Agad kong tinignan kung sino ang nag message sa akin at muntik ko na iyon mabitawan sa gulat. Antokwa! Si Enix! Paano niya nalaman ang cellphone number ko?
Well, isa lang ang paraan para malaman ko. .
[ Saan mo nakuha PN ko? ]
Reply ko sa text niyang hi. Hahaha. Wala ng hello-hello 'no!
[ Secret. By the way, pupunta ka ba ngayon ng club? ]
Takte. Ayaw sabihin. Malamang si Pearl nga ang nagbigay sa kanya. Lagot 'yang bakla na 'yan sa akin bukas. Hahaha.
[ Hindi eh. Madami kasi akong homeworks na dapat tapusin. ]
Buti sana kung tutulungan niya ako. Haha. Ang assumero ko naman na gagawin niya iyon. Hindi pa naman kami mag-boyfriend. . . Ack!
Ang landi ko! Talagang at some point iniisip ko na magiging kami eh 'no?
[ Tulungan na kita. Send mo sa akin homeworks mo. ]
Hala! Telepathy ability ba 'tong si Enix?
Iniisip ko palang, may sagot na agad!
[ Wag na. Kaya ko na ito. Mag enjoy ka nalang d'yan sa club. ]
Syempre patwee-tums effect tayo. Wag masyadong iladlad ang pagiging marupok.
[ If you're not here then I will not be able to enjoy. C'mon, I'll help you. That's the least I can do for you right now. ]
Takte. Puta! Kinikilig ako. Ayaw ko na!
Saglit, gulong muna ako! Waaahh!!!
So, ang ending tinutulungan niya ako ngayon sa paggawa ng homeworks ko. Hindi nalang basta sa text kami naguusap. May pag-call na! Real quick, 'di ba? Hahaha.
Bale naka-headset ako na nay microphone na nakasaksak sa phone ko at sa ganung paraan ko siya kinakausap habang busy ako sa pagse-search sa laptop at malamang ganito din ang set-up niya sa club.
Oo, alam ko, sasabihin ninyo nauso naman ang loud speaker pero kasi baka marinig ni kuya at biglang sumugod dito. Mas okay na itong set-up ko kasi naa-adjust ko ang volume ng boses ko na alam kong hindi makakabulahaw sa kanya.
Ang nakapagtataka lang, sabi ni Enix sa akin ay nasa club siya ngayon pero bakit wala akong marinig na kahit anong ingay sa background?
[ Talaga bang nasa club ka ngayon? ]
[ Yep. Nasa third floor ako kaya wala kang marinig na maingay sa background. ]
Third floor? Teka. . .
[ Bakit ka nasa third floor? Pang-VIP 'yan ah? At saka, ang mahal-mahal d'yan! ]
Concern lang ako sa magagastos niya. Per hour kasi ang bayad sa pag-stay sa alin man sa mga kwarto duon, whether you're alone or with one of the Paradise Girls. Pero, hmm. . May kasama nga kaya siya ngayon? I mean, isa sa mga paradise girls? Oh well. He's a man afterall.
Natawa siya sa tanong ko na ipinagtaka ko naman. Luh, parang tanga.
[ Wow. Concern? Punta ka na kasi dito para sa second floor na ako ulit tumambay. Hahaha. And besides, no need to worry. I'm one of your school's shareholder, remember? ]
Saglit akong napaisip at agad na napatampal sa nuo ko ng ma-realize ko ang sinabi niya kaya narinig ko siyang tumawa ulit sa kabilang linya. Aish! Oo nga pala!
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...