed na ako sa mga sumalubong sa akin kasi ang dami nila at sa labas palang ng venue, parang mga eksena lang sa fairytales tapos ng nanduon na ako sa luob at naglakad papunta sa direksyon ni kuya ay napangiti nalang ako at napatitig kay kuya at parang kami nalang ang tao sa paligid sa mga oras na iyon. Hindi namin tinapos ang after party at pumunta kami sa isang festival na maraming tao na hindi ko ineexpect na gagawin namin, lalo na ni kuya, and to be honest, that was one of my most happiest and memorable days of my life.
Unconsciously, napahawak ako sa palasingsingan ko only to realized na hindi ko nga pala suot 'yung singsing namin dahil binalik ko na ito as pendant sa kwintas ni Claec. Hindi ko na rin sinusuot 'yung singsing namin ni Garet dahil kahit papaano hinahanda ko na ang sarili ko sa pagsasabi ng katotohanan kay kuya.
Hindi ko maitatanggi na kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa oras na aminin ko na sa kanya ang totoo. Knowing kuya, I know he will be angry and become violent but I can endure all that dahil alam ko naman na this time ako ang may kasalanan hindi gaya ng dati na kaya siya galit sa akin ay dahil half-brother niya ako.
Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message ang nareceived ko at galing iyon kay Pearl. Nagaaya siya na lumabas at dahil ako lang naman ang nandito ngayon sa office dahil naka leave si Rence ay pumayag akong samahan siya.
It's been two weeks mula ng sabihin ko kay Pearl ang totoo and thou I was caught off guard at that moment, masaya ako dahil napatawad niya ako at tinanggap pa rin bilang best friend niya. Nasabi ko na rin ang tungkol dito kay Garet at masaya siya para sa akin at syempre as expected, excited ang loka na ma-meet and greet ang crush niya kaso pinakiusapan ko muna siyang maghintay pa ng kaunti dahil kailangan ko munang makausap si kuya at somehow magkaayos kami kung mangyayari man iyon dahil hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag ang tungkol kay Claec kay Pearl kung hindi ko muna ito masasabi sa mismong tatay niya kung paano ito, alam niya iyon, nangyari.
Nagkita kami ni Pearl malapit sa entrance ng mall. Akala ko dudumugin siya dito sa mall na pinuntahan namin pero hindi. Kung sabagay mukhang mall ito ng mga artista dahil pagbaba ko palang ng taxi kanina, may dalawang artista na din akong nakita mula sa magkalabang estasyon.
"Tagal mo dumating! Hindi mo tuloy nakita yung pogi dito kanina!"
"Dapat pinicturean mo. Slow nito!"
Bigla kaming nagkatinginan sa isa't-isa.
Wait. .
"Dejà vu?" sabay pa naming tanong.
At sa kung anong dahilan, tumawa kaming parehas.
"So, saan tayo?" tanong ko.
"Well, ilang years din tayong hindi nagkita so, uhm, mahilig ka pa ba sa make up? Or more on skin care ka na? Wait! Nagbibihis babae ka pa ba?"
"Hindi na ako nagbibihis babae at hindi na rin ako nagma-make or skincare. Masyado akong ma-busy nitong nakaraang anim na taon." nakangiti kong sabi habang inaalala ang mga nangyari nuon. Sinasabay ko ang pagaaral, pagpa-part time at pagaalaga sa anak ko sa tulong ni Garet.
"Oh, so if that's the case, alam ko na kung saan tayo pupunta." excited na sabi niya at inangkla ang kamay niya sa braso ko.
"Tell me you're joking?" sabi ko pagdating namin sa tapat ng aesthetician center.
"No. Tara na sa luob!" sabay hila sa akin bago pa ako umatras.
And that's how I ended up getting my face cleansed and renewed.
"Iyan! Glowing so ever ka na ulit!" amazed na sabi ni Pearl at muli akong hinatak papunta sa kung saan.
Nakakatawa nga dahil nuon ako ang nanlilibre sa kanya, ngayon siya na. Bilog talaga ang mundo. Parang 'yung Gin.
"Oh no! Hindi! This time, ikaw lang ang gagawa n'yan." sabi ko habang naghihilaan kami pumasok sa luob ng nail salon habang ang babaita tawa ng tawa.
"Hindi naman tayo magpapa rainbow nail polish! Hahaha!" saad niya at umupo kami sa magkatabing couch kung saan agad kaming nilapitan ng mga magaasikaso sa amin.
After namin sa nail salon, dumiretso kami sa massage salon. Not gonna lie. This is going to be my favorite out of all sa dalawang pinuntahan namin.
"Try natin 'massage na magiging octopus tayo!" excited na sabi niya.
"Octopus?" napaisip pa ako anong octopus tinutukoy niya hanggang sa maalala ko anong tawag sa gusto niyang massage, "Ventosa? Hell no! Makikita ng an--! I mean, mean ni Garet iyan mamaya magpanic pa iyon kapag nakita niya." shit! Muntik na akong madulas tungkol kay Claec.
Tinaasan niya ako ng kilay at biglang ngumiti. Dapat ba akong kabahan sa reaksyon niyang iyon?
"Okay! Ako nalang mag ventosa. Ikaw bahala ka kung anong klaseng massage gusto mo."
At iyon nga ang nangyari. Nag ventosa si Pearl samantalang nag shiatsu naman ako. Sobra akong narelax sa massage na napili ko samantalang si Pearl, ayun. Paglabas namin ng massage salon hindi matagil sa kakadaldal sa nangyari sa kanya na muntik na siyang himatayin ng makita niyang pinapainitan yung baso at ididikit sa kanya. Gusto na daw niya mag backout last minute pero hindi iyon nangyari dahil ng dumikit sa balat niya hindi siya nakaramdam ng paso.
"Anong pwede kong mabili for Garet?"
"Huh? What do you mean?"
"I-I mean, pa gabi na kasi. Nakakahiya naman sa kanya kung wala ako este tayo, I mean ikaw na pasalubong." nakangiti at peace sign niyang sabi.
Tinignan ko siya maigi at napansin ko ang pamumula ng mukha niya.
Bakit ganito reaksyon niya? Bibili lang naman kami ng pasalubong kay Garet pero nauutal din siya?
Naalala ko ng hinatid niya ako sa bahay at nagaabang sa akin si Garet sa gate ay may kakaibang kung ano sa kanila sa mga tinginan at kilos nila.
"Uhm, Pearl?"
"B-Bakit?" tugon niya na hindi pa rin makatingin sa akin.
"Ikaw ba. .?!" tanong ko na hindi natuloy dahil bigla nalang may nagsalita sa likuran namin kaya agad namin itong tinignan kung sino.
"Pearl, what are you doing here? You should be at--! Arista?"
"O-oh, hi, Mister Naito." naiilang kong bati at agad na napayuko. Shit! Anong ginagawa niya dito?
"Namamasyal, duh? Now, I'll excuse my now to buy something. Sige, Arista! See you in a while! Bibili lang ako ng pasalubong kay Garet!" and with that, kumaripas na siya ng takbo bago ko pa siya mahawakan sa kamay para pigilan.
"Seems like it's just the two of us now." sabi niya at bahagyang ngumiti.
"Y-yeah. I think so." naiilang kong sabi at muling yumuko pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang singsing na suot ni kuya.
It was our wedding ring and today we accidentally met on our anniversary.
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...