Matalim ang titig ko kay Garet na halos ilubog na ang sarili niya sa kinatatayuan niya.
Malakas ang kutob ko na may hindi sinabi sa akin ang babaitang ito.
Paanong malalaman nina Pearl at kuya ang tungkol kay Claec kung walang nangyari na hindi ko alam dahil again, walang nabanggit si Garet sa akin.
And to make it worst, kilala din ni Claec si kuya.
"Sorry, we're late. I just came from the airport." paumanhin ni kuya sa anak namin at lumuhod pa ito para haplusin ang mukha ng anak ko at ngitian ito na siyang sinuklian ni Claec.
"Muntik na tayong hindi makahabol! Mukhang magliligpit na sila eh." sabi ni Pearl at lumapit sa amin ni Garet para bumeso, "Anong handa? Nagugutom na ako eh."
Natauhan ako ng marinig ko ang tanong ni Pearl kaya syempre bilang bisita ay kailangan ko silang asikasuhin.
"Saglit lang. Kuhaan ko lang kayo ng plato." nakangiting sabi ko sabay hatak kay Garet papunta sa kusina.
Pagdating namin sa kusina. .
"May hindi ka ba sinabi sa akin?" naiinis kong tanong sa kanya but I managed not to shout. Ayaw kong gumawa ng eksena na makikita ng anak ko.
"A-ah, eh. ." tugon nito na hindi makatingin sa akin.
"Garet!" pinandilatan ko ito ng mata at agad siyang napalunok sa takot.
"Uh, nagkita kami a month ago sa mall! Aksidente lang! Nasa grocery kami nu'n tapos ayun! Nagkausap si Claec at Quilo!"
"Bakit naman hindi mo sinabi sa akin?! Alam mo namang hindi ko pa pinapaalam 'yung tungkol kay Claec sa kanila!"
"Baka kasi magalit ka kung kinwento ko 'yung nangyari kaya hindi ko na kinwento sa iyo."
Napahawak ako sa nose bridge ko at naka ilang buntung-hininga. Ngayon naiintindihan ko na. Tama. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagtanong sa akin randomly si Claec ng tungkol sa tatay niya. Pero wala na akong magagawa nangyari na eh.
"Alam ba ni Claec ang tungkol sa--?"
"Hindi! Hindi niya alam. Hindi rin alam ni Quilo or ni EA. Ang alam nila anak natin si Claec. Pero. ."
"Pero?"
"May ideya si Claec na si Quilo ang tatay niya. Syempre ng tinanong niya ako hindi ko siya sinagot pero hindi ko din sure kung walang ideya si Quilo. Magkamukha sila eh!"
Bigla kong naalala 'yung naging paguusap namin ng anak ko kahapon bago nagpaputok ng fireworks si Garet.
"Si Pearl ba 'yung kasama ninyo last week ng bumili ka ng fireworks?"
"Uhm, oo."
Magsasalita pa sana ako kaso biglang pumasok si Pearl sa kusina.
"Marami bang ilalabas na gamit sa labas? Tulungan ko na kayo." nakangiting sabi niya.
Kaya hindi ko na natuloy ang balak ko sanang sabihin at ngumiti nalang kay Pearl at pinatulong siya sa pagdadala ng mga gagamitin namin sa pagkain.
"Papa! Where's my cake?" nakayakap sa hita kong tanong ng anak ko habang nasa tabi niya si kuya at nakatingin sa akin.
"Why, baby?" tugon ko ng hindi tumitingin kay kuya.
"I want to have another picture with them with my birthday cake." tugon nito.
At dahil request ng anak ko, wala akong magagawa kundi sundin ang gusto niya.
Iniwan ko muna sila at tumungo ulit sa kusina para kunin ang cake na hindi nagalaw mula kanina maliban nalang ng sinindihan namin ang nakalaan na kandila dito para ihipan niya ng kantahan namin siya ng happy birthday.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...