AUTUMN MEETS WINTER ( XIX )

2.4K 113 1
                                    

"Ikaw na talaga bessie!" kinikilig na sabi ni Pearl habang unlimited akong pinapalo ng unan at hinihila ang damit ko. Bakit ba kailangang maging bayolente ng mga babae kapag kinikilig? Kasuhan ko kaya 'to ng Physical Injury? Hahaha. Joke lang.

"'Te sabihin mo lang kung gusto mo akong gahasain para makahingi agad ako ng tulong sa mga pulis. Kaloka! Mawawasak na damit ko!"

"I don't care! Tapos? Ayun lang? Kiss lang? Walang make out na naganap?"

"Gaga! Kiss nga lang! Advance ka naman masyado. Siya nga itong humalik at tumigil din sa ginawa niya. Hindi ko tuloy alam kung na-carried away lang ba siya kaya niya nagawa iyon."

Two days na ang nakalipas mula ng makapunta ako sa bahay ni Enix at maalagaan niya at mahalikan ay nakapagtatakang um-okay na ang pakiramdam ko. Nakauwi na din ako sa bahay at luckily ay hindi pa rin nakakauwi si kuya hanggang ngayon. Buti nalang!

"Kaya pala pangiti-ngiti ka at hindi binabanggit ang kuya mo dahil d'yan kay Enix at sa nangyari sa pagitan ninyo." binigyan niya ako ng malisyosang tingin kaya binigyan ko rin siya ng isang batok.

"Masakit ha!"

"Mas masakit ang pagbugbog mo sa katawan ko ng dahil lang sa kilig mo."

"Bakit ba? Besides, not to ruin your happiness pero wag mong kalimutan na wag ipahalata sa kuya mo iyang galawan mo ngayon dahil kapag nalaman niya ang about sa inyo ni Enix ay naku. Doomsday ka girl on a regular sunny day."

"I know kaya nga ang hirap eh!"

"Ang alin? Ang magpanggap na hindi ka bakler o ang nai-inlove ka na kay Enix?"

"Pwedeng both? Hahaha!"

"Ay? Kaloka 'tong bessie ko! Sana all! Hahaha. Kasi naman bakit yung kuya mo ang bagal sa'yo! Matatalo pa tuloy ng side character ang leading man."

Isang batok ulit ang ginawa ko sa kanya na kinatawa niya. Baliw talaga.

"Ikaw tigil-tigilan mo ako sa mga makasalanang bagay ah!"

"Wow parang kanina lang sinabi mo sa akin na sabi ni Enix sa'yo na kung naging magkapatid kayo ay baka incest ang labas ninyo kaya nga nagtataka talaga ako bakit parang hindi effective ang powers mo sa kuya mo. Hay! Wala man lang kayong sweet moments!"

Napangisi ako. Kung alam lang niya.

"Oy, bakit mas lalong gumanda ngiti mo d'yan? May hindi ka sinasabi sa akin 'no?!"

"H-ha? Wala ah!" nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban at pabirong sakalin.

"Ikwento mo sa akin dali! Ano iyan ha?"

"W-wala nga!"

"Sabihin mo na kasi!"

"W-wala nga kasi! Ano ba?!" natatawa ako sa pamimilit niya sa akin dahil mas excited pa siyang malaman ang nangyayari sa buhay ko kesa sa nangyayari sa bansa. Hahaha.

"Ah ganon?" ngumisi siya at dumistansya sa akin na pinagtaka ko. Ano na naman kayang naisip nitong baklitang ito?

"MMAAA! SI ARIS INLOVE KAY ASDFGHJKL!!!" sigaw niya na kung hindi ko agad natakpan ang bibig niya ay siguradong kabalbalan ang sasabihin niya.

"Gago ka talaga!" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko habang ina-unlimited siya ng hampas ng unan sa katawan na kina hagalpak niya ng tawa ng bigla kaming mapatigil sa pagpasok ni Tita Shine sa kwarto.

"Kayong dalawa! Wag kayong maingay hindi ko na maintindihan yung teleserye na pinapanuod ko. Hala, sige. Bumaba kayo du'n sa kusina at hugasan ninyo yung mga plato." utos ni Tita Shine na naka suot ng floral duster at nakabalot ng shower cap ang kanyang buhok. Ayan. Nautusan pa tuloy. 'Tong baklitang ito kasi eh!

Pagka alis ni Tita Shine. .

"Ikaw kasi." sabi ko at muli siyang hinampas sa braso.

"Ikaw kaya." binelatan niya ako at naunang lumabas ng kwarto na sinundan ko.

Pagdating namin ng kusina ay agad kaming nagtulungan sa paghuhugas ng pinggan. Siya ang taga sabon, ako ang tagabanlaw.

"Tara foodtrip tayo."

"Sure. Bahala ka na kumuha ng pagkain dyan sa ref ninyo. Hintayin nalang kita sa kwarto." akmang palabas na ako ng kusina ng hatakin niya ang manggas ng suot kong shirt. "Oh bakit?"

"Sabi ko foodtrip. Hindi netflix and chill. Tara sa labas. Gusto ko ng isaw."

Iba din eh. May pagkain dito pero mas gusto niya dun sa labas na magastos.

Mabilis ang naging pag sang-ayon ni Tita Shine ng magpaalam kaming lalabas dahil bukod sa busy pa rin siya sa panunuod ng Teledrama ay pabor 'yon sa kanya dahil at peace siyang makakanuod dahil hindi kami makapagiingay.

"Luh, parang tanga. Gusto niyang mag foodtrip pero dumekwat ng chichirya sa ref."

"Wala akong pake. Ayaw kong mag mukhang patay gutom pagdating sa isawan dahil sa sobrang paglalaway 'no and much better na may nangunguya tayo habang naglalakad."

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapailing. Hindi kasi alam ni kuya na kumakain ako ng street foods. Ayaw niya kasi nu'n at hindi ko alam kung bakit kaya siguradong 'pag nalaman niya ang tungkol dito ay yari ako. Puno ng pagkain ang ref namin pero minsan hindi ko maiwasan na mag crave sa mga pagkaing ibinebenta sa labas.

Minsan kapag nasa part-time job kami nitong si Pearl ay pumupuslit kami ng bili sa mga naglalako ng pagkain sa labas. Whether balot man iyan, fishball, barbecue o isaw at kung ano pa ay siguradong papatusin namin kahit na may free foods na binibigay si Miss Thalia sa mga empleyado niya. Ewan. Iba kasi ang sarap ng mga pagkain sa labas lalo na kapag nahaluan ng usok ng mga sasakyan. Parang lalong sumasarap. Bakit di ba kayo nasarapan sa sawsawan ng fishball na makailang beses sinawsawan ng kapwa mo customer? Ano ha?

"Bili tayo nu'n." bumalik ako sa realidad ng bigla akong hilain ni Pearl sa kabilang side ng kalsada.

"Mga ineng bili na kayo. Bagong luto." sabi ng matandang nagtitinda at nagkatinginan kami ni Pearl na siyang nagpipigil ng ngiti. Hindi pa naman ganun katanda si manang kung titignan pero hindi ako sure kung malabo ba ang mata niya para hindi niya mapansing lalaki ako.

"Apat na lumpiang togue 'te for take-out. Padamihan ng suka. Salamat!" habang excited si Pearl sa paghihintay ng togue niya ay napatingin ako sa lalaking nakahawak sa kamay ng bata niyang kasama na busy sa pagkain ng cotton candy.

"Ano? Busog ka na ba? Dami na ng binili ko sa'yo ah." natatawang sabi ng lalaki.

"Hmm, hindi pa!"

"Ha? Grabe naman tiyan 'yan! Ipa-purga na kaya kita? Baka may bulate ka sa katawan!"

"K-kuya naman eh! Sabi mo sa akin kapag may work ka na kahit anong gusto ko kainin bibilhin mo." naka pout na sabi ng bata habang patuloy pa rin sa pagkain ng cotton candy na hawak niya.

Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti kasi ang cute nilang magkapatid. Hay. Kung sana hindi ako anak sa labas, naging ganito kaya kami ni kuya?

------------------------------------------------------

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon