AUTUMN MEETS WINTER ( LIX )

942 80 12
                                    

"Uhm, Arista?" napa angat ako ng tingin kay Rence na nakatingin sa akin habang busy ako sa ginagawa ko.

"Hmm?" parang may idea na ako kung anong sasabihin or itatanong nito sa akin.

"Are you really sure you don't know Mr. Naito?"

"Rence," huminga ako ng malalim at tumitig sa mga mata niya bago muling nagsalita, "Katulad ng sinabi ko kanina sa kanya, na I'm sure na narinig mo din naman, hindi. Hindi ko siya kilala. He must have mistaken me to someone else's."

Paninindigan ko na ang ginawa kong pagsisinungaling kanina kasi sa tingin ko, sa mga sandaling ito, iyon ang tamang gawin. Siya ang bago naming kliente ng boss ko at ayaw kong maging bias ang trabaho namin ng dahil lang sa gagawin kong pag amin na kilala ko ang kliente namin and on top of it, siya ang half brother ko.

Saka nalang ako iisip ng paraan kung paano ako magtatapat kay kuya. Sa ngayon, trabaho muna. Kailangan ko ng pangtustos sa pang araw-araw namin ng anak ko.

"Hindi sa pinagdududahan kita but he told me hundred percent that you both knew each other. That you were that person he is insisting you to be. Funny because he said you had the same exact face and name."

"Eh Rence, maraming taong magkakahawig o usually, almost had the same face sa mundo, same with the name kahit hindi sila magkadugo." pilosopo kong sagot sa kanya. Eh sa totoo naman eh.

'Yung mga celebrities nga may mga kahawig na ordinaryong tao tapos kung sinuswerte ka pa, pwede kang hukaing double ng management.

"Okay. I believe what you say, Arista." tugon nito bago muling bumalik sa ginagawa niya.

Napabuntung-hininga ako. Kailangan kong mag ingat sa mga kilos ko starting today. May pakiramdam akong hindi kumbinsido itong si Rence na hindi ko kilala si kuya. Ramdam ko iyon.

Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong napasalampak sa sofa kung saan ako biglang sinalubong ng anak ko ng mahigpit na yakap. Napangiti ako dahil duon.

"Hi, baby." bati ko at hinalikan siya sa nuo.

"How's your day, Papa? You look tired." sagot nito habang hinahaplos ang nuo ko.

"Madami lang work si Papa sa office today." napatingin ako bigla kay Garet na naghahain ng pagkain sa lamesa, "Nagluto ka?" biro ko.

"Asa ka pa. Nagpa deliver ako ng dinner natin. Oh tara na dito. Kumain na tayo ng makapagpahinga na iyang si Papa mo Claec."

Agad kaming tumugon ng anak ko sa utos ni Garet. Kung sabagay, gutom na rin talaga ako. Habang kumakain kami ay napansin ko ang panay na pagtingin sa akin ni Garet. Problema nito? May dumi ba ako sa mukha?

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay inasikaso ko munang patulugin si Claec bago muling bumaba papuntang kusina at tulungan si Garet sa pagliligpit.

Habang abala ako sa pagpupunas ng lamesa at siya naman ay nagbabanlaw ng mga plato ay bigla siyang nagsalita.

"Kitain mo ako sa veranda. May paguusapan tayo." seryoso niyang sabi kaya kinabahan ako.

"Huh?" tugon ko pero hindi na siya muling nagsalita. Anong paguusapan namin? Shocks. Bihira ko lang makitang seryoso si Garet kaya naman kinakabahan talaga ako.

Nagmadali akong tapusin ang ginagawa ko at ginawa ang sinabi niya. Naabutan ko siyang naninigarilyo at may baso ng alak na nasa lamesa. Marahan akong umupo sa tapat niya at saglit siyang pinagmasdan. Takte. Lalong tumataas ang anxiety ko dahil sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin.

"U-uh, Garet. ." pagbasag ko sa katahimikan.

"Sino 'yung bagong kliente ninyo?" tanong niya sa akin habang nagsasalin ng alak sa baso at iniabot sa akin ang isa.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon